“Biglaan”


Kapag biglaang nagsimula, biglaan ding mawawala
Yan ang sinasabi ng mga tropa
Pero hindi ako naniwala kasi nga diba? Nafall na.
Pero minsan mapapaisip nalang ako, worth it pa ba?

Agosto 24 nung una mo akong kinausap
Sabi mo gusto mo na ng seryoso, tapos na sa panandalian lang.
Binibiro mo pa ko na baka hindi pa ko graduate sa mga landian na yan
Eh saan ba nagsisimula yung lahat? Diba sa landian din naman?

Una palang, sinabi ko na sayong seryoso ako
Kasi sinabi mo ikaw din, pero siyempre isa din akong utu-uto
Nagpabola dito, nagpabola doon
Naniwala sa lahat ng matatamis na salitang binitiwan mo

Dalawa, dalawang buwan na ang lumilipas.
Oo, hindi pa matagal yon pero yung pagmamahal ko sayo wala pading kupas
Diba nga ilang beses mong tinangkang umiwas
Pero ilang beses ko na din pinigilan kasi natamaan ako e, ang lakas.

Ngayon, may balak ka nanaman atang umalis
Hindi ko nalang alam kung kaya ko pang magtiis
Inintindi ko naman lahat ng walang mintis
Pero bakit parang hindi parin sapat sayo at ika’y lumihis?

Gusto ko nang sabihin na tangina, pagod na ko sa mga nangyayari
Sa moodswings mong hindi ko na mawari
Magagalit ka pag di ako namansin at wala akong sinabi
Pag naman nagsalita ako, ako nanaman yung may mali.

Lahat naman ginagawa ko para sumaya ka
Pero bakit parang kulang pa?
Hindi ko naman sinasadyang biguin ka
Nagmamahal lang naman ako sa paraang alam kong tama

Oo pagod na ko pero pwede namang magpahinga
Ayokong umalis kasi naniniwala akong may pag-asa pa
Sana bumalik lahat sa dati nung una mong sinabing seryoso ka
Kasi tangina sobrang sakit pero mahal na mahal kita.

Ngayon, tinatanong ko nanaman yung sarili ko kung worth it pa nga ba
Kasi sabi nila pag di ka na masaya, umalis ka na
Pero kahit na nag aaway tayo lagi, kapag nagbati sa’yo naman ako nagiging pinakamasaya
Kaya sana, samahan mo naman akong patunayan sa kanila na hindi lahat ng biglaang nagsisimula, biglaan ding nawawala.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.