“Patawad”

Patawad. Patawad dahil puro sarili ko lang ang iniisip ko.
Dahil hindi ko man lang iniisip ang nararamdaman mo.
Dahil iniisip ko lang puro ako, ako, ako.
Dahil ni minsan, hindi ko man lang tinanong kung okay lang ba sa’yo.

Patawad kung naging makasarili ako, hindi man lang nagtanong kung kamusta ka na.
Puro nalang ako, nakalimutan kong intindihin ka.
Nung una, akala ko sawa ka nang umintindi pa.
Yun pala, sawa ka lang na hindi tanungin kung okay ka.

Patawad, hindi ko napansin agad na nahihirapan ka din.
Hindi ko man lang napansin na napapagod ka din.
Sana maintindihan mong hindi ko to sinasadyang gawin
Gago, eto nanaman ako puro hiling na intindihin mo parin.

Patawad, sinisi kita sa lahat ng pag aaway na meron tayo.
Puro ako reklamo na “hindi mo ginagawa yon”, “hindi mo ginagawa to”
Hindi ko man lang naisip na nagawa mo na pala, pero binalewala ko
Ngayon, ako na ang nagsisisi dahil sa mga nawalang pagkakataon na magkasama sana tayo

Patawad, huli na nang mapagtanto ko.
Lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa’yo.
Sobrang tanga ko hinayaan ko pang humantong sa ganito.
Hinintay ko pang magsawa ka dahil sa paulit ulit na gulo.

Patawad, mahal, sana iyong pag-isipan.
Handa akong gawin lahat wag mo lang akong iiwan.
Alam kong iniisip mong yung paghingi ko ng tawad, walang laman.
Pero sana maniwala ka pag sinabi kong seryoso to, walang iwanan.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.