Kay Sarap Pakinggan

Bakit ang sarap pakinggan noong binigkas mo ang mga salitang

Ayaw ko na sayo

Hindi na kita mahal

Hinding hindi ka na makakabalik sa akin

Ano ba ang hiwaga sa likod ng mga binitawan mong salita?

Bakit tila ang puso ko ay iyak-tawa sa pagsambit mo sa mga katagang iyan

Ang sakit pala

Nakaharap ako sa buong pamilya mo

Isinasambit ko at ikinikwento ko ng patula ang pagibig ko sayo

Na kung gaano kita kamahal at kung gaano kita kaya pang mahalin

Ipinakita ko hanggang sa huli na ipaglalaban ko pagmamahal ko sayo

Hindi ka lumalaban pero hindi ako ung lalaking isusuko ka nalang

Basta basta

Hindi ka basta basta

Ikaw ung babaeng dapat ipinaglalaban

Sa buong pagsasama natin ng halos dalawang taon nakilala kita

Alam ko ang bawat sugat sa puso mo

Tinakpan ko ito

Sinelyohan ng pagibig ko

Ngayon ako..

Ako ang may malaking butas sa puso

Na tilay ba ang itinira na lamang dito ay ang alala mo

Bawat ngiti mo, yakap, at halik

Yoon nalamang ang naririto

Bumalik ka na sana

Ang puso ko sumisigaw tuwing pagkagising ko at bago ako matulog

Hinahanap ang pagmamahal mo

Alam ko na kung bakit ang sarap pakinggan ng mga katagang isinambit mo

Dahil..

Ipinadama mo talaga na

Hindi mo na ako mahal

Ayaw mo na sa akin

At hinding hindi na ako makakabalik sayo

Sa harap ng pamilya mo napatunayan ko

Na kahit ano pa ang gawin ko ayaw mo na sa akin

Ang hirap tanggapin

Lagi ko tinatanong ang sarili ko

OO, nagkulang ako pero ganoon lamang ba kadali palitan ang pinaghirapan nating buoin

Parehas tayo merong pagkukulang sa isa’t-isa pero please lang

Wag ka doon sa lalaking iyon

Tatanggapin ko pero wag sa lalaking iyo na itinanggi ka sa harapan ko

Na gusto ka niya at nanliligaw siya

Doon ka sa lalaking hindi ka ipapahiya at hindi ka itatanggi at ipaglalaban ka hanggang sa huli

Hindi na ako iyon

Ayaw mo na sa akin

Sinasabi ko ito dahil gusto ko dahil may pakielam ako sayo ang gusto ko mapunta ka sa lalaking tatayo sa harapan ko

Na nagkulang ako sayo at siya ang pupunan sa mga pagkukulang ko

Na ang mga sugat na nagawa ko sayo ay siya ang mag seselyo ng pagmamahal niya

Na titingin sa harapan ko at baka masapak pa ako dahil sa nagawa ko sayo

Namura kita, patawarin mo ako

Mahal na mahal na mahal kita

Hanggang ngayon hindi parin ako naniniwala

Na ang pagibig natin ganun nalamang natapos

Ang apat na kanto ng silid ko

Litrato nating dalawa ang naka disenyo

Bakti ang sarap noong binigkas mo ang mga salitang:

Mahal kita

Mahal na mahal

Mahal na mahal na mahal kita

Forever tayo.

Siguro yun lang ang kabaliktaran ng lahat na iyon.

Hindi ko na alam kung paano ako mag sisimula

Kung paano ko pupulutin ang puso ko

Hindi ko mahanap ang puso ko

Gayun pa man

Ito lang ang masasabi ko sayo

Umaasa parin ako

Na babalik ka sa akin

Hindi man ngayon

Magkaroon ka man ng iba

Andito parin ang puso ko nag hihintay sa ngiti, yakap at halik mo.

“(MA)mahalin kita kahit ang ibig sabihin noon ay ang pagsalo ng lahat ng inani mong pasakit. (NA)nakawin ko lahat ng kirot na nasa puso mo, (NG) sugat sa isip mo. Oo, alam kong maraming beses ka nagkamali, pero (P)apakinggan pa rin kita, papatawarin at papalayain ka. Dahil gan’to ang tunay na pag-ibig.”

Ikaw ang aking tunay na pag ibig

My greatest love, mahal kita.

Mahal na mahal

Na mahal kita.

Itatabi ko muna ang sarili ko sa isang silid na baka sakali ang puso kong nawawala ay katukin iyon at bumalik sa akin.

Hihintayin kita. Umaasa parin ako. Andito ako. Ikaw ang aking tunay na pagibig

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Amos John’s story.