>> Well, Another boring day nanaman. eto nandito sa room nakadungaw sa bintana minamasdan ng mabuti yung mga langit habang nag tuturo si Ms.Haruhi. Sa totoo lang Isa lang akong normal na estudyante sa Spring Valley High, yung mga pangkaraniwang estudyante lang ako, Papasok, mag-aaral, uuwi, matutulog. Wala namang espesiyal na katangian na meron ako. mas gusto ko nga yung ganito lang. Normal na pamumuhay tahimik, pero nagbago ang lahat noong November 28, 2034…
Mr.edo: “ Okay class that’s for today, Class dismissed”
Mahiro: Hay salamat natapos din itong araw nato, grabe ang sakit ng katawan ko parang pakiramdam ko magkakasakit ata ako.
Shinzou : “Oo nga pre, parang iba din pakiramdam ko ngayong araw.
>> Si Shinzou yon, best friend ko since kindergarden hindi ko nga alam pano ko siya naging kaibigan basta nalang kami magkasama since then parang kapatid ko narin turing ko sakanya, Kulay dark brown yung buhok medjo shaggy yung hairstyle tas optimistic na mukha yung tipong palaging nakangiti, palagi nag sasabi ng mga lame joke, pero kahit ganon siya masasabi ko parin namang tapat na kaibigan tong lalaking to.
Shinzou : “ Nga pala. Mamaya daw 6pm uulan daw ng snow ah sabi sa balita kaninang umaga.”
Mahiro : “Oh? kala ko sa susunod na araw pa uulan ng snow mukhang napa-aga.”
Shinzou : “ Oo nga eh, Sana hindi ako abutan ng snow mamaya, wala pa naman akong dalang jacket or sweater man lang.”
Mahiro: “Tara na, baka gabihin pa tayo medyo malayo layo din yung mga bahay natin”
Shinzou : “Teka, baka gusto mo munang sumama sakin kasama si Momoi sa bagong bukas na Ramen shop sa may Aziwa street?”
Mahiro : “Osige, tara na dalian na natin para makauwi agad.”
>> Habang inaayos ko yung gamit ko parang feeling ko may masamang mangyayari, parang hindi ako mapakali, sana naman walang mangyaring masama.
Shinzou : “OY!! tara na men! tulala ka nanaman diyan. tsk” (Hinatak si Mahiro palabas ng room 2-3)
>> Habang naglalakad kami napadaan kami sa isang bulletin board.
Shinzou : “Nagawa napala ng SSC yung bulletin, kala ko hindi pa nila to tapos (Habang tinitignan yung mga nakasulat)
>> hmm, puro announcement lang naman tong mga to walang kakaiba
Mahiro : “Oy shinzou tara na, baka hinahanap natayo ni Momoi baka magalit nanaman satin yun”
Shinzou : “AY! oo nga pala baka matalakan nanaman tayo non. HE HE HE”.
>> Hay eto talagang kaibigan kong to hindi nagbago,
>>Habang paalis na kami sa may bulletin board may napansin akong Isang part don na may nakasulat (“Lucky quote for today”) tinignan ko muna saglit tas ang nakasulat (“Today will be a surprise, It is up to you whether what path you would take, do not lose hope! fight till the end! -SSC”) Kakaiba naman tong quote na to, imbis na magmukhang lucky quote parang warning to e.
Shinzou : “ Oy ano bang tinitingin tingin mo diyan! halika na!!
>> Habang naglalakad kami ni shinzou papunta sa Room 2-1 malapit sa room ng clinic, napansin ko parang ang gloomy ng panahon ngayon eto ba epekto ng pag ulan ng snow mamaya? hindi eh parang kakaiba, yung feeling ng may nakakatakot na vibes na nararamdaman ko, hindi ko alam siguro nagugutom lang talaga ako at pagod na pagod ako dahil sa buong maghapon akong nakatingin sa labas ng binatana.
Shinzou : “ O andito napala eh kala ko malayo pa tayo ehhe, di mo naman sinabi na tapat lang pala ng clinic room nila momoi.”
Mahiro : “Aba ewan ko di ka naman nagtanong basta ka nalang naglakad ng naglakad kala ko alam mo muntik na tayong maligaw”
Shinzou : “ Eh kahit naman sabihin nating tatlong taon na tayo sa Spring valley high eh hindi ko pa din kabisado tong school na to, sobrang laki kasi e nakakatakot mag libot.”
Mahiro : “hay nako yang pagiging imaginative mo umiiral nanaman, or matatakutin ka lang talaga? hahahah ayan sa sobrang panonood mo ng anime.
Shinzou : “EH BAKIT BA HAAA. hay nako sino ba naman kasi gusto libutin tong school eh magkanda ligaw ligaw na nga tayo sa sobrang laki neto. tara na nga tawagin mo na si Momoi.”
>> Kumatok ako sa pintuan ng 2-1 *TOCK TOCK* (hmm parang ang tahimik ah,) *TOCK TOCK* wala padin.
Mahiro :” Mukang wala atang tao?”
Shinzou : “ Ewan ko sabi ni Momoi andito daw siya hanggang 4pm may tinatapos lang report, eh 3:30 palang naman.”
>> (Kakaiba to, andito daw si momoi pero walang sumasagot sa katok ko.)
Mahiro : “Halika nga sa loob” *Binuksan yung pintuan*
>> Habang hawak hawak ko yung door knob parang ambigat ng feeling ko, para bang pinagpapawisan ako yung tipong may nakapasan sa likod ko.
Mahiro : “AY KAYA NAMAN PALA E, BAT KABA NAKAPASAN SAKIN SHINZOU?!!”
>> Bumitaw sa pagkakapasan sa likod ni Mahiro
Shinzou : “Eh kasi naman eh ba’t parang walang tao dito sa 2nd floor nakakatakot tuloy kala ko may nakatingin sakin.”
Mahiro : “Jusko, sadyang matatakutin ka talaga”
>> Pagkabukas ng pinto may isang babae na nag susulat sa board.
Mahiro : “Oh, andito kalang pala Momoi.”
Momoi : “ MAHIROOO!! SHINZOUUU!! Misss ko kayooo! anjan pala kayo!”
Mahiro : “Eh? kanina pa kami kumakatok ba’t hindi mo kami pinagbubuksan”
Momoi : “ Hmm, baka di ko napansin busy kasi ako dito kakasulat eh? heehhehehehe”
Mahiro : “Pansin ko nga -____-” “teka ano ba yang ginagawa mo”
Shinzou : “ Teka nga mahiro para kang sirang plaka sinabi ko na nga kanina nagawa si momoi ng report niya, ano paulit ulit nalang ba?”
Mahiro : “Baka gusto mong itali kita dito sa school tapos iwanan ka namin dito?”
Shinzou : “ HEHEHE ano ka ba naman mahiro parang hindi ka mahiro ehehehhe” ( ^_^” )
Mahiro : “O momoi tara na bukas mo nalang tapusin yan, baka gabihin tayo, tapos sabi pa sa balita uulan daw ng snow mamayang 6pm kaya’t tara na pumunta na tayo don sa sinasabi ni Shinzou na bagong bukas na ramenshop.”
Momoi : Okay! wait lang! lilikpitin ko lang yung gamit ko!”
>> Si Momoi bestfriend ko din to since kindergarden kaming tatlo ni shinzou magkakaibigan na kami simula bata palang kaya parang magkakapatid na kami sa sobrang kulit naming tatlo, SI momoi napakagandang babae neto kulay pink yung buhok parang sakura tree, Popular girl sa Spring valley high si momoi, pano kasi Hindi lang siya maganda matalino pa at masipag, wala ka ng hahanapin pa, kaya nga ang daming galit saking lalaki dahil bf daw ako ni momoi. hay mga tao talaga ngayon mga maling hinala pero okay nadin yun para walang manligaw sakanya para nadin akong tagapagtanggol ni momoi eh kasi wala siyang kapatid nag iisa lang siya sa pamilya nila.
Momoi : “ OY GUYS! TARA NA HEHEH! YAHOO”
>> medyo may pagkakulit si momoi kaya hindi mawawalan ng kasiyahan yung araw ko kapag kasama ko sila. Habang naglalakad kami palabas ng spring valley high napaisip lang ako ng hinaharap ko kung ano kaya magiging trabaho ko matutupad ko kaya ang pagiging detective? detective? wow parang anime lang ah ahha. malabong mangyari yon, pero mahilig ako sa mga ganon, kaso ang ginagawa ko ngayon sa buhay puro laro lang ng mga Video games at online games, pero hindi ko naman pinapabayaan ang grades ko. mukang nag si uwian na agad mga estudyante ngayon ah konti nalang mga tao sa lobby, siguro nabalitaan din nila na uulan na ng snow mamaya.
Shinzou : “Dalian niyo guys! baka paglabas lang ng school abutin pa tayo ng isang oras sa bagal niyo maglakad”
>> Ayun nakalabas kami na ng school tas naglakad papunta sa Aziwa street para kumain dun sa sinasabi ng unggoy na to
Shinzou : “ TADAA! AZIWA HOT RAMEN SHOP! hehe di nako makapaghintay kumain!!!”
Mahiro : “Para kang timang sa ginagawa mo, first time mo bang kumain ng ramen?”
Shinzou : “ HEHE HINDI NAMAN EXCITED LANG AKO”
Momoi : “ Funny mo talaga shinzou libre mo ba shinzou?
Shinzou : “ At DAHIL AKO ANG NAGTURO DITO SA SHOP NA ITO, SI MAHIRO ANG MANLILIBRE! SAGOT KO NA TAWA NIYO EHEH.”
Shinzou : “ Aray ko naman, binatukan ba naman ako.. T_T”
“Kala ko namana KKB Tayo tas ako naman pala magbabayad -___-”
Momoi : “ Sige ako nalang magbabayad ng kakainin niyo tutal tinreat moko Mahiro last week ng Ice cream”
“ Hindi, sige ako na magbabayad tutal may extra money pa naman ako galing sa sahod ko sa sidejob ko eh sige it-treat ko na kayo”
Shinzou : “ YAHOOO! I LABYU MEHN, YOU’RE DA MEHN” *PAAK* Shinzou : “ aray ko naman nakakailan kana mahiro huhu T_T “
>> WELCOME MA’AM / SIR! What’s your order!? sabi nung nagbabantay dun sa counter,
Shinzou : “ YUNG SPICEY RAMEN NALANG BRO!
Momoi : “ Kung ano sainyo yun nalang din sakin hihi ^_^”
“Sige, Three pcs of spicy ramen then please add three soda” , ayun sawakas nakaupo narin, “
Medyo Comfortable mga upuan nila dito ah”
Shinzou : “ Eh ma-ala sofa mga upuan dito, bigtime kasi may-ari neto kaya ganon mga gamit nila dito mamahalin”
teka parang bumibigat yung pakiramdam ko para bang may nakatingin saking tao somewhere, tumingin ako sa paligid ng shop kaso wala namang taong nakatingin sakin, pero para talagang may naka..t…
WAITER : “HERE’S YOUR ORDER MA’AM AND SIR, ENJOY YOUR MEAL!”
Shinzou : “ WOOOW! KAINAN NAAA!, teka mahiro ba’t parang pinagpapawisan ka, eh hindi mo pa nakakain yang spicy ramen mo, ano yan nauna muna yung epekto ng pagkain bago mo kainin? kakaiba ka talaga! hahahah”
“Ay hindi wala, kinabahan lang ako, hindi ko alam kung bakit parang may nakatingin sakin”
Shinzou : “ Hay nako, GUTOM LANG YAN BRO! TARA NA! KAINAN NA.
Momoi : “Oo nga mahiro baka pagod ka lang kumain kana.”
>> Baka nga gutom at pagod lang talaga ako, pero ngayon ko lang naramdaman tong feeling na ganito na may nakatingin sayo ng masama somewhere.. BIGLANG KUMULOG NG MALAKAS AT KUMIDLAT “BANGG SHZJHSKKKKSKKK!”
>> teka parang may nakita akong tao sa may poste sa labas ng shop, or namalik mata lang ako
Mahiro : “ Nakita niyo bayon?”
Mahiro : “may taong naka tingin satin sa labas dun sa may poste”
Mahiro : “Wala wala, baka illusiyon ko lang yon, kumain na nga tayo baka lumamig pato” matapos kami kumain ng ramen agad nadin kami tumayo at lumabas ng shop”
Shinzou : “ Tara na Moi! sabay na tayo tutal malapit lang naman bahay niyo samin para may kasabay ka.
Momoi : “ Sige, ikaw Mahiro? sasabay kaba?”.
“ay hindi na sige mauna na kayo may da-daanan pa kasi ako sa book store malapit lang dito”
Momoi : “ Sige, bukas nalang! ingat!.
Shinzou : “Salamat sa libre HEHE, Ingat mehn!.” “Sige mag ingat kayo text nalang.”
>> ayun nasa station nadaw sila, eto naman ako naglalakad papunta dun sa book store, nabalitaan ko kasi na may bagong issue daw yung mangga na sinusbaybayan ko kaya bibili ako. habang naglalakad ako isa sa mga street papunta sa book store nayon, biglang dumilim yung paligid, para bang uulan ng ma-aga ng snow ngayon ah, kailangan ko ng dalian. habang naglalakad ako biglang kumukulog, hindi ko nalang pinansin nagmadali ako ng lakad, napakatahimik sa street na dinadaanan ko parang walang nakatira dito, tas habang naglalakad ako, eto nanaman yung feeling ng may nakatingin sakin somewhere, pinagpapawisan ako, parang ang sama nung tingin sakin, yung tipong papatayin ka. tumingin ako sa paligid, kaso kinakabahan ako binilisan ko yung lakad ko, tapos may narinig akong tawa, yung tawa parang boses ng malaking tao, parang hindi tao yung tawa, parang Toro na ewan na may haloong aso yung tunog, parang mga demonyo na boses katulad sa mga anime na napapanood ko, kinabahan ako binilisan ko pa yung lakad, tapos biglang
>> Sa isang iglap nayon tumama yung kidlat sa harapan ko habang nakita ko yung kidlat na tumama sa harapan ko, tumaas ang mga balahibo ko, nanigas ang katawan ko, yung mata ko hindi mapakali sa nakita ko, parang FLASH ng isang camera na pinicturan ka sa harap ng muka mo at nasilaw ka sa flash, at sa likod ng flash nayon ay may nakita ako…. may nakita ako.. nakita ko isang mata na nanlilisik.. kulay pula.. hindi ko maipinta yung muka niya.. parang yung mga nakikita ko sa video games na halimaw, kaso eto hindi hugis tao siya.. hindi ako makagalaw, namamanhid ang buong katawan ko.. ano ba ito.. totoo ba itong nakikita ko?! o nag iilusiyon nanaman ako? kaso nasira lahat ng mga iniisip ko nong ngumiti yung nakita ko, napara bang makakapatay o parang may binabalak na masama, ayan na, palapit na siya ng palapit sakin. ano ba ito!?! HINDI AKO MAKAGALAW.
>> Humakbang yung nilalang yumayanig ang lupa dahil sa bigat ng mga pa-a nito. Kaso yung paningin ko nanlalabo dahil sa flash na ginawa ng kidlat hindi ako makakita ng ma-ayos yung katawan ko hindi ko maigalaw, para bang sa isang saglit pwede ako mahimatay,
>> palapit ng palapit sakin yung nilalang na nakita ko, kulay pulang mata ang nanlilisik na nakatingin sakin!
>> hahawakan na niya ang ulo ko gamit ang kamay niyang napakalaki hindi ko mawari kung anong klaseng kamay to nakakadiri para bang kamay ng isang Ghoul sa palabas na napapanood ko, wala nakong magawa hindi ako makagalaw. at bigla akong tumumba bago ako mahawakan nung nilalang na nakita ko, onting onti nawawala ang paningin ko unti unting nawawalan ako ng malay, at palapit ng palapit yung nilalang na nasaharapan ko na para bang gusto akong patayin.. teka may naririnig akong tumatakbo.. bigla kong napansin yung paligid, umuulan napala ng snow.. kaso mukang haggang dito nalang yung buhay ko, hindi ko alam kung ano mangyayari sakin…nahawakan na ng nilala yung ulo ko at. konting liwanag nalang sa kalangitan ang nakikita ko at unti unting umuulan ng niyebe.. mamatay naba ako??.
>> siguro nga tapos na ang maliligayang boring na buhay ko.. teka may tutulong ba sakin? wala na ako lang kasi ang tao dito sa street nato, biglang tinaas ng nilalang ang kamay nito na para bang sasaksakin niya si mahiro sa dibdib gamit ang matatalas na kuko nito.. sabi na mamatay nako ngayon, kaso wala akong magaawa!! hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko! napaisip ako TULUNGAN NIYO NAMAN AKO! gusto kong sumigaw kaso hindi ko maigalaw ang buong parte ng katawan ko maski ibuka ang aking bibig hindi ko magawa! mukhang eto na ang huling sulyap ko sa mundong ito, tumingin ako sa mga niyebe na bumabagsak sa lupa.
>> at pumikit nalang .. bigla akong may narinig na sobrang bilis tumakbo.. palapit ng palapit………na parang nagmamadali. eto na mamatay nako ilang inches nalang ang layo sakin ng kamay ng nilalang na may hawak sakin na biglang naging slow mo ang lahat. eto na atay ung part na last moments of someone’s life pag mamatay na. eto na masa-saksak nako.. bigla akong may narinig na sumigaw ng isang word na mabilis pero rinig na rinig ko, parang isang uri ng mahika? totoo bayon? diba sa mga palabas lang yon,
~~ Mysterious “TRIPPLE ACCEL!! TIME ALTER!!”
>> Biglang tumalsik ng sobrang layo yung nilalang na may gustong pumatay sakin, para bang nasipa siya ng isang higante, hindi ko makita ng maayos kung sino gumawa non pero may taong lalaki sa harapan ko.. sino yon? sino itong lalaki na ito na sumipa sa nilala nayon? sobrang lakas naman ng sipa nayon, hindi rin ba ito tao?. ang dami kong tanong sa sarili ko, biglang nagsalita yung lalaking nakaitim
Lalaking nakaitim :”OY! AYOS KA LANG BA?! Sumagot ka wag kang bibitiw! diyan ka lang!”
>> hindi ko siya masagot at bigla nalang ako nawalaan ng malay sa gitna ng pag ulan ng niyebe..

characters from left to right.
I do not own any of the pictures shown in this novel. I just used them to show the readers how the characters look like, The pictures here are created by their respective owners.
Continue reading The Faith of Inazuma mahiro next chapter by clicking the link below. like my works if you want to see more updates!! ☺
Email me when C⚡ publishes or recommends stories