The Fate of Inazuma Mahiro

Chapter 2 : Winter surprise (By Danielle Cuypers)


Lalaking nakaitim: Ayos naba siya?

Mysterious girl :Oo, konting gasgas lang naman ang tinamo niya at siguro sa sobrang takot nawalan siya ng malay.

Lalaking nakaitim: Mabuti naman, buti nagmadali agad akong puntahan siya kundi baka katapusan na ng buhay niya kanina.

Mysterious girl:*Sigh* Mabuti nalang talaga napadaan ka sa Aziwa street, maya maya lang magkakamalay na to iwanan ko muna kayo.

Lalaking nakaitim : Sige, maraming salamat..

>> Ng magkamalay ako, tumingin muna ako sa paligid para mae-exercise yung mata ko kasi feeling ko nahilo ata ako, tapos hindi ko ma-alala kung bakit ako nandito, Umupo ako galing sa pagkakahiga sa kama, at nagmasid masid muna. nasa isang kwarto ako na parang hostpital pero madilim naka dim light ata yung kwarto tas nakabukas yung bintana.

Mahirop : Agh, Ang sakit ng ulo ko hindi ko ma-alala ang nangyari.

>> Tumingin ako sa labas ng bintana upang tignan kung gabi naba, mukang palubog palang ang araw ngunit medyo madilim na mukhang mga nasa 6pm na ata, at umuulan na ng snow, medyo makapal na ang niyebe sa labas, siguro napa-aga ng ulan ng niyebe sabi kasi sa balita 6pm daw mag i-istart ang pag ulan. pero napaaga ata kesa sa inaasahan.

>> agad kong napansin may isang lalakeng nakasandal sa kanto ng pader malapit sa pinto, naka black suit siya tapos may katana na nakasabit sa bewang nito. ano ba to isang samurai? modern? ngayon lang ako nakakita ng totoong katana.

Lalaking nakaitim : Oh, Gising kana pala.

Mahiro : uhh, (hawak sa ulo) medyo masakit ulo ko, ano bang nangyari.

Lalaking nakaitim : Wala kang ma-alala sa nangyari kanina?

Mahiro : uhm wala eh, pasensya na.

>> Umalis sa pag kakasandal ang nakaitim na lalaki sa pader, at naglakad papuntang bintana at dumungaw ito palabas na tila may iniisip.

Lalaking nakaitim : Mukhang kailangan ko ikwento ang nangyari kanina?

>> Tumingin sakin ang lalaking nakaitim at ngumiti nito na parang napaka amo ng mukha at yung mata ay halos hindi ko na makita sa sobrang singkit. Kulay pula ang buhok ng lalaking nakaitim, Meron siyang tamang pangangatawan, at yung aura na nararamdaman ko ay napakalakas para bang ang lakas ng dating niya.

Lalaking nakaitim : Kanina may umataki sayo ng ibang klaseng nilalang, muntik ka ng mamatay.

Mahiro : *Biglang sumakit ang ulo* Aghhh!

Lalaking nakaitim : Ayos ka lang ba?

Mahiro :Oo, na-aalala ko na yung nangyari.

>> Na-alala ko na yung nangyari, soon na ma-alala ko sinabi ko agad sa lalaking nakaitim na hoodie.

Lalaking nakaitim : Oo bago ka masakasak ng nilalang nayon, buti umabot ako nailigtas kita agad.

Mahiro : Ahh. Ikaw pala yung naririnig ko na tumatakbo ng sobrang bilis, Ikaw ba yung nagsalita ng parang isang napakabilis na salita at malakas?

Lalaking nakaitim : Yep, ako nga.

>> Ano to kalokohan ba to? hindi ko alam na nag-eexist pala ang mga ganitong bagay?

Mahiro : O isa lang tong skit??! baka nasa taping lang tayo at napasama ako? o kaya nasa isang reality show lang ako??

Lalaking nakaitim : Hindi, lahat ng nakita mo kanina at narinig ay totoo.

Mahiro : Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko..

>> Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko, napaisip ako at natulala, yumuko ako at iniisip ko yung nangyari kanina. na-alala ko yung halimaw na dumakma sa-akin. nakaka kilabot parang kakainin ako hindi ko maipaliwanag ang itsura neto.

Lalaking nakaitim : Oh anong nangyayare sayo?

Mahiro :Na-aalala ko lang yung nakita ko kanina.

Lalaking nakaitim : Ahh isa yong Familiar.

Mahiro : Familiar??

>> Habang nag uusap kami medyo nawala na yung pag kahilo ko at tumayo ako at umupo sa sofa na malapit sa table upang makipag usap ng ma-ayos.

Lalaking nakaitim : Ang mga familiar ay isang uri ng demon.

Mahiro : Ngunit saan galing ang isang yon?

Lalaking kaitim : Hindi basta basta lumilitaw ang familiar, eto ay sinummon ng isang Summoner upang gawin ang inutos ng kanilang master.

>> Teka parang eto yung mga napapanood kong anime ah? may pinapadalang masasamang tao para patayin yung bida? teka mamatay ba ako? naguguluhan nako sa mag nangyayari!!

Mahiro : At bakit naman ako ipapa-patay?!

Lalaking nakaitim : Dahil isa ka sa mga napili ng laro War of kings.

Mahiro : War of kings?!

>> Tumayo ang lalaki sa pag kakaupo sa sofa at pumunta malapit sa bintana at tumingin sa kalangitan at sinabi

Lalaking nakaitim : Isa itong palaro kung saan ang mga taong mapipili ay kalidad ng isang hari, isa tong laro kung saan maglalaban laban ang mga napiling mga hari.

Mahiro : Pero hindi ko gusto pumatay ng tao!

Lalaking nakaitim : Ngunit wala kang magagawa kung hindi lumaban, dahil kung hindi ka lalaban ay ikaw ang masasawi.

Mahiro : pero hindi ko kaya lumaban ng mag isa!

Lalaking nakaitim : Huwag kang mag-alala marami kang makikilalang ka-alyado mo na kasali sa larong ito, isipin nalang natin na ikaw ay isang hari sa isang bansa at may mga kapwa kang hari na gusto makipag tulungan sayo upang mapalakas ang kanilang pwersa, parang medieval times.

Mahiro : Sino sino sila?

Lalaking nakaitim : Huwag kang mag-alala makikilala mo din sila, sa ngayon ay umuwi kana tutal kaya mo na tumayo, malamang hinahanap ka na ng tao sa bahay niyo.

Mahiro : Oo kaya ko na. marami pakong katanungan!.

Lalaking nakaitim : Ipagpabukas mo nalang yan sa ngayon mag pahinga kana sa bahay niyo.

Mahiro : Teka ano ang pangalan mo? hindi pa kita nakikilala pano ako mag titiwala kung hindi ko alam ang pangalan mo?

Lalaking nakaitim : Hijo kaitou, Hijo nalang itawag mo.

>> Pagtapos niya ibigay ang kaniyang pangalang agad akong nagmadali at umuwi sa bahay, habang nag lalakad ako sa streets na dinadanaanan ko parang natatakot nako natroma ako sa mga nangyari na feeling ko kahit anong oras eh pwedeng may pumatay sakin, pero na-alala ko yung sinabi kanina sakin ni Hijo bago ako umalis kanina, “Wag kang mag-alala naglagay ako ng repel spell sayo para hindi ka matrack oh ma identify ng mga kalaban mo na isa kang King pansamantala lang yan kaya magmadali ka umuwi” buti naman may ganon palang spell para masiguro ang kaligtasan ko.

>> pagdating ko sa bahay alalang alala ang nanay ko,

— MAHIROOOOOOOOOO!!! ~~ ANAK SANG KA GALING!!? OKAY KA LANG BA MAY NANGYARI BA SAYO???, KUMAIN KANABA? HUHU. T_T

Mahiro : Nay okay lang ako may pinuntahan lang akong bookstore napatagal lang ako don, kasi napasarap ako sa pagbabasa, wag nga kayo maging OA, okay lang po ako.

— SURE KA ANAK? KUMAIN KANABA????

Mahiro : Opo okay lang ako, hindi muna ako kakain ngayong gabi kasi dumaan kami kanina nila shinzou at momoi sa bagong bukas na ramen shop sa Aziwa street.

— Mabuti naman hay.. *Sigh* magpalit kana at magpahinga kana.

>> Umakyat na agad ako sa kwarto ko, hindi na nga ako nakapag sipilyo pagod na pagod ako at natrotroma pa ako sa nangyari ngayong araw, humiga agad ako saglit sa kama at tumayo agad upang mag palit, tas humiga na ulit ako kasi pagod na pagod nako.

>> Napaisip ako, Kasali ako sa isang death game na tinatawag na WAR OF KINGS, na kung saan ang mga kasali ay may mga kalidad ng hari, so hindi ko naman ma identify kung anong kalidad ang meron ako at pano ako napili sa larong ito? siguro ma-aga akong mamatay sa larong ito, mahina kasi akong tao, walang alam sa pakikipaglaban. may nalalabi nalang pala akong oras sa mundong ito. siguro dapat enjoyin ko nalang mamatay din naman ako..

>> sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako ng hindi ko namalayan.

—- HABANG NATUTULOG SI MAHIRO.

>> may dalawang tao sa ibabaw ng bubong ng bahay ni mahiro, na hindi makita ang mga muka dahil sa kadiliman ng gabi

— (IN BIG VOICE) eto ba yung batang sinasabi mo?

— Opo master, eto po ang isa sa mga kasali sa WAR OF KINGS. isa po siya sa mga napili na katulad niyo, madali lang po natin siya mapapatumba dahil mukha naman pong wala siyang alam sa pakikipaglaban.

— HAHRHAHRAHRH, mukang mapapadali ang pagpatay ko sa isang to. Osige dahil magiging mabait ako bibigyan ko muna siya ng panahon para mabuhay.

— Hinaan niyo lang po master ang inyong boses baka may makarinig sainyo..

— Huwag mokong pagsabihan! Tara umalis na tayo

— Patawad po.

>> Bigla nalang naglaho ang mysteryong tao sa bubong ng bahay ni Mahiro sa kadiliman ng gabi.

Novemeber 29,2034(6:09am)

^ Mahiro’s room ^

Mahiro : ughh, parang feeling ko may nakatingin sakin kahit nakapikit ako. ~_~

>> Nag unat ako at dumilat, pag tingin ko sa kisame namin ay may nakita ako.

Mahiro : WAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Hijo : Good morning mahiro!.

Mahiro : SINO KAAA?!!

Hijo : Si Hijo nakalimutan mo na agad ako? ha ha ha.

Mahiro : ლ(ಠ益ಠლ) SA SUSUNOD NAMAN MAG PAALAM KA MUNA BAGO KA SUMULPOT KUNG SAAN SAAN. NAKAKAMATAY SA PUSO EH.

Mahiro : Pasensya naman ^_^.

>> Bumaba si Hijo sa pagkakatayo sa kisame at umupo sa malapit sa study desk ko.

Hijo : Handa kanaba mahiro?

Mahiro : Teka teka ang aga mo pumunta dito ano ba ang sadya mo?

Hijo : Handa kanaba? oo at hindi lang?

Mahiro : HANDA SAAN? ლ(ಠ益ಠლ)

Hijo : Sa pagsasanay mo bilang isang HARI..

>> Kala ko magiging madali lang ang kamatayan ko, yun pala mararanasan ko pala makipaglaban ng brutal sa ibang HARI na katulad ko, jusko sana mabuhay pako sa mga susunod na araw.

———

Next Chapter — Chapter 3 : Power of kings ( released )

Continue reading The Faith of Inazuma mahiro next chapter by clicking the link below. like my works if you want to see more updates!! ☺ Please recommend it your friends!!

Email me when C⚡ publishes or recommends stories