Hindi ito isang ordinaryong pagbalik-tanaw sa dating panahon. Hindi ito patawa, hindi ito padrama. Isa itong patama.

Dahil sa eskwela, natuto makisalamukha. Sa eskwela, ako’y nalunod sa sariling luha.


PANA-PANAHON

Nung grade school ako, cool kapag stroller ang bag mo.

Maingay na gulong, pangalan mo ay ibubulong.

Nung grade school ako, artistic ang tawag sayo

kapag yung pinasa mong takdang aralin, may Word Art na disenyo.

Nung grade school ako, hindi pa uso ang syota

ang uso, yung sleeves na maikli para mukha kang siga.

Nung grade school ako, hindi pa uso ang frontcam

Kaya ang kabataan, studio pic ang labanan.

Tumuntong ng high school, maraming nagbago

Halos lahat gustong tumanda, halos lahat nagsisi-syota.

Nagpatuli, nagkabigote

Nagkaron ng kurba, nagkadede.

Nung high school ako, friendster ang trend

paramihan ng testi, para lang maki-blend.

Nung high school ako, ikaw ay isang rich kid

Kapag ang dala mo sa lunch table, 3G na touchscreen.

Nung highschool ako, mga estudyanteng malaki ang backpack

todo maka-porma, kasi sa mall ang punta.

Nung highschool ako, halos lahat ng tao e buraot

Tumuntong ng college, walang paring pagbabago.

Heto na nga ang college

Mga tao parang nakawala sa cage.

Tambay ron, inom dito

“Break na ba? Tara, smoke sa gate.”

Nung college ako, maliit pa rin ako

pero wala kayong pake, kaya wag tayo don magtungo.

Sa unang dalawang taon, isusumpa mo na malate

pag Junior ka na, “haters gonna hate.”

First year, squad mo pang-field trip

Fourth year, sapilitan pwera kung libre.

Tapos-

Tapos pag-ibig

na minsan parang tubig.

Masarap lumagok kapag uhaw

pero pag may juice, biglang nalang wow.

Sa college nakahanap ng magpapakilig.

Sa college nakadekwat na pakikiligin.

“Hi, pwede makuha iyong number?”

“Sure.” Sabay stalk sa Twitter.

Magliligawan, palitan ng tinginan,

magdadate, magtatawagan ng babe.

Tapos magsasaya kayo kasi malakas pa ang tama niyo

sa isa’t isa, may pangako pang ‘hanggang dulo.’

Pero eto ang sasabihin ko

binalaan naman kita kaya wag sasama ang loob.

Una palang may banta na ako

sa mga babasa, hindi ito masayang kwento.

In fact, kontrabida talaga ako

kasi mag-bbreak din kayo, yan ang totoo.

Pana-panahon, mga bagay nagbabago

pakiramdam, pananaw pati mga tao.

Ang spark maaaring magsindi, mag-apoy

ngunit pwede rin supot, o kaya hindi na magtuloy.

‘yang tatlong salitang iniipon mo —

‘I love you’ sabi dyan sa phone mo

o kaya ‘yang mga ibinigay sayong nasa kwarto mo

na ayaw itapon dahil espesyal kamo,

salita’t materyal lamang ang hawak

ng mga yan, walang permanenteng tatak

ng pagmamahal na hanggang dulo na walang taktak.

Kaya wag kang masyadong aasa, bata

sa pag-ibig dahil sa dulo ikaw rin ang kawawa.

O di kaya’y wag magbigay ng higit sa sapat,

ika’y masisira lamang, walang silbi ang gapat.

Kung kailan ka magiging handa

saka iiral ang lupit at pait dala ng tadhana.

Tadhana-

na katunog ng dambana

na tutunog nang hindi mo inaakala.

Tapos na. Wala na. Umasa’y wag na. Oras na-

Oras para bitawan lahat ng pinaniwalaan,

lahat ng iyong pinanghawakan,

labag man sa kalooban-

Patawad.

Oo, dahil para kay mahal

gagawin ang lahat upang sumaya lamang.

Oo, dahil para kay mahal

Kahit gaano kahirap, kailangan pakawalan

kahit hindi bukal.

Oo, dahil para kay mahal

Na may mahal ng iba,

dahil sa pag-ibig laganap ang tanga

lalong lalo na ang hangal.

Bata,

Patawad.

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Monkeypanda’s story.