Pagupitan

Kapag nagpapagupit ka ng above shoulder-length, ang sinasabi nila palagi para ka raw si Basha. Nag-momove on. Kumakalimot. Kumbaga parang pinapakawalan mo yung mga araw at taon na ginugol mo sa pagpapahaba ng buhok mo, yung mga araw at taon na tinulugan at binuhay mo na ayaw mo nang maalala pa, o pinagsisisihan mong naaalala mo parin pala. Kasi ika nga ni Basha, kapag bagong gupit, pakiramdam natin eh bago din tayo. Bagong itsura. Bagong pakiramdam. Parang bagong buhay.

Snip! Cut off the unwanted ties.

Snip! Cut off the underlying lies.

Snip! Cut off the nights for which the desire and the longing for someone burst into an outcry.

Snip! Cut off the hatred that is bursting into flames.

Snip! Cut off the all the excuses for reasoning to stay.

Snip! Cut off the days and all of the ways, none of which no longer matters anyway.

Snip! Cut.

Kasi hindi mo na kailangan yang mga mantsang sing itim ng linta na matagal nang nakakapit dyan sa buhok mo, na nagmula pa doon sa pinakadati na hindi narin natin dapat banggitin.

Tapos na yon.

Isang taon matapos ako nagpa-ikli ng buhok, above-shoulder length. Pero hindi ako si Basha, ha. Trip ko lang talaga mag-take ng risk. Actually, kasi gusto ko magpaganda para sa isang tao. You know, the things we do for love.

Pero sa isang buong taong pagtubo, isang buong taon din nagmukmok ang mga nabulok nang mga pananim at pataba ng lupa. Nagkaroon ng mga fly aways, nanuyot, kumulot, naglagas. May punto pa nga na parang hindi na umuusad, hindi na humahaba. Sinabayan siguro yung pagusad ko habang ang mga salitang nakakalat sa daa’y aking pinagpupupulot ng walang patigil at walang pagkapagod.

But then again, tapos na yon.

Nagulat na lang nga ako isang araw, sa pagharap ko sa salamin, nakita ko yung buhok ko, bumalik na sa dating haba. Ang layo na pala ng narating ko, ang tagal na pala simula noong unang beses kong ipinagmalaki sakanya yung drastic change na ginawa ko sa appearance ko.

But then again, tapos na nga kasi yon.

The words and all the letters of my story are imprinted on every inch on each strand of my hair, they are quiet but they tell story. You could see it in the pictures, they are growing. Wrapped silently in this thin black hair were all the places I’ve been to, all the scattered feelings I have buried myself into, all the people and all of the laughs, cries and screams. They are here, with me. They are a treasure, they planted happy kisses on my lips.

But I have to cut it.

Ngayon hindi para magpaganda, magpa-impress. Pero para magpaka-Basha.

Basha meaning moving on to a better life, the life with no hatred, no loneliness, no false hopes, no what-ifs, no could-haves. no “hang on there, there might be something”, no waiting and hoping. I will not be staying stranded on this deserted island of crooked alibis. Just towards life full of new beginnings, without looking back.

Ang sabi ko, magpapagupit lang ako kapag alam ko na sa sarili kong okay na ako, moved on ba. Hindi ko sasayangin ang buhok ko para lang sa hindi sigurado, no. Pero ngayon? I’m more than okay. And I’m ready.

Ready na to keep moving forward.

Hindi singdali ng pagpapagupit ang paglimot. Hindi ito parang papel na may nakasulat na life story, na madali lang tanggalin ang ibang mga parteng hindi mo gusto. Hindi ito fiction. This is my story. Kapag sigurado na, tsaka mo sabihing ready ka na.

Snip.

Cut.

I will become free. For me.