Glaiza de Castro, ikinumpara sa mga ordinaryong tao si Pirena ng ‘Encantadia’
Bagamat isang fictional character lamang si Sang’gre Pirena, naniniwala ang nagbibigay buhay sa Encantadia character na ito na si Glaiza de Castro na maaari ring makita ang mga katangian niya sa mga ordinaryong tao.
Ayon kay Glaiza, natuklasan niya raw ito noong nag-uumpisa pa lamang siyang maghanda para sa iconic GMA telefantasya. “Puwede siyang (Pirena) maging normal na tao,” pahayag niya.
Ipinaliwanag ni Glaiza ang mga katangian ni Pirena na makikita rin sa mga ordinaryong tao. “Si Pirena kasi ang lawak ng character niya eh. Puwede siyang maging kaopisina mo na akala mo [ay] kaibigan mo pero ‘yun pala [ay] namamlastik sa ‘yo. Puwede siyang anak mo na may ipinaglalaban at pinapatunayan na kaya niyang maging independent. Puwede siyang kapatid mo na kakompetensya mo pero at the same time [ay] mahal ka rin naman. ‘Yung mga ganoon. So ang dami niyang personalities,” saad niya.
Bukod sa pag-aaral sa mga kilos ng mga tao, dumaan din daw si Glaiza sa ilang physical preparations para sa role. “Nag-gym ako, tumatakbo, nag-diet pero hindi ko dine-deprive ‘yung sarili ko from eating. Kumakain pa rin ako pero mas healthy choices na,” paliwanag niya.
Nangyari rin daw na kailangang manood ni Glaiza ng beauty contests bilang preparasyon. Aniya, “Kasi siyempre ‘di ba royal ka? [Dapat] iba ‘yung tindig mo, iba ‘yung lakad mo. So doon pa lang, dapat ibang tao ka na.”
Follow us the official social media accounts of I LOVE GMA 7 Updated
Twitter: www.twitter.com/ILGMA7Updated
Youtube: www.youtube.com/MarkMadera1
Pinterest: www.pinterest.com/ILGMA7Updated
Vimeo: www.vimeo.com/ILGMA7Updated
SoundCloud:www.soundcloud.com/ILGMA7UpdatedMusic
Snapchat: www.snapchat.com/ILGMA7Updated