Alam kong may kakaiba…

Nabubuhay sa katahimikan. Nabubuhay upang itago na lamang ang mga kakaibang pakiramdam galing sa iba. Nabubuhay sa pakikisama na wala namang kasiguraduhan. Nabubuhay sa mga mata nilang hindi mo sigurado kung totoo o may panghuhusga. Mga bibig na ginagamit nila sa pagbulong upang ipasa ang mga mensaheng hindi mo naman talaga nalaman pero pilit ginugulo ang isip , at ang malungkot ay damay ang iyong buong pagkatao. May mga bagay na hindi ako sigurado at maaari akong maging mali sa pagkakaroon ng hinala. Pero ang kaya ko lamang sabihin ay may mga bagay akong nakikita. May mga bagay akong nararamdaman at may mga pangyayari kakaiba man sa iba, ako lamang ang may kakayahang makaintindi. Pwedeng pwede kong piliin maging sensitibo. May kakayahan akong lumayo at mapagisa. Oo, kaya ko mapagisa. Pero mas pinili kong ngumiti at magbigay ng ngiti sa iba kahit may kakaiba. Sana hindi dumating ‘yung araw na magbago ang takbo ng uniberso. Sana di dumating ang araw na hindi na dumampi sa isip ko ang pagintinding hindi alam ng iba. At sana hindi ako mapagod, kahit pagod na pagod na itong puso.

Show your support

Clapping shows how much you appreciated Francis Lagarto’s story.