Maging Pwersang Nagtutulak sa Oasis

Makilahok sa Oasis Ambassador program

Gerome
Oasis Foundation Filipino
5 min readDec 10, 2022

--

Disclaimer: Ang publikasyon na ito ay isinalin ng Oasis Ambassador,
mahigpit na pagsusuri ang ginawa upang makapag-bigay ng wastung pagsalin sa wikang ito, ngutin ibang pagkakasaad nito ay maaaring mali at may pagkakulang. Hindi pananagutan ng Oasis ang kawastuhan o kaayusan nito. Basahin ang orihinal na artikulo
Dito.

Kami ay nagagalak buksan ang mga aplikasyon para sa susunod na Ambassador Program Cohort, na mag uumpisa ngayong Enero 2023.

Ang komunidad ang puso ng lahat ng ginagawa namin dito sa Oasis, at salamat sa sipag, tiyaga at dedikasyon ng aming mga Oasis Ambassadors- ang aming komunidad ay patuloy na umuunlad. Ang Oasis Ambassador Program ay nagkakaloob ng 700 na myembro at patuloy na dumarami.

Bubuksan namin ang mga aplikasyon para sa susunod na pangkat ng mga Ambassador, na di kumukulang na 100 myembro. Ang mga napiling Ambassador ay dadaan sa isang buwang programa upang matuto sila tungkol sa Oasis Network at mga proyekto nito at gawain.

Kung gusto mo maging parte nga mga susunod na pangkat ng Ambassadors, pumunta sa link sa ito.

Ano ang Oasis Ambassador Program?

Sa madaling sabi- hinihintulutan ng aming ambassador program ang mga mahuhusay at masisipag na miyembro ng komunidad na matuto sa lahat ng aspeto ng Oasis Network at magantimpalaan dahil dito. Ang Reward system ay idinisenyo upang maging kapaki-pakinabang, upang bumuo ng matibay na pundasyon ng tiwala sa pagitan ng mga ambassador at ng pangunahing koponan sa Oasis. Mula sa paggawa ng content hanggang sa pagho-host ng mga lokal na meet up, ang mga ambassador ay may kakayahang mag-ambag sa kanilang napipiling oras, na ayon sa kanilang mga kakayahan at kadalubhasaan. Narito ang ilang halimbawa ng mga paraan ng pag-aambag ng aming mga ambassador:

  • Pag gawa ng infographics tungkol sa Oasis Network at Ecosystem projects
  • Pag papalago at pag- moderate ng mga rehiyonal na Komunidad
  • Pagsusulat ng orihinal na content upang ibahagi sa mga tweet thread, Reddit Communities, at mga blog post
  • Paggawa ng mga video tutorial
  • Pagho-host ng mga lokal na meetup o pagbuo ng mga blockchain club sa mga unibersidad
  • Pagbibigay ng teknikal at non teknikal na puna sa pangunahing koponan ng Oasis

Mula sa mga baguhan sa blockchain hanggang sa mga experto sa Oasis, malugod naming tinatanggap ang lahat na mag-aplay para sa paparating na ambassador cohort. Inaasahan ng Core team na mabigyang pagkakataon mapalakas ang madamdaming mga indibidwal habang patuloy na umuunlad at ang aming ambassador program.

Itulak ang iyong sarili bilang isang Oasis Ambassador

Sa pamamagitan ng Oasis ambassador program, maaari kang makakuha ng na karanasan at bumuo ng isang pangalan para sa iyong sarili sa Web3. Ang ilan sa aming mga ambassador ay nakakuha na ng full-time na career sa Web3, at ang ilan ay naglunsad pa ng mga sarili nilang mga proyekto sa Oasis Network! Bilang isang Oasis ambassador, mayroon kang pagkakataong makakuha ng mga bagong nabibiling kasanayan upang makatulong na itulak ang iyong career sa mas mataas na lebel.

Bukod pa sa mga malinaw na benepisyo at propesyonal na pag-unlad, may isa pang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na umuusad ang aming ambassador program sa bilang at puwersa— marahil ang pinakamahalagang benepisyo sa lahat — pagkakaibigan at ang pakiramdam ng pagiging kabilang. Magkakasama, ang ambassador at core team ay magkaagapay tungo sa iisang layunin na makamit ang isang mas mabuting Web3 na ginawang posible ng Oasis Network. Bagama’t marami sa atin ang nagmula sa iba’t ibang pinagmulan, pinagsasama-sama tayo ng ating magkatulad na pananaw upang mabuo ang gusto nating tawaging “Ambassador family”. Kami ay regular na naglalaan ng oras upang kumonekta sa pamamagitan ng buwanang ambassador town halls, madalas na sesyon ng pagtambay, at siyempre, ang aming pribadong discord server, kung saan nangyayari ang lahat ng hiwaga!

Makinig sa mga ambassador namin sa kasalukuyan

Hinikayat namin ang mga ambassador na ibahagi ang kanilang mga saloobin sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging bahagi ng Oasis Ambassador Program, at ito ang kanilang mga nasabi:

“Ang pagiging ambassador ay isang responsibilidad at isang pribilehiyo. Mayroon kang pribilehiyo na maasahan at mapagkakatiwalaan ng mga tao, pero mayroon karing responsibilidad na aralin ang iyong mga tweets, mga artikulong balita, o kaya mga bagong sabi-sabi, bago mo ito ibahagi sa iyong komunidad. Simula noong ako ay naging ambassador, pinaltan ko ang oras na dati ay ginagamit ko sa pag lalaro, patungo sa mga trabaho bilang ambasaddor, nadadama kong naaliw din ako dito katulad ng pag kaaliw ko sa paglalaro, ang pag kakaiba lang ngayon ay sabay akong nakakatulong ako sa ibang tao na gustong matuto sa blockchain at na papaunlad ko din sarili ko.”

“Ang pagiging ambassador at ang pag tra-trabaho kasama ang ibang tao mula sa iba-ibang bansa ay nag dadala ng mahihirap na hamon, at ang pag lutas sa mga hamon na iyon ang nag bibigay saakin ng umaawas na dopamino. Maraming pwedeng dahilan kung bakit maikukunsidera ang pagiging ambassador, pamula sa pag kakaroon ng sweldo kada buwan, sa pag papaunlad ng mga natatanging kasanayan, hangang sa pag tulong sa buong komunidad at maipakilala sa kanila ang kasalukuyang mundo ng blockchain technologies.” — Mare, Emerald Rose Ambassador

“Ang pag-sali sa isang mataas na lebel na proyekto, ay nag bibigay sa bawat isa saatin ng oportunidad na makamtan ang propesyonal na kaangatan. Ang karanasan sa pag tra-trabaho kasama ang grupo ng mga propesyonal ay hindi maaring maliitin, at ito rin ang nag bibigay dahilan upang pag-igihin ang pag-aaral ng mga abeylabol na materyal. Kung sama-sama, gamit ang ating personal na kaalaman, na bibigyan daan natin ang mga bagay na may posibilidad na mabago ang takbo ng laro, na ang decentralized networks ay ang bagong simoy na hangin sa bawat tao na sawa na sa dating mga centralized na gamit, na ginawa dahil sa isang dahilan — ang pag kontrol at ang pag kuha ng tubo. Trabaho natin bilang mga ambassador na mailapit ang kinabukasan. Kailangan natin simulan ang lakad sa disyerto patungo sa Oasis.” –Solitudinem, White Rose Ambassador.

“Ang opurtunidad na maging isang ambassador ay nag bigay saamin ng plataporma upang makatulong saaming pag unlad bilang mga indibidwal, nag bibigay daan din ito upang makakilala kami ng -ba-ibang matatalinong tao na pwede naming ibigay at ikumpara ang aming opinyon sa Oasis at sa Crypto Space. Ang isang bagay na satingin ko ay makukuha namin sa ambassador program ay ang mga karanasan at kumpiyansa sa aming mga ginagawa at kung paano namin gagawin ang aming mga trabaho. Ang Oasis ay puno ng napaka-gagandang mga ideya and inobasyon na makakapag pabuti sa pag-gamit ng web3. Masarap sa pakiramdam at kasama ko kayo lahat dito♥️”–BaddieX, White Rose Ambassador

Kung satingin mo ay nababagay ka para sa Oasis Ambassador progam, maaring pindutin at mag aplay sa link na ito: https://forms.clickup.com/24394368/f/q8em0-15844/6CTXPEXFYT69D6G6MB

--

--