PAGLIACI( Free Verse Poem)


I
Paano nga ba mailalarawan ang ipinangakong “TUWID”na daan
sa katayuan ng ating tinubuang lupa?
Malubak
Masalimuot
at ang dulo’y tila ba hindi mo maaninag

II

Lumipas ang mga taon Patuloy pa din ang ating pagtahak ng aspaltong dagat
hindi man batid kung may kasiguruhan sa dulo nito
May ibang mang nalugmok ay hindi nito mapipigilan
ang pagdaloy ng alon ng panahon

III

“SA WAKAS!” ang sigaw nating lahat narating na din natin ang dulo ng “TUWID” na daan kapansin-pansin ang nakakasilaw na liwanag sa dulo nito
“MALAPIT NA TAYO SA PARAISO” sabay-sabay nating sinambit nang may galak ngunit laking gulat ng lahat ang sumambulat sa kanilang harapan nang tayo’y nakarating sa dulo ng “TUWID” na daan

IV

Nakakasulasok
Nakapanlulumo habang lahat ay tumatangis sa aming nasaksihan na isang bundok ng basura at bangkay ang aming makakamit
sa mahabang paglalakbay at sa aming pagtingala ay may matandang sumisigaw na gumimbal sa aming lahat
HANGGANG KAILAN!? HANGGANG KAILAN!? MABUBULAG SA KISLAP NG SALITA SI JUAN?”