Para Sa Mga Mapahanggang-Ngayon’y Umaasa

“Bro, mahirap kalabanin ang first love. May Second Chance pa ba sa isang tulad ko na hanggang tingin na lang at patuloy na umaasa?”-Boy Torpe

Have you ever wonder bakit may mga umaasa sa forever? Yun din ang tanong ko sa sarili ko kapag naririnig ko at nababasa ko ang mga ito. Bakit may umaasa pa rin kahit di na talaga pwede? Bakit may paasa pa rin kahit nakakasakit na? Nakakabaliw at minsan nakakainis talaga pag-usapan ang pag-ibig. Ngayon pumatak na ang Disyembre at binibilang na lang ang mga araw para sa parating na Pasko. Maraming excited, pero marami din ang lonely hindi sa regalo kundi sa pag-ibig. #bitter kung iisipin mo naman, pero bakit ganun kasalanan ba nila na maging bitter o sadyang mapagbiro talaga ang tadhana? Ewan ko. Basta’t naisipan kong isulat ito para sa kanila na mapahanggang-ngayon naghahanap pa rin ng makakaintindi sa kanila at karamay sa buhay. Pasalamat sila dahil kahit sila’y kinukutya at pinagtatawan, meron pa rin umuunawa sa kanila.

May simpleng payo ako para sa inyo mga umaasa. Hindi masama ang umasa pero sana ay magising kayo sa katotohanan. Kung talagang mahal n’yo talaga, ipaglaban. Oo Boy Torpe mahirap kalabanin ang first love, pero kung mahal mo talaga kailangan mong ipaglaban ang puso mong totoo ang nararamdamang pag-ibig para sa kanya. Boy Torpe lagi mo sanang tatandaan; Ang taong totoong nagmamahal ay nagmamahal. Anong ibig sabihin nun? Ang mahalaga sa buhay-pag-ibig ay ang kakayahan mong magmahal ng tunay at totoo kahit hindi man pansinin o tanggapin. Naalala ko ang sinabi ni Leo Buscaglia; We don’t love to be loved; we love to love. It doesn’t matter kung sagutin ka man o hindi, basta’t ang mahalaga ay nagmahal ka. Ito ang hirap sa atin; masyado tayong nadadala ng ating mga expectations kapag nagmahal tayo. Hindi ba pwedeng nagmamahal tayo dahil ang mahalaga sa atin ay magmahal kahit walang expectations o kapalit?

Totoo nga naman na nakakaligaya sa ating puso at pagkatao ang mahalin din ng ating minanamahal, pero paano kung di ka talaga niya mahal? Paano kung mahal niya pa rin si first love? Sa totoo lang, hindi mo iyon kontrolado. Pero alam mo ba bilib ako sa mga taong tulad mo na kahit hindi ka niya talaga mahal ay umaasa ka pa rin na mahalin niya. Para sa akin hindi ka martir, tanga, o ogag sa pag-ibig, kundi isa kang tunay na nagmamahal. Bihira lang ang mga tulad mo na kahit nasasaktan at kahit kinukutya na patuloy mo pa rin pinaglalaban ang puso mo sa taong mamahalin mo ng tunay at totoo. Di ka dehado dun. Ito ang maipagmamalaki mo at lamang mo kay first love. Hindi naman karera ang pag-ibig. Hindi ibig sabihin kapag first love sila ang mapapalad sa pag-ibig.

Hindi mahalaga kung may first love or second love sa pag-ibig. Lagi mo sana tatandaan Boy Torpe, ang mahalaga sa larangan ng pag-ibig ay ang nagmamahal ng tunay at totoo kahit minsan nasasaktan ka na o di naman kaya ay napapagod ka ng magmahal. Hindi masama ang umasa pero huwag sobra. Be the best version of you kahit hanggang ngayo’y umaasa ka pa rin. Love until it hurts, and Love until it hurts no more. Ganun talaga kapag nagmamahal ka ng tunay; kailangan masaktan at masugatan. Pero ito ang assurance ko sa’yo; habang nasusugatan at nasasaktan ka mas lalo mong napagtitibay at napapatunayan na bihira lamang ang isang tulad mong nagmamahal lang tunay. Chill lang Boy Torpe dahil may ipagmamalaki ka bilang isang taong nagmamahal ng tunay.