Kay bilis ng iyong pag-alis

M
1 min readJun 16, 2024

Ang bilis mong mang-iwan. Bakit ang bilis mong sumuko?, saan ba ako nag kamali para iwan mo ako?

Nandito ako, nag hihintay parin sa pag balik mo. Kaso… may babalik pa ba? May hinihintay pa ba ako? Nandiyan kapa ba?

Ipagpapatuloy ko pa ba ang pag hihintay o ititigil na?

Mag hihintay pa ba o lalayo na?

Kay bilis mong umalis pero kay bilis ring kitang namimiss… pero ayoko ng bumalik sa nakaraan dahil naaalala ko ang lahat, sa simula ng ating pag kikita hanggang sa huli nating pag sasama.

Itatapon ko nalang ba lahat ng masasayang alala? Itatapon ko nalang ba ang ating pinagsamahan?

Ganon lang ba kadali sayo yun? Ganon lang ba kadaling kalimutan ang lahat ng iyon sayo?

Pero kung yun ang gusto mo, sige, tatanggapin ko, wala naman na akong magagawa kung iyan ang gusto mo, hindi naman kita pwedeng pilitin na mahalin mo ako… kaya tatanggapin ko nalang kahit masakit.

Mas pipiliin kung tanggapin nalang ang lahat, kaysa sa pilitin ka at masaktan akong muli.

--

--

M
0 Followers

There’s nothing to be found here.