Alyssa Sadorra
2 min readDec 2, 2018

BOTTLE MACHINE

Ang layunin ng ‘bottle machine’ na ito ay matulungan ang kapaligiran na maging malinis. Ang mga boteng patapon na ay maaaring ilagay dito at may katumbas na halaga ng pera. Ang machine na ito ay maaaring ilagay sa mga lugar kung saan maraming gumagamit ng mga bote.

PAANO GAMITIN ANG BOTTLE MACHINE?

Kung ikaw ay mayroong boteng hawak at wala na itong laman, imbes na itapon mo ito maaari mo itong ilagay sa bottle machine.

  1. Mayroong dalawang hulugan ng bote sa kanang bahagi ng machine, ito ay mayroong scanner at kusang bubukas sa oras na may ma-scan itong bote.
  2. Lalabas sa screen kung ilang bote ang iyong nailagay at kung magkano ang katumbas na halaga nito sa pera.
  3. Kung ikaw ay first timer pa lamang, mayroong lalabas sa screen na suhestiyon, kung gusto mo bang kumuha ng card.

* Ang card ay maaaring gamitin sa tuwing ikaw ay maglalagay ng bote sa machine, magsisilbi itong parang ATM card para sa makukuhang pera mo sa paglalagay ng bote. Naiipon sa card na ito ang mga pera na nakukuha mo sa paglagay ng bote.

4. Kung ikaw naman ay mayroong card na, maaari mong i-swipe ang card sa kanang bahagi bahagi sa taas ng hulugan ng mga bote.

5. Lalabas sa screen na nalagay na sa iyong card ang perang nakuha mo sa paglagay ng bote.

6. Ipapakita rin sa screen kung magkano ang iyong balance sa paglagay ng bote simula noong ikaw ay nagsimulang sumali sa proyektong ito.

7. Maaari mo ring kunin agad ang pera pagkalagay ng bote. Ang pera ay lalabas sa ibabang bahagi ng machine kung saan ang pahabang labasan ay para sa papel na pera at ang maliit na butas ay para sa mga barya.

8. Ang iyong card naman ay pwedeng gamitin sa mga ATM machines upang makuha ang perang iyong naipon sa paghulog o paglagay ng mga bote.

Ang simpleng pagpapatupad ng ganitong bagay ay maaaring makatulong sa pamayanan lalo na at ang mga tao ngayon ay nangangailangan. Kaysa naman dumagdag ang mga bote sa kalat, maaari natin itong sugpuin o tanggalin sa pamamagitan ng ganitong imbensyon at para na rin umunlad ang ating sarili sa pagiging malinis.