Alyssa Sadorra
2 min readJan 7, 2019

"KAHALAGAHAN NG SOCIAL MEDIA SA EDUKASYON"

Sa mga dumadaang makabagong teknolohiya, dumarami na rin ang kahalagahan na naiaambag nito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ang social media ay hindi maikakaila na produkto ng makabagong teknolohiya, ang social media ay nagkaroon ng epekto sa paghubog sa ugali at kaisipan ng bawat tao. Ito ay nagdudulot na magpalakas o magpahina sa mga positibong pananaw ng bawat mag-aaral.

Sakop ng internet ang sovial media sapagkat kung walang internet hindi tayo makagagamit ng social media. Isang dahilan ang social media upang mas maging mahusay da pag-aaral ang mga bata. Halimbawa na lamang nito ay kung liban ang isang mag-aaral maaari siyang gumamit ng social media upang magtanong sa kanyang mga kaklasekung ano ang mga dapat gawin sa bawat asignatura. Samakatuwid ang social media ay nagpapatibay ng komunikasyon ng bawat tao. Isa din ang social media para magamit sa mga bagay na iyong gustong malaman at hindi na kailangang magpunta sa malalaking silid- aklatan at maghanap ng reperensya.

Isa ang Facebook na nakatutulong sa pag-aaral dahil dito nagkakaroon ng komunikasyon upang maipabatid ang bawat importanteng gawain at sadya sa isang tao na naglalaman ng mahahalagang impormasyon. Sumunod naman ang Google ang pinakamahalagang parte ng social media kung saan dito mo mahahanap ang mga impormasyon na iyong kinakailangan sa mga reports, research, assignments, projects at iba pa. Ang Youtube naman ay nakatutulong at nagpapakita ng mga video na naglalaman ng mga halimbawa kung paano gawin ang isang bagay. Ang social media ay isang instrumento upang mapabilis ang pakikipagkonekta sa ibang tao. Nagsisilbi itong gabay sa mga tao lalaong lalo na sa mga mag-aaral. Sa social media napataas ang kalidad ng edukasyon magpahanggang ngayon.

Sa kabuuan, ang social media ay mayroong mabuting naidudulot sa mga mag-aaral. Sa mga iba't ibang sites natutulungan ang mga mag-aaral na mapagtibay ang relasyon ng mga magkakaibigan, nakahahanap ng mga bagong kaibigan at nagkakaroon ng komunikasyon ang dating magkakaibigan na matagal nang hindi nagkikita. Naipapahayag natin sa social media ang ating mga saloobin ngunit dapat natin laging tandaan na may limitasyon sa paggamit ng social media. Dapat pa rin bigyang halaga ang mga mahahalagang bagay sapagkat hindi lamang sa teknolohiya umiikot ang ating buhay.