Paano gumawa ng graham balls

Ang pinakamadaling gawing panghimagas ay ang graham balls, na kung saan ang mga sangkap nito ay madali lamang mahanap sa tindahan, grocery store, malls at iba pa.

Narito ang mga sangkap at pagkasunod sunod na paraan sa paggawa ng graham balls.

Mga Sangkap na dapat gamitin:
3 tasang durog na graham crackers
1 tasang kondensada
¼ tasang eveporated milk
Sprinkles o maaring ipang ibabaw sa graham balls (rice crispy, durog na mani, chocolate sprinkles, rainbow sprinkles, etc)

Paggawa ng Graham Balls:
Unang hakbang:
Ibuhos ang iyong durog na graham crackers sa isang mangkok. Maaari ding bumili ng durog na graham crackers o durugin ang mga ito ng mano — mano. Maaari ring gumawa ng maraming graham balls hangga’t mayroon pang mga sangkap.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Ikalawang hakbang: Idagdag ang 1/3 tasa ng kondensada. Ibuhos ang kondensada sa durog na Graham crackers at ihalo ang lahat ng ito kasama ang isang spatula hanggang maipagsama. Siguraduhin lamang na hindi ito dapat masyadong basa o masyadong dry at dapat magkadikit na bahagya.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Ikatatlong hakbang: Iporma na nang nais na hugis graham. Maaari ding gumawa gamit ang kutsara upang maihulma ito ng pabilog, dipende sa kung ano ang gusto mong hugis nito.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Ikaapat na hakbang: Pagktapos na maihulma, muli natin ilalapat ang graham at idagdag ang iyong mini marshmallows o kahit chocolate chips sa gitna ng graham.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Ikalimang hakbang: Tiklupin ang iyong graham bola pabalik sa nais na hugis. Sa sandaling mayroon ka ng ilang mga marshmallows sa gitna ng iyong graham at naiporma na sa nais na hugis. Maaari na nating ilagay ang huling sangkap na springkles o iba pang “toppings’ kung tawagin.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Ika-anim na hakbang: Maaari na nating ilagay sa refrigerator at sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras maaari na natin itong ihanda.

ANG LARAWANG ITO AY GALING LAMANG SA WIKI

Enjoy!

Welcome to a place where words matter. On Medium, smart voices and original ideas take center stage - with no ads in sight. Watch
Follow all the topics you care about, and we’ll deliver the best stories for you to your homepage and inbox. Explore
Get unlimited access to the best stories on Medium — and support writers while you’re at it. Just $5/month. Upgrade