Kami ay nagpunta sa napakaganda tanawin ng Hundred Islands sa Lungsod ng Alaminos sa Pangasinan. Sobrang ganda dito! Ang picture na ito ay kuha mula sa tuktok ng Governor’s Island na kabilang sa mahigit isang daang nag-gagandahang pulo. At dahil nga tuktok ito ng island ay nahirapan kami sa pag-akyat sa 126 steps(pero 113 lang ang aking bilang ;-) )`na hagdan patungo sa itaas. Ngunit sulit naman ito kasi sobrang ganda talaga ng view sa itaas, halos tanaw mo na ang ilang naggagandahang isla na kabilang dito. Maituturing kong paraiso ang pulong ito =)