“Ang mayamang kultura ng mga pilipino”

Aprilpornillos
5 min readJan 31, 2021

--

Ang mga pilipino ay kilala sa pagiging mabait , masipag , magalang at sa pagiging masiyahin . ang mg pilipino rin ay madaling makibagay madali silang makapag adjust kung saan man sila mapunta , ginagawa din ng mga pilipino ang lahat para lamang maka survive sa buhay. Survival of the fittest nga sabi nila.

Ang kultura ay pinag halong mga tradisyon , painiwala at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ng mga katutubong Pilipino. Ang lahat ng lugar sa mundo ay may kani- kanilang kultura . ang kultura ay ang nag sisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar karamihan a kultura ng pilipino ay nakuha mula sa mga espanyol na sumakop sa bansa subalit kahit matagal ang pag sakop nila sa pilipinas ang kulturang Pilipino ay patuloy paring makikita . ang mga awit, sining , kabihasnan, kagamitan at mga selebrasyon ay ilan rin sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na”kultura”

Ang republika ng pilipinas ay ipiningalan kay King Philip II ng spain taong 1543. Ang mga Pilipino ay orihinal na galling sa southern part ng asia . ang mga taong galing sa china, india , united states at spain ay kinasal sa ilan nating kapwa Pilipino na nagging dahilan para mag karoon ng 79 indigenous ethnic group. Ayon sa Wikipedia ang lumipas na limang daang taon na pag salin salin ng lahing Pilipino sa Asian at western population ay may malaking impact sa ating kultura. Ang pakikipag ugnayan ng mga pilino noon sa China, India, Indonesia at sa Malaysia ay nagging sanhi para mabigyan ang ng Asian culture ang cultural heritage ng pilipanas.

Ang kultura ng mga Pilipino ay masasabing Family oriented at ang mga kultura nato ang patuloy na nag tuturo sa atin kung paano maging maayos at mabuting Pilipino.

“smiling all the way” yan ang bansag ng mga amerikano o ng mga dayuhan sa atin , dahil kung mapapansin ang mga Pilipino ay lagging naka ngiti hindi para patawanin ka , Naka ngiti sa kasi masaya , naka ngiti kahit malungkot , naka ngiti kahit nagagalit . isang patunay lamang na kaya nating maging masaya kahit ano mang problema ang dumating kaya natin maging matatag kahit ano mang panahon ang humamon sa atin.

Maraming ibat – ibang kultura ang ating bansang pilipinas katulad nalang ng PAG MAMANO Philippine signature na ata ang pag mamano isa ito sa patunay na ikaw ay isang Pilipino pag ikaw ay nag mamano sa mas nakaka tanda sayo. Ang pag mamano ay nag papakita ng pag galang sa mas nakaka tanda , ang pag mamano din ang piaka matandang kultura ng ating bansa . MANO ang ibig sabihin sa Spanish ay HAND kaya para mas magandang sabihin ginawa itong pag mamano . ang pag mamano ay ginagawa ng mga bata sa pamamagitan ng maiging pag abot ng kamay at idadampi sa noo at ang mga nakaka tanda naman ay mag sasambit ng “God Bless you” at ang iba naman ay “Bless”.

Ang PAG KAKAMAY O KAMAYAN ay isa rin sa kultura na tinataglay ng isang Pilipino. Ang mga Pilipino rin ay masasabi ring food lover , kapag ang pag kain ay especial o sumptuous mas gustong gusto ng mga Pilipino na kumain ng naka kamay tinatawag din na “Kamayan-style”. Ang pag kakamay naman ay isang tradisyon sa hapag kainan na madalas ay ginagamitan ng kamay.

HARANA naman ang tawag sa tradisyon ng pang liligaw sa pilipinas . noon kung mayroon kang nagugustuhan na isang binibini kaylangan mo itong haranahin sa kanilang tahanan . kasama ang iyong mga kaibigan kayo ay kakanta ng classic kundiman o pwede ring folk love song hanggang ang binibini na inaasam mo ay pag buksan ka ng bintana at imbitahan kang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Kung nalagpasan na nag panliligaw , sunod na ay ang PAMAMANHIKAN isa rin ito sa kultura ng mga Pilipino ang pamilya ng dalawang nag iibigan ay mag sasalo sa isang hapag para bigyan ng basbas o permiso ang nag iibigan kung gusto na nitong mag isang dibdib. Sa parting ito ay ang pamilya ng lalaki ang pupunta sa bahay ng babae para hingin ang permiso para mapakasalanan ang babae. Madalas ang lalaki ay may dalang regalo at pag uusapan rin dito kung ano ang plano ng lalaki para sa kanilang kasal.

Ang pag diwang ng FIESTA o pista ay isa rin sa masayang kultura ng mga Pilipino . para sa iba ito ang pag diriwang na hindi mo dapat palagpasin kung ikaw ay isang Pilipino dahil sigurado ito ay magiging makulay at masayang fiesta na nang yayari lamang sa loob ng isang taon. Ang fiesta ay galling sa Spanish colonize at ito ay ginagawa para sa pag mga santo o patron saints.

bilang isang Pilipino marami akong magagandang nakita na katangian ng mga Pilipino katulad nalang ng nasakihan ko kung gaano ka resilient ang mga Pilipino kahit anong sakuna nagagawa padin ngumiti at mag tulungan , ang ga Pilipino din ay sobrang maka diyos kahit anong nangyayari sa mundo they still pray and talk to god , nag papasalamat padin sila sa lahat ng blessing na natatanggap nila kahit minsan sobrang bigat o hirap nan g sitwasyon na nararanasan nila. Ang mga Pilipino din ay sobrang pinapahalagahan ang kulturalng meron ang bansang pilipinas kahit mayroong pandemyang nagaganap nagagawan parin ng paraan maipag diwang lamang ito. Kilala din ang Pilipino sa pag tulong sa kapwa kitang kita naman ang pakikipag bayanihan ng bawat isa pag mayroon ng trahedya na naganap , kahit pare parehas lang ng nararanasan ay still tumutulong parin kahit walang wala na basta may nakita na opportunities kahit hindi financial tutulong sa tingin ko ang totoong kultura ng Pilipino ay ang pagiging mapag mahal at ang pag kakaroon ng malawak na pag iisip dahil kung iisipan sobrang dami ng nangyari sa bansang pilipinas ngunit bukal parin sa isat isa ang pag tutulungan at patuloy parin ang pag gawa ng paraan para maka survive. Isa akong Pilipino at ipinag mamalaki ko na nagging parte nito. Hanngang sa pag tanda at pag ako ay nag karoon ng sariling pamilya patuloy ko parin tatangkilikin ang kulturang Pilipino at as future educator hindi ako mag sasawang ituro to sa magiging estudyante ko.

--

--