ᜆᜅ᜔ᜑᜓᜇ᜔

ta • ng • ho • d

Paghihintay

Sa Maykapal ito ang aking dalangin,

Na sana’y isang araw ay mapansin.

Tamang oras na sana’y dumating,

At masagot na ang aking mga panalangin.

Aking hiling na tadhana na ang magtakda,

Na kami’y magtagpo at magkita.

Tunay na pag-ibig na nasa aking isipan,

Pusong puno ng pagmamahal at kabutihan.

Pag-ibig na tunay ang aking nais matagpo,

Pagmamahal niya’y gusto ko na matamo.

Yakapin ng aking mga kamay na kay higpit,

At madama ang pagmamahal na kay init.

Nasaan na siya, ang tanong kong lubos,

Na palaging banggit sa Panginoong Diyos.

Sa tagal ng aking paghihintay,

Darating pa ba siya sa aking buhay?

Sa isang sandali ay may isang tinig

“Anak, huwag madaliin at sa aki’y makinig”

Bahagi lamang ang ito ng iyong paghihintay,

Mahalin muna ang sarili at maghanda sa kaligayahang aking iaalay.


“You will never know if is the right or wrong person that’s why we should take risk diba? dun natin malalaman. But mostly we all have to go through the wrong person to find the right person. Wrong person gives us lessons to not make the same mistake again if we find the right person. So somehow we should thank the “wrong person” to our life because it makes us a better person until the right person comes. Minsan sa ayaw o sa gusto Natin mas gusto natin yung wrong person.” -Mig
“Choose someone who makes you act the real you, like you don’t have to be uncomfortable to show who you really are, where you don’t have to pretend or hide.” -Hann

Sa ating paghihintay, minsan napapatanong tayo, “Sino ba talaga ang para sa’atin?” May mga taong dumarating at aakalain nating sila na pero hindi pa pala, ngunit may mga iniiwan silang aral na may silbi sa buhay natin, minsan para sa ikabubuti ng agos ng ating buhay.

Ang pagpili sa tamang tao ay parang pag pili ng tahanan na iyong titirhan o kaya ng isang libro, nanaisin mo yung magarbo, maganda sa paningin ng iba, pinapangarap ng karamihan, sa madaling salita yung makakakuha ng atensyon mo, Pero aanuhin mo ang magandang bahay o kaya ang librong may magandang takip kung ang loob naman pala nila ay kay pangit o mas malala, wala. Parang sa tao lang din aanuhin mo ang mga magaganda o mga gwapo kung di naman pala marunong rumespeto, gumalang, magpahalaga. Unang una sa lahat piliin mo yung taong handang gawin ang lahat alang-alang sayo. Rerespetuhin ka, pamilya mo at lahat ng tao sa paligid mo. Yung taong mamahalin ka ng buong buo, yung matatanggap yung pagkatao mo ng buong buo at hindi ka huhusgahan. Piliin mo yung taong may malasakit at pagimpotansya. At pinaka importante piliin mo yung nakakapag pasaya sayo. Marami man ang dumating ngunit hindi sa lahat ng oras ay kailangan nating um-oo ng um-oo o tumanggap ng tumanggap, minsan kailangan nating tumanggi, para sa sarili natin at para narin sa kapwa natin, debale nang maging totoo kesa sa makasakit dahil sa kasinungalingan. Minsan mag tiwala sa Panginoon na may darating para sayo, hindi natin kailangan madaliin ang mga sarili natin sa mga ganyang bagay. Minsan huwag mong kakalimutan ang sarili mo sa paghihintay. Tuunan ng pansin ang mga bagay na mas may halaga, At hayaan na ang Diyos ang umukit ng tadhana mo.

“True love never leaves.” -J

“There is a time for everything, and a season for every activity under the heaven.” -Ecclesiastes 3:1
“When the time is right, I, the Lord, will make it happen.”-Isiah 60:22