Bakit nga ba mura ang palay, mahal ang bigas, at mas mahal ang extra rice sa fast food?

Ava&Earwin
5 min readOct 8, 2020

--

Ito ay repost mula sa facebook post ni Earwin Belen.

Ngayon ang karaniwang anihan ng palay para sa tag-ulan at nakita natin na sobrang bumagsak ang presyo ng palay sa mga rice mill. On average, lumalabas na ₱12-14 kada kilo ang bilihan ng palay at ayon sa Department of Agriculture, umaabot daw sa ₱19/kilo ang presyo sa rice producing areas.

So bakit nga ba naging mura ang palay ngayon at hindi kumikita ang mga magsasaka?

1. Epekto ng rice liberalization

Matatandaan nating pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Rice Tariffication Law na naglalayong pababain ang presyo ng bigas sa merkado sa pamamagitan ng pagtatanggal sa quota ng inaangkat na bigas sa ibang bansa.

Kung titingnan natin, karaniwang "production costs" sa palay dito sa Pilipinas ay umaabot sa ₱12-14 kada kilo, pero sa ibang bansa tulad ng Vietnam, nasa ₱6-7/kilo lamang ito. Sa pababaan ng presyo, lugi na agad ang mga Pilipinong magsasaka.

Bagamat mayroong Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), hindi naman din lahat ng magsasaka ay nakikinabang dito.

2. Kurapsyon sa gobyerno

Ang kwento nga sakin nung isang magsasaka na nakausap ko last weekend, may mga binhi daw na galing sa gobyerno na "pinapautang" sa kanila na babayaran nila pagka-ani. Tapos, yung mga abono, yung tenant na mayroong 3 hektaryang lupa e bibigyan ng 2 sakong pataba. Pero, yung mayroong 1.5 hektarya e 7 sakong pataba yung binigay.

Palakasan system ba to?

3. Mababang kalidad ng palay

Kapag ganitong anihan, karaniwan na tanawin sa probinsya ang mga ginintuang sakahan at ginintuang kalsada. Opo, tama ang inyong nabasa: kalsada.

Sa probinsya, karaniwang ibinibilad sa kalsada ang bagong aning palay upang patuyuin. Pero ito rin ang sanhi kung bakit maraming basag na butil dahil hindi naman nga kasi ginawa ang kalsada upang pagtuyuan ng palay. Ito ay ginawa upang daanan ng sasakyan.

Saka, kapag umulan (lalo ngayon at La Niña), e di basa din ang palay sigurado.

(Pasintabi: May ilan na tuwang-tuwa sa kanayunan kapag may pinapagawang farm-to-market roads sa barangay nila. Again, ang kalsada ay para sa sasakyan, hindi para sa palay.)

Malaki ang kakulangan natin pagdating sa mga postharvest facilities na magpoproseso sana ng palay.

4. Value chain ng rice

Paano nga ba nagiging bigas ang palay?

Una, magsisimula tayo sa butil ng palay. Itatanim ito ng magsasaka, tapos palalakihin. Syempre, kasama na dyan yung lalagyan ng abono at pestisidyo upang mapataas ang ani. Kapag naggapas na, ang unang produkto dito ang fresh palay.

Pangalawa, kailangang patuyuin ang palay sa tamang moisture content (14% M.C.) nito bago dalhin sa rice mill.

Dito nagkakaroon ng problema dahil hindi din naman lahat ng palay na dinadala kasi sa rice mill e nasa tamang moisture content. Kahit ang NFA, nasa discretion nito kung tatanggap ba sila ng mataas na M.C.

Sa madaling salita, mas mahal ang dried palay sa fresh palay.

Pangatlo, gigilingin na ang palay sa rice mill upang maihiwalay ang bigas sa ipa.

Syempre, depende din sa postharvest activities ang magiging kalidad ng bigas. Kung dinaan-daanan ang palay sa kalsada ng mga trak at traysikel sa kalsada, pihadong basag ang mga butil ng bigas. Dagdag pa yung mga batong maliliit na napapasama sa gilingan. Mas mababa ang kalidad, mas maraming binlid (broken rice) at batu-bato, mas mura ang presyo.

Ipagpalagay natin na OK naman yung kalidad, wala masyadong mga basag na butil at walang maliliit na bato. Idadaan naman ang bigas sa kiskisan. Ngayon, merong tatlong produkto dyan: brown rice, regular milled at well-milled rice.

Yung brown rice (o pinawa), nandun pa yung darak o yung rice bran. Kaya sya kulay brown. Pero mas karaniwang special varieties ang gamit dito at ginagamitan ng vacuum seal upang tumagal bago masira. Kaya sya mahal.

Yung regular-milled at well-milled rice, ito ay ang degree ng "whiteness" o pagkaputi ng bigas. Mas maputi ang well-milled kasi mas natanggal na ang rice bran. Mas mahal ang well-milled kesa regular-milled.

Syempre, ang mga rice mill, ibebenta naman nila yan sa mga rice traders at mga retailers kung saan natin nabibili ang bigas.

E bakit ang isang cup ng extra rice sa fast food e mas mahal kesa sa isang kilong palay?

Sa bawat salin sa value chain, mas nagmamahal ang bigas. Syempre, si fast food, hindi ka naman nyan bebentahan ng palay e. Lutong kanin na binebenta nila.

So, bago pa dumating sa yo yung kakainin mong kanin, marami na syang pinagdaanan. Marami nang "value add" mula sa palay bago naging extra rice. At hindi pa natin pinag-uusapan ang logistics at losses nito na dumadagdag sa production costs.

At sino ang nasa pinaka-ilalim ng value chain?

You guess it right, the Filipino farmers.

-----

Iba pang salik na dapat isaalang-alang:

Sapat ba ang kaalamang naibabahagi sa mga magsasaka tungkol sa mga makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay? Willing ba sila na i-adopt ito? May puhunan/resources ba sila upang maka-avail ng teknolohiya?

Ano bang preferences ng consumers sa kanin/bigas?

Maraming mga magsasaka ang nangungutang sa middleman/rice traders para may pangpuhunan sila.

-----

Kamakailan, may isang mambabatas na nagsabing hindi daw "competitive" ang farmers natin.

Totoo naman e.

Because everyone has their own faults kung bakit incompetent ang rice industry natin.

Is the government in full swing towards rice competitiveness? E kung kaliwa't kanan naman ang kurapsyon, lalo sa mga LGUs? Halos lahat ba ng magsasaka ay naaabot nila?

Add: Ginawan ba ng paraan ng isang nasa gobyerno na pigilan ang pagconvert ng mga lupa para gawing subdivision at pagpasa sa National Land Use Act? O bigyan ng dagdag na budget man lang ang mga taong baliw na baliw sa research?

Are the farmers helping themselves to be competitive? E kung ayaw nilang baguhin ang nakasanayang paraan ng pagsasaka?

Are we, the consumers, doing our own share to patronize the local rice industry by buying locally-produced rice? O baka mas gusto mo pa ring kumain ng imported na Jasmine rice?

Yung mga rice trader kaya, natutulungan ba nila ang mga magsasaka na tumayo sa sarili nilang mga paa? O parang pating pa rin na naka-abang sa makukuhang ganansya dahil pinautang nila ang mga magsasaka?

Are we, agriculture professionals, doing our part to help and up-skill our farmers using new technologies? Are we helping ourselves to ride the wave of Ag 4.0 (or digital farming) by updating our own technical knowledge or are we still stuck to the manual processes of Agriculture 1.0?

###

Si Earwin Belen ay isang propesyonal na agrikultor.

--

--

Ava&Earwin

We are Ava and Earwin, and we are bringing you our insights and opinions about anything and everything under the sun, but mostly agriculture and food.