TECHNOLOGY: Ang bagong virtual reality
Ang bagong VR experience na mayroong 8k projection at hugis na hemisphere screen
Ang virtual reality (VR) ay isang computerized 3d-environment. Ito ay nakakakuha ng input katulad ng mga dimensyonal na panlugar base sa x-axis, y-axis, at z-axis. Ang teknolohiyang ito ay dating nang ginagamit.
Kasalukyan, nalagpasan na ang limitasyon ng VR headgear sa tulong ng bagong 8K resolusyon — napakataas resolusyon ng video projection system. Itong bagong teknolihyang ito mula sa Japan. Ito ay may bagong VR entertainment na ubod sa linaw na imagery projection.
Kabilan sa pagbago ng VR headset, may bagong atraksyon na dinadala sa manonood ng virtual tour sa Tokyo. Ang VR ay nagbibigay ng magandang karanasan na hindi na kinakailangan ang headset. Kaya nito mag project ng 8K high resolution video imagery sa 3.4 metro na taas at 5.2 metro na lapad na hemisphere-shaped screen. Ang mga manonood ay nakaupo sa gitna ng naka-synced na video projectors.
Ang Tokyo Tour VR ay nagdudulot ng karanasan na para kang nakaupo sa eroplanong lumilipad sa ibabaw ng maraming sikat na lugar na pinpuntahan ng mga turista sa Japan. Kasama dito ang Shibuya, Asakusa at Ueno district. Habang nasa kaganapan, dinadala nito ang gumagamit sa taas ng langit at sa taas ng Tokyo Sky Tree. Lahat Ito ay posible dahil sa 8K imagery at isang gumagalaw ng upuan na naka-sync sa mga pinalalabas sa projector.
