Oizys
1 min readJan 25, 2024

Di ako naniniwala sa mga pamahiin,

ngunit nang ika’y aking nakilala,

lahat iyon ay unting-unti nagbago

Handang ibahin ang nakagawiang pananaw.



Marahil maraming nagulat, nagtaka kung
bakit may pagbabago na nagaganap...

Wari’y sadyang hindi ko din alam ang kasagutan diyan,

Maaring ako’y isang anluwage at ikaw ang inspirasyon.



Kung ako ay isang anluwage paano kita nahanap,..

Magsisimula ako sa umpisa kung saan ika’y kathang-isip

habang nakasuot ang pang-ulong hatinig at nakikinig

Sa mga lumang tutugin, bubuoin at susuruin hanggang-



mahanap ang nais, na akala ko nung una’y pangarap lang.

Pag ka wari’y aking iguguhit sa papel at hahayaang umusbong

ngunit kung ano man ang aking naiguhit di na kayang burahin

Sapagkat ako’y kontento na sa aking naitala.



Hindi ko kayang baguhin dahil ako’y nabighani sa’yong ganda,

Di mawari’y naging sanhi ng pag-silakbo nang aking damdamin,

alam kong mahirap paniwalaan ngunit iyon ang katotohanan

Aking bighari sapat ka para sa akin.