My thoughts about my first heartbreak

Chapter 1

Gabi na naman siya umuwi nun, parang gabi gabi na lang siyang umuuwi ng pasikat na ang araw. Nakatulog na siya kakahintay sa nobya niyang madalas hindi na niya nakikita. Dahan-dahang humahakbang, nagtanggal ng sapatos at medyas, sabay pumasok sa banyo. Maliit lang ang kwartong inuupahan nila kaya’t nagising kaagad si Michael sa kaluskos at balibag ng pinto. Madalas ganoon si Sara, may pagka bulagsa sa lahat ng bagay. Namulat si Michael at tumalikod upang hanapin ang kakarating niya lang nobya. Bukas ang ilaw sa banyo at may umaagos na tubig, “Naghihilamos na siguro siya”, isip ni Michael at muling sinubukang bumalik sa pagtulog. Mga ilang minuto ang lumagpas mula alas tres ng umaga, napansin ni Michael na tinititigan niya ang kamay niya na nasisinagan ng ilaw mula sa pinto ng banyo. Nilaro niya ang aninag sa kanyang kamay na parang may nahahaplos na hangin, hanggang sa biglang namatay ito. Basa pa ang paa ni Sara ngunit umakyat na siya paggapang sa kama nilang magkasintahan at tumabi sa kanyang irog. Di napansin ni Michael na pinipigilan niya ang paghinga hanggang di na gumagalaw ang kama. Paglabas ng kanyang hininga, kamay ni Sara ang humapo ng bigat sa loob ni Michael. Siya’y tumalikod at sinalubong ng ngiti ang nobya na hinahaplos ang pisngi niya, nakangiti ngunit nakapikit. Inabot ni Michael ang lampara sa mesa sa gilid ng kanilang kama at binuksan ito. Si Sara ay naka sandong puti, ang paboritong pantulog ni Sara. Kahit ilang buwan na silang magkasama, hindi pa rin natutulog si Sara na walang saplot kasama si Michael, kahit madalas si Michael’y wala nang salaway, lagi pa rin na nakapantulog si Sara. Tumigil si Sara sa paghaplos ng mukha ng kanyang kasintahan at binuksan ang mata niya upang makita si Michael. Napangiti na lang silang dalawa. Hindi napansin ni Michael ang luhang pumatak mula sa kanyang mata, na hinawi ni Sara, “Babe, anong problema?” tanong nito.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.