Ang Sampung Pinaka-epektibong Pamamaraan ng Kunwaring-pakikinig sa Iyong mga Katrabaho

Dahil minsan ang tunay na pakikinig ay napakahirap















Noong isang araw, nagsabi ang isa sa mga kasamahan ko sa trabaho ng tungkol sa kanyang damdamin, hindi ko maalala eksakto kung ano. Ang punto ay, ang hirap makinig. Kaya nga, sa pakikipag-usap sa iyong mga katrabaho, ang pinakamaigi ay ipadama sa kanila na sila ay naririnig mo at kasabay noon ay ang ‘di pag-pansin sa kanila. Heto ang mga paborito kong mga pamamaraan sa paggawa noon.

1. Magtanong nang malabo

Bumuo ng anim o pitong malalabong tanong na maaari mong itanong sa mga oras na hindi inaasahan habang ito’y makakapagkubli ng katotohanang ikaw pala ay nakikinig. Ang mga tanong na ito, “Kwento pa” o “Anong ibig mong sabihin diyan?” o “Ano sa tingin mo iyon?” o “Sino ba talaga tayo?”, ay magpapasaliksik sa iyong katrabaho sa kaibuturan ng kanyang pag-iisip at ikay ay malaya na sa iyong sariling iniisip tungkol sa kakainin mo mamayang gabi.

2. Gumawa ng panglito

Kung ang katrabaho mo ay gustong makipag-kwentuhan sa’yo, laging napakagandang mungkahi ang pulong na “palakad” o ‘di kaya’y magpulong kung saan man sa labas ng opisina. Sa ganitong paraan, palaging mayroong interesanteng maituturo sa mga mahahalagang sandali, maaaring ito ay malupit na mga guhit sa pader, isang tanong grasa o kahit na anong nakakasilaw na gamit. Habang siya’y nagsasalita, laging maging mapagmatiyag para sa mga bagay na maaaring interesante at ito ay ituro mo kung sakali mang hindi mo na kayang sakyan ang kanyang pagdaldal. Pagkatapos, humingi ka ng paumanhin sa pagbaling mo ng atensyon at sabihin na siya ay magpatuloy. Banlawan at ulitin.

3. Banggitin ang kanyang asal

Sumingit sa sinasabi ng iyong katrabaho gamit ang, “Mukhang galit ka,” at biglang sabayan ito ng, “Ayos ka lang?” Kung punahin mo ang kabuuan ng kanyang ugali, o kahit na anong parte ng kanyang ugali, ipinaramdam mo sa kanya nang biglaan na siya ay pinakikinggan at sa isang banda ay parang hubad na walang maitatago. Ito ang perpektong kumbinasyon. Ngayon, mararamdaman niya na pinakikinggan mo siya nang malalim kaysa sa iba, kahit na sa totoo ay nagtu-Twitter ka lang pala sa utak mo.

4. Simulan sa pamamagitan ng biglaang hinto

Simulan ang bawat usapin sa, “Bigla akong titigil sa loob ng 3 minuto.” Para sa mga dyaheng sitwasyon, sabihin mo na mayroon kang pulong na dadaluhan. Kung wala ka namang pulong, sabihin mo na mayroon kang ipapasa sa oras. Kung wala ka namang ipapasa sa oras, sabihin mo na mayroon kang elektronikong-sulat na tatapusing basahin.

5. Sumang-ayon nang todo-todo

Sumingit na may kaaya-ayang pananalita katulad nang, “Sobrang naiintindihan ko ‘yan,” “Naiintindihan kita isang-daan at sampung porsyento” o “Nandito ako sa tabi mo, irog.” Ang mga matatamis na pananalita ay magpapasigurado sa katrabaho mo na ikay ay tunay na nakikinig. At higit na mas mabuti, mararamdaman ng katrabaho mo na ikay ay nasa kanyang panig kahit na iyon mukahgn imposible.

6. Magpanggap na nalilito

Magpakita ng masagwang hitsura na mukhang nalilito sa buong takbo ng pag-uusap. Ito may mag-kukumbinsi sa mga katrabaho mo na ikaw ay nakikinig nang maigi at hindi talaga nag-iisip kung alin ang mas maraming enerhiya, ang margarita o maasim na vodka.

7. Tumahimik

Isang interesanteng bagay ang nangyayari kapag ikaw ay ganap na tahimik. Nararamdaman ng mga tao na kailangan nilang punuin ang katahimikan ng higit pang pagsasalita. Sa bandang huli ay natatalo pa nila ang kanilang sarili. Gawin mo ito nang mahaba-habang oras at iisipin nilang ikaw ay isang pantas na tai chi master.

8. Pag-usapn ang mas malawak na larawan

Ang mga katrabaho ay madalas na gustong pag-usapan ang mga maliliit at walang kwentang mga bagay na makakasaid ng buhay ng isang walang buhay na tubo. Ang pagbaling ng tanong ukol sa malaking larawan ay nag-aalis ng liwanag sa kawalang-kakayahan mong makinig at patungo sa kakayahan nilang magsalita.

9. Subukang ulitin ang sinasabi nila

Mahalagang paraphrase kung ano ang sinasabi ng iyong mga kasamahan sa trabaho sa paraan na aktwal na sinasabi mo sa kanila kung ano ang nais mong marinig. Kung may babanggitin sila ng mga problema, lumiko ang mga ito sa mga hamon, kung babanggitin nila ang mga reklamo, lumiko ang mga ito sa mga pagkakataon, at kung babanggitin nila ang kanilang bakasyon, i-on ito sa isang pagkakasala ukol sa biyahe. Kung ituturo nila out na hindi mo tila pag-unawa, iminumungkahi isang klase sa epektibong komunikasyon.

It’s important to paraphrase what your coworkers say in such a way that you’re actually telling them what you want to hear. If they mention problems, turn them into challenges, if they mention complaints, turn them into opportunities, and if they mention their vacation, turn it into a guilt trip. If they point out that you don’t seem to be understanding, suggest a class on effective communication.

Mahalagang isalin ang mga sinasabi ng mga katrabaho mo sa paraang inuudyukan mo sila ng kung ano ang gusto mong marinig. Kung magbanggit sila ng mga problema, sabihin mong mga pagsubok, kung mga reklamo naman, gawin mong oportunidad, at kung magbanggit sila ng bakasyon, gawin mong di karapat-dapat na byahe ang kanilang gagawin. Kung pansinin nilang hindi ka nagiging maunawain, ituro mo sila na mag-aral ng wastong pakikipag-komunikasyon.

10. Umiwas ng tingin

Huwag na huwag titingnan ang katrabaho sa mata habang siya’y nagsasalita. Ang mga ispesyalista sa pakikipag-ugnayan nang walang salitaan ay nagsasabi na ang pag-ikoy ng iyong ulo at pagtingin sa itaas ay nangangahulugnang ikaw ay masusing nag-iisip. Gawin ito habang tumatango upang kanyang masabing ikaw ay nag-iisp ng solusyon sa kanyang problema at hindi niya pa makikita ang mga mata mong nakatingin sa kawalan. Isa pang paraan ay ang pagpikit ng iyong mga mata at sabihin na nakatutulong ito sa iyong pakikinig. Kung makatulog ka man, subukang huwag humilik. Kapag natapos na siyang magsalita, imulat ang mga mata at sabihing, “Pag-iisipan ko pa ‘yang mabuti.” At tsaka lumakad palayo nang maginhawa at kampante ang pakiramdam habang alam mo na akala ng iyong katrabaho ay nakikinig ka sa mga oras na iyon.


Tingnan pa ang maraming likha ni Sarah sa TheCooperReview. Sundan si @sarahcpr sa Twitter at maging taga-hanga sa Facebook.