Lalaine M.C
2 min readJan 27, 2021

“ ISYU NG DROGA SA PILIPINAS"

Source: jaemiellquimbao.atavist.com

Laganap na sa simula pa lamang ang droga sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas, nariyan ang iba’t ibang klase ng droga tulad ng shabu, marijuana, cocaine, ecstasy at iba pa.

Droga ang isa sa pinakapangunahing isyu sa ating bansa, maraming mga tao ang nalululong dito. Mas lalo pang dumarami ang naaadik dito at maging mga kabataan ay gumagamit na at nagbebenta na rin nito.

Dala na rin sa kahirapan ng ibang mamamayan sa ating bansa mas pinipili nilang magbenta nito upang may pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ngunit, hindi dapat ginagawa ang ganitong uri ng pamumuhay dahil unang-una makikita naman natin kung ano-ano ang mga nagiging epekto nito sa sinumang taong gagamit nito, ang mga epekto ng mga ipinagbabawal na gamot sa tao ay;

•Binabago nito ang isipan o behavior ng isang tao
•Nakakagawa ng mga malalaswa at hindi kaaya-ayang bagay
•Pagiging hyper
•Pagkakaroon ng hallucinations

Iilan lamang iyan sa mga nagiging epekto kapag gumagamit tayo ng ipinagbabawal na gamot.

Ikaw, bilang isang tao, bilang isang mamamayan ng ating bansa, gusto mo pa ba’ng gumamit ng droga para sa’yong ikakasaya kahit ipapahamak ng iba? Gusto mo ba’ng makulong at magdusa sa bilangguan? Pwes, kung ayaw mo baguhin mo ang sarili mo at iwasan mo ito.

Hindi ka sasaya sa mga ilegal na drogang ginagamit mo hindi nito naaalis ang mga problema mo bagkus ito pa ang naglalagay sa’yo sa malalang sitwasyon.

Tigilan na ang paggamit ng illegal drugs, maging mabuting mamamayan ng ating bansa magkaro’n ng malasakit sa sarili’t kapwa.

Pagdodroga ay itigil na upang ang ating bansa ay maging maayos at mapayapa na.

Ikaw, ako, tayo, magtulungan para sa bansa ng mga Pilipino.