Poor Princess


Nang dumating si Keith Yosef Caraveo sa buhay ni Cianna nagulo na ang lahat. Pero ang hindi niya alam fiance pala niya ang mokong na ‘yon kaya palagi siyang binibwisit sa tuwing nagkukrus ang landas nilang dalawa.



Prologue

Ang bilis nang panahon, parang kailan lang nang mag-enroll ako sa East High at bukas naman graduation na namin. Pero syempre hindi pa talaga bukas ang graduation namin, three months pa bago mangyari ‘yon mula ngayon. Excited lang ako. Imagine makakagraduate na rin ako ng high school. Hindi ko na rin makikita ang mukha ni Keith.

Kasama ko sina Coreen at Madison ngayon. Sinusulit na namin ang tatlong buwan na magkakasama kami. Naglalakad kami papunta sa bahay nina Coreen. Mabagal lang ang lakad namin habang nagkukwentuhan silang dalawa. Ako, nakikinig lang. Madalas sila ang magkasama kaya naman hindi ako maka-relate sa ibang pinag-uusapan nila. Minsan ko lang kasi sila kasama.

Buti na lang mapuno sa dinadaanan namin papunta sa Fontaine-isang exclusive village. Dahil kung masusunog lang ang balat ko, hindi ako sasama sa kanila.

“Sayang, kung kailan three months na lang, saka pa nag-transfer si Keith.” Narinig kong sabi ni Coreen na nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.

Kumurap ako ng ilang bese bago ma-digest ng utak ko at maintindihanang sinabi ni Coreen. Ano raw? Nag-transfer ulit ng school si Keith. Bakit?

Bakit ngayon pa kung kailan graduationg na kami. Three months na lang! saka siya ulit lumipat.

“Totoo? Nag-transfer ng school si Keith?” Tanong ko sa kanilang dalawa. napahinto rin sila at tila nagulat nang lingunin nila ako matapos kong magsalita. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinipigilan kong ngumiti. Hinihintay kong kumpirmahin nilang dalawa ang narinig ko mula sa kanila kanina.

“Oo, Cianna, Hindi mo ba alam.” Sagot ni Madison.

“Hindi.” Kibit-balikat nasabi ko. “pero ngayon alam ko na. Mabuti nga ‘yon, eh, para wala na ang ultimate, extremely enemy ko, ‘di ba.” I continued as I wiggle my brows.

Binigyan naman nila ang ng tingin na parang isang nababaliw na takas ng Mental Hospital. Inunahan ko na silang dalawa sa paglalakad. Ang sarap ng feeling na wala na ang bwisit na mokong na ‘yon. Ang saya-saya pala kapag nalaman mong wala na ang mortal mong kaaway sa mundong ginagalawan mo.

“Bakit ba ang init ng dugo mo roon lagi? Hindi mo ba aka na ‘the more you hate, the more you love…’ Paalala pa ni Madison sa akin ng kasabihang niluma na nang panahon.

Gasgas na ‘yan, eh, kumbaga sa whitening product, walang effect. Hindi gumagana sa amin iyan ni Keith. Sa iba na lang baka p’wede pa.

“Sus, sa akin mo pa talaga sinasabi ‘yan. Hindi kaya applicable sa akin iyan.” Siguradong sabi ko. One hundred one percent sure ako d’yan.

Huminto kami sa clubhouse ng Fontaine Village nang makarating kami roon. Prenteng naupo ako sa sofa na gawa sa rattan.

“Alam mo bang nagbigay din ng love letter si Winxie kay Keith.” Sabi ni Coreen, naupo siya sa single sofa na nasa kaliwa ko, si Madison naman ay nasa tabi ko, sa kanan.

Updated siya sa paglipat ni Keith ng school. Winxie, the flirt. Lahat na lang nang makikita niyang lalaki na may itsura, may gusto sa kanya at gusto niya. Kahit na ang crush na crush kong si Railey sinasabi niyang may gusto sa kanya. Napaka-bookworm nga nong tao buti kung mapapansin pa siya. Sabagay, kasing kapal naman niya ang encyclopedia. Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit sa isip niya may gusto rin sa kanya si Keith.

“Talaga,” Walang ganang sabi ko. Wala akong maisip na sasabihin dahil papansin naman pa lagi si Winxie.

“Oo, sabi pa nga sa sulat niya. Huwag daw ipapabasa ni Keith kahit kanino.” Dagdag pa ni Coreen.

Ay, napaka demanding much ng lola niyo, ha. I know Keith. Sigurado akong hindi niya papahalagahan iyong sulat ni Winxie. Wala kayang puso ang kurimao na ‘yon.

“Tapos, ‘wag din daw itapon ni Keith iyong sulat.” Sabi naman ni Madison.

Inismiran ko lang silang dalawa. Ba’t ang dami yata nilang alam kay Keith at pati tungkol sa sulat ni Winxie.

“Paano niyo naman nalamang dalawa ‘yong tungkol sa laman ng sulat?” Tanong ko sa kanila, habang pilit na itinatago ang kuryusidad sa boses ko.

“Nabasa namin.” Sabay nilang sagot sa akin. What. Binigay sa kanila ni Keith iyong sulat o hindi nito tinanggap? See sabi na eh.

“Tapos, pinapatapon din ni Keith. Hindi nga niya binasa ‘yong sulat nang makitang kay Winxie galing iyon. Buti raw kung galing sa iyo ‘yong sulat itatago pa raw niya.”

Napangiwi naman ako sa sinabi ni Madison.

Tumaas ang kilay ko habang iniisip kong sinasabi ‘yon ni Keith sa kanila. Baka niloloko lang sila na’ng mokong na ‘yon. Gusto kong humagalpak ng tawa. Nagbibiro ba sila. Kasi si Keith Yosef Caraveo yata ang tinutukoy nila.

Imposibleng sasabihhin niya ‘yong dahil unang-una sa lahat, mortal enemy ko ang sira-ulong iyon.

Pangalawa, sinabihan niya ako ng malandi sa harap ng mga classmate at schoolmates namin.

Pangatlo, galit na galit sa akin ang girl-oopps, ex-girlfriend niya na pala ‘yon. Dahil nag-break na sila at hindi ko kasalanan iyon. Wala akong paki alam kay Keith. Kahit isasak pa niya sa bulsa niya ang kumag na ‘yon.

Pang-apat, narinig niya ang mga sintemyento ko. Bakit hindi niya alam na masama ang makinig sa usapan ng may usapan.

Pang-lima, hindi siya marunong sumunod at makinig sa mga utos ko.

Pang huli, hindi totoo ang group message noong birthday ko na isenent ko sa phonebook list ko.

Isa pa hindi ko naman siya gusto kaya bakit ko siya susulatan. Mas lalong hindi naman kami close friends kaya ba’t ko siya susulatan.

Asa ka’ng susulatan kita ng love letter, Caraveo. Mukhang may hang over ka pa yata.

Halos one year lang siya sa East High. Last year lang nang pumasok siya sa kwartong iyon. Last year lang nang pumasok siya sa buhay ko. Last year lang nang ma-receive niya ang last text message ko.

One clap, two clap, three clap, forty?

By clapping more or less, you can signal to us which stories really stand out.