Pagsusuri ng Akda: Dekada ’70 ni Lualhati Bautista

CHANISE ALAINE HO TE WANG
18 min readDec 20, 2022

--

Dekada ’70 ay ang pamagat ng librong sinulat ni Lualhati Bautista. Ito ay nakatakda noong panahon ng martial law na tinatag ng dating Pangulo Ferdinand Marcos. Nagsimula ang martial law noong Setyembre 23, 1972 at dito nanggaling ang pamagat. Halos sa dekadang ’70 ang itinakdang panahon ng kwento kaya Dekada ’70 ang pamagat.

Si Lualhati Bautista ay isang Pilipinong manunulat, nobelista, liberal na aktibista at kritiko sa politika. Nakapagtapos siya ng elementarya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958 at high school sa Torres High School noong 1962. Kursong Journalism ang kinuha niya sa kolehiyo ng Lyceum of the Philippines ngunit tumigil na pag-aaral dahil ang gusto lamang niyang gawin ay magsulat ng magsulat. Ang Dekada ’70 (1983) ay isa sa kanyang pinakasikat na libro bilang karagdagan sa Gapo (1980) at Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? (1984). Lahat nito ay nanalo ng parangal sa Don Carlos Palanca Memorial Awards ng Panitikan. Noong hindi pantay ang tingin ng mga kababaihan sa mga kalalakihan, si Lualhati Bautista ay isang matapang femenismo na lumalaban para sa kasarian tulad niya sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga femenismong libro tulad ng Dekada ’70.

Si Amanda Bartolome ang ina ng pamilyang Bartolome. Noong una, siya ang tipikal na babae na masunurin sa kanyang asawa. Siya ang bahala sa pagaalaga sa kanyang mga anak, maglinis ng bahay, magluto ng mga pagkain, at maghugas ng pinggan. Hindi niya kinokontra ang kanyang asawa. Gayunpaman ay paunti-unti siyang nagbabago. Natuto siyang sundin ang sarili niyang mga gusto na hindi umaasa sa mga kalalakihan. Siya ang sumisimbolo sa mga babaeng lumalaban para sa kanilang karapatan at maging kapantay sa mga kalalakihan.

Si Julian Bartolome Sr. ang ama ng pamilyang Bartolome at asawa ni Amanda Bartolome. Siya ang tipikal na kalalakihan. Mababa ang kanyang tinging sa kabilang kasarian at naniniwala na ang mga lalaki ay ang breadwinner sa pamilya kaya sila’y dapat masunod. Siya ang sumisimbolo sa mga lalaking tradisyunal ang pag-iisip sapagkat hindi nila nakikita ang kababaihan bilang kapantay.

Si Jules Bartolome ang panganay sa magkakapatid. Mapagmahal siya sa kanyang bayan kaya sinakripisyo niya ang kanyang sarili para sa ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng kanyang kapwa Pilipino. Siya ang mga mamamayan ngayon na hindi nagdadalawang isip na ipaglaban ang karapatan ng iba maaari sa pamamagitan ng social media.

Si Isagani Bartolome ang sumunod na anak ni Amanda at Julian pagkatapos si Jules. Sa murang edad ay nagkaroon na siya asawa dahil nabuntis niya ang kanyang kasintahan. Umalis siya ng bansa upang maging sundalo ng US Navy. Siya ang mga lalaking maaga nagkaroon ng pamilya ngunit walang oras alagain ang kanilang anak para sa mas magandang opurtunidad sa buhay.

Si Emmanuel Bartolome ang pangatlong anak ng pamilyang Bartolome. Mahilig siya magsulat kaya siya’y naging isang manunulat sa kanyang pamilya. Sinundan niya ang kanyang kapatid na si Jules na gamiting ang kanyang katalinuhan at kakayahan para sa kabutihan ng kanyang kapwa. Siya ang sumisimbolo sa mga taong magaling magsulat ng mga artikulo na may paksang may kinalaman sa pamahalaan. Sila ay nagsusulat para sa kabutihan ng mamamayan.

Si Jason Bartolome ang pang-apat na anak ng pamilya. Mapabaya siya sa kanyang pag-aaral at wala siyang plano para sa kanyang kinabukasan. Siya at tamad ngunit masiyahin at mabait. Sa kasamaang palad, dahil sa tigas ng ulo at hindi sinunod ang mga sermon ng kanyang ina ay namatay siya. Siya lamang sa buong pamilya ang namatay at kalunus-lunos ang kamatayan niya.

Si Bingo Bartolome ang bunso ng pamilyang Bartolome. Mula bata pa ay nakikita na niya ang kanyang mga kuya nakikipaglaban para sa kabutihan ng bayan kaya siya ay impluwensya sa kanila. Nais niyang matuto nang higit pa tungkol sa katotohanan ng mundo at ng kanyang bayan. Siya ang sumisimbolo sa mga kabataang ngayon na natututo sa kanilang paligid at sa internet upang gumawa ng mabuti. Sinasakop nila ang mga aral natutunan at isama ito sa kanilang paglaki.

Ang Dekada ’70 ay nagumpisa sa taong 1970 nang ang pangulo ay si Ferdinand Marcos. Sa pagdating ng taong 1972 ay nagdeklara ang pangulo ng martial law. Naging mas mahigpit ang mga guardia sibil sa mga tao at nagkaroong ng mga curfew. Limitado ang kalayaan ng mga tao sa panahong ito at malubhang kahihinatnan ang ihaharap sa mga taong nahuli nagrebelde sa pamahalaan. Dahil dito ay madalas makikita ang mga tauhan sa bahay ng Bartolome.

Sa taong 1965, nagsimula ang kwento na pinapakita si Gani nakikipag-away sa kanyang kalaro. Dumating si Amanda at ang nanay ng kalaro upang ipaghiwalay ang dalawang bata. Pagdating sa bahay ay nakipaglaro at kantahan ang mga magkakapatid. “Sawayin mo naman ang mga anak mo,” sabi ni Julian sa kanyang asawa habang si Amanda ay nagaalaga sa kanilang anak. Dito magsisimula ang teoryang feminismo kung saan ang pagiisip ay ang mga babae lamang ang may responsibilidad sa pagaalaga ng mga anak. Ang teoryang ito ay nagpapakita ng hindi kapantay pantay na tingin sa mga kababaihan.

Ang sumunod na eksena ang pagpapakita ng protesta ng mga Pilipino. “Yankees go home,” ang mga sigaw ng mga protestang Pilipino. Yankees ang tawag sa mga Amerikano ng mga Pilipino noon. Sila ay nagpoprotesta na bumalik ang mga Amerikano sa kanilang bansa dahil ginagamit nila ang parte ng Pilipinas para sa kanilang militar. Noong 1947, ang Pilipinas at Estados Unidos ay nagkaroon ng sunduan tawag Military Base Agreement (MBA). Ang sunduan nito ay nagbibigay ng permiso sa Estados Unidos na ilagay ang kanilang militar base sa Pilipinas. Sa huling bahagi ng dekadang ’60 at ’70, marami na ang nagpoprotesta na wakasan ang sunduang ito at isara ang mga militar base ng dayuhan sa Pilipinas. Nangatuwiran ang mga nagprotesta na nililimitahan ng MBA ang karapatan ng Pilipinas na gumamit ng kriminal na hurisdiksyon. Sa taong 1992 ay naipatupad na ang hiling ng mga tao at nagsara na ang mga base ng Estados Unidos sa Pilipinas.

May isang salo-salo sa bahay ng Bartolome. Si Julian ay nakikipagusap sa kanyang mga kaibigan tungkol sa pulitika. “But what do you have against him anyway? He’s the most brilliant president. Iboboto ko pa rin siya sa sususunod na eleksyon,” sabi ni Julian. Makikita na maganda ang kanilang impresyon sa dating Pangulong Marcos sa panahon nito. Teoryang realismo ito sapagkat realistikong pinapagusap ng mga tao ang kanilang iboboto sa susunod na eleksyon.

1970 ay naging pangulo muli si Ferdinand Marcos ng Pilipinas.

“Ng mundong ito, kung saan kayong mga babae ay parang mga dahong natutuyo sa sanga sa kakahintay sa ngini’t pansin naming mga lalaki.”

“Wala kayong magagawa. Yan ang batas. IT’S A MAN’S WORLD.”

Ang mga ito ay sinabi ni Julian sa harap ng kanyang pamilya. Hindi masaya rito si Amanda ngunit ang lalaki sa kanyang pamilya ay nakipagtagay sa isa’t isa.

“Magtrabaho kaya ako,” sabi ni Amanda sa kanyang asawa. Ayaw na ni Amanda manatili sa bahay habang si Julian ay nagtatrabaho sa labas at mga anak niya ay nag-aaral sa paaralan. Nang nalaman ni Julian na ang trabahong tinutukoy ni Amanda ay trabaho sa opisina, ito ang sagot niya:

“Kulang ba kinikita ko? Meron ka bang gustong hindi kong maibigay?”

“Hindi ka magtatrabaho habang ako lalaki sa ating dalawa, and that’s final!”

Teoryang feminismo ang pinapakita rito. Ang pagiisip ni Julian na dahil siya ang lalaki sa pamilya ay siya lamang dapat ang kikita. Ang mga kababaihan ay nararapat lamang sa bahay. Nakakalungkot na kahit sa kasalukuyan ay meron paring kaisipan na ganito. May mga lalaki na naniniwala na sila dapat ang breadwinner sa pamilya habang ang kanilang asawa ay magbabantay sa bahay, magluluto at maglilinis.

Sa araw ng prom ay sumasayaw si Jules at Gani kasama ang kanilang partner. Binastos ni Jules ang babae sa pamamagitan ng paghahawak sa mga lugar na hindi dapat hawakan kaya ito ay nagalit. Ito ay teoryang realismo sapagkat nangyayari talaga ito sa. Sa kasalakuyan, maaaring makaso si Jules sa paggagawa ng sexual harassment o sekswal na kaharasan. Pauwi ay may nadaanan silang effigy na sinunog ng mga nagpoprotesta. Dito nagsisimula ang interes ni Jules at Em sa isyung pamahalaan.

Taong 1971, si Jules at kanyang mga kaklase ay naghahanda para sa isang protesta. Sa araw ng protesta, si Jules, ang kaibigan niyang si Willy, mga aktibistang estudyante, at mga iba pang dumalo ay kumanta ang ng Lupang Hinirang. Pagkatapos ay nag-away ang mga nagprotesta at guardia sibil. Nalaman ito ni Julian at nagalit kay Jules at sa kanyang kaibigan. Wag na raw dapat sila makisali sa mga ganung gawain sapagkat meron maaari na silang hulihin na walang warrant of arrest. Ito ang Habeas Corpus. Ginawa niyang halimbawa ang pagkawala ng isang student leader. Ito ay realismo sapagkat may mga pangyayari tulad nito noong panahon ni Pangulong Marcos. May mga student leader din sa kasalukuyan kung saan maaari nilang sabihin ang kanilang mga opinyon para sa ikabubuti ng lahat ng mga mag-aaral.

Hapunan, tanong ni Willy kung bakit may freedom of expression sa bahay ngunit sa eskwelahan ay bawal kumibo. Sabi ni Julian na nag-uusap ang mga magkakapamilya. Hindi katulad sa eskwelahan kung saan palaging may gulo. “I’ll make you understand,” sabi ni Jules sa kanyang ama. Dapat pakinggan din ng mga magulang ang mga saloobin ang kanilang mga anak kahit ano man ang kanilang edad.

Isang gabi, pinapaakyat na si Amanda ng kanyang asawa ngunit hindi siya sumusunod.

“Bakit ka ba tawag ng tawag? Ano kailangan mo?”

“Tinatanong mo pa kung ano. Basta’t pinapaakyat ko kita, tapos.”

Teoryang femenism kung saan dapat palaging sumusunod ang babae sa kanilang asawa. Nagalit si Julian dahil hindi ito siya sinunod ni Amanda.

Habang naglalaro ng basketball ang mag-ama, sinabi ni Gani na gusto niyang maging sundalo sa US-Navy. Nagalit dito si Jules dahil hindi raw siya makabayan. Nagalit naman din si Gani dahil mas maganda raw ang benepisyo na magtrabaho sa ibang bansa kesa sa Pilipinas. Dito nagsimula ang pagkaiba ng opinyon ng magkapatid. Ito ay teoryang moralistiko dahil ito ang pagsusuri batay sa pagkilos, pagsasalita, pag-iisip, at pagpapasya ng mga tauhan.

Si Jules at Willy ay dumalo muli sa isang protesta. May mga tumatanghal na gumagaya kay Hesus sa pagbitbit ng krus at pagpako doon. Habang umaarte ang mga tumatanghal ay sinabi ni Willy sa kanyang kaibigan na handa na siyang sumali sa armadong pakikibaka.

Nang malaglag ang dyaryong saranggola ni Bingo ay nakita ni Amanda na ang mga kasulatanan dito ay gawa ng komunista tawag “Ang Bayan.” Sinabi ni Amanda ito sa kanyang asawa kaya pumasok si Julian sa kwarto ng anak niyang si Jules at nakita ang mga papel tungkol sa pakikipaglaban sa gobyerno. Sinubukang kausapin ng ama ang kanyang anak tungkol dito. Sagot ni Jules sa kanyang ama, “siguro Dad baka panahon na para mamili ang tao. Alin man sa dito ka o doon. Walang neutral ground.”

Taong 1972, nagdeklara ng Martial Law ang Pangulong Marcos. Nanuod ang buong pamilya sa TV. Nagkaroon na ng curfew at huhlihin at kukulungin ang mga taong lalaban sa gobyerno. Natatakot na ang iba ngunit umuwi si Gani na may kasamang babae. Hinatid nila ang babae pangalang Evelyn sa kanyang bahay. Sila’y hinituan ng pulis dahil lagpas na sa curfew. Nakiusap si Julian na magaalala ang mga magulang ng babae. Sa loob ng bahay ng babae, tinanong ng tatay kay Gani kung handa na ba siyang pakasalin ang kanyang nabuntis na anak. Napilitang magpakasal ang magkasintahan. Dahil hindi sila masaya sa isa’t isa ay palagi silang nag-aaway. Ito ay teoryang realismo sapagkat may mga nangyayari parin ang hindi planadong pagbubuntis. Dahil na buntis ay nangangailangan na ang babae at lalaki magpakasal upang magkaroon ng nanay at tatay ang bata.

Habang nagaaway ang magasawa ay pinakita ni Jason kay Amanda ang kanyang grado sa paaralan. Mababa ang mga nakuha niya ngunit nasisiyahan na siya rito. Kumampi si Julian sa kanyang anak na ayos lang ito. Sabi niya na ipapasa talaga siya ng kanyang guro dahil bilang isang magulang ay ayaw nila makita ang kanilang anak bumagsak.

Isang gabi, umuwi si Jules na may mali. Umiyak ito sa kanyang ina dahil ang kanyang kaibigan na si Willy ay pinatay. Kinwento niya kay Amanda ang paghihirap naranasan ni Willy bago siyang namatay. Dumalo si Amanda sa libingan ni Willy at narinig niya ang iyak ng nanay ng namatayan. Paguwi ay nagpaalam si Jules na pupunta siya sa Bicol para sa isang exposure trip. Nagalit si Amanda satingin niya na sasali ang kanyang anak sa mga NPA. Sa huli ay umalis parin si Jules.

Taong 1973, nanganak na si Evelyn. Babae ang anak. Paguwi ay may sulat damuting galing kay Jules. Masaya si Amanda ngunit ang sulat ay para kay Em. Nagalit ito dahil sa laman ng sulat kaya linigpit niya ang gamit sa kwarto ni Jules at sinabi kay Jason kanya na ang kwarto. Hinatid ng pamilya si Gani na aalis para maging US Navy. Sinabi ni Evelyn na babalik na siya sa bahay ng kanyang mga magulang kasama ang bata sapagkat break na sila.

Si Em ay nagpaalam na pupunta sa Bataan para magsaliksik tungkol sa kanyang susulatin. Hindi pumayag si Julian sa una ngunit na kumbinsa rin ito mag oo. Sumunod ay nag outing ang pamilya sa beach. Habang kumakain ay napagusapan nila ang mga pwedeng dahilan sa paghihiwala ng babae sa lalaki. Tanong ni Jason kung may balak bang makipaghiwalay si Amanda ngunit sagot sa kanya ay tungkol ito kay Evelyn at Gani.

Isang gabi sa taong 1974 ay dumating si Jules. Nagising ang pamily at nakita na may kasamang sugat ang kanilang panganay Bawal daw ito dalhin sa ospital dahil may mga sundalo roon kaya pinagamot ang lalaki sa bahay ng Bartelome. Kinabukasan ay kinausap ni Amanda ang lalaki pangalang Rene kung bakit sumasama sila sa mga ganoong kilusan. Gusto ni Amanda maintindihan ang kanyang anak ngunit bilang ina ay hindi niya ito magawa. Ito ay teoryang eksistensyalismo sapagkat may kalayaan ang lahat gumawa ng sarili nilang mga desisyon sa buhay. Sa rason ni Amanda, bilang ina ay hindi siya sumasang-ayon na gawin ang mga ito ni Jules dahil alam niya na delikado ito. Maaaring isang araw ay mababalita na lang niya na nahuli ang anak niya at pinatay. Sa rason naman ni Rene na ginagawa nila ito para sa bayan. Ito ay para sa kabutihan ng lahat at ng kinabukasan ng bayan.

Sa taong 1975, sa kaarawan ng bunso na si Bingo, may nakilala si Bingo na nagustuhan niyang babae. Umaasa si Amanda na dadating ang anak niya na si Jules ngunit hindi ito natupad. Habang naghahanda ng pagkain, tinanong ni Amanda kung hanggang anong oras si Evelyn sa bahay dahil may opisina siya kinabukasan. Ito a femenismo na makikita na natin ang paunti-unting paunlad ng mga babae. Kinabukasan ay tinawag ni Jules ang kanyang ina upang mag-usap. Nagkita sila sa isang restaurant. Sinabi ni Jules na maghanda dapat ang pamilya sa pagdating ng mga sundalo. Magingat sila, sunugin ang mga libro niya, at wag na wag silang sumama sa mga sundalo. Sinabi rin niya kay Amanda na meron na siyang asawa at anak ngunit hindi pa niya ito nakikita.

Sa taong 1976, may damating ng mga sundalo sa gabi. Hinaluglog nila ang bahay at nagkalat upang makahanap ng ebidensya sa pagrerebelde ni Jules. Nang wala sila’y mahanap ay na umalis sila, iwan ang mga kalat. Walang ginawang pinsala sa pamilyang Bartelome.

Isang araw ay may tawag tinanggap si Em. Si Jules daw ay nahuli. Dinalaw ng pamilya sa Jules at ikinwento niya ang pagpapahirap niyang naranasan ngunit hindi siya umamin. Ipagmalaki raw siya dahil sa kanyang katapangan. Sabi ni Julian na pinapagmalaki niya na anak niya siya. Sa labas ay nakilala ni Amanda at Jason ang asawa ni Jules at ang kanilang anak.

Araw bago dalohin si Jules, umuwi si Jason ng ala-una dahil nag-carolling. Siya ay pinagalitan ni Amanda. Nag away sila dahil gusto ni Amanda sumama siya bukas ngunit may kadate si Jason. Sa araw ng pagdalo, hindi makapakali si Jason kaya tinawag siya ni Jules palabas. Tinanong niya kung bakit ito tingin ng tingin sa orasan. Humingi rin ng paumanhin si Jules dahil para sa kanya ay nagdiwang pasko sila sa bilanggo. Nagbigay din siya ng payo na bata pa si Jason para magkaroon ng asawa at ng anak.

Isang gabi, hindi nakauwi si Jason. Tumawag ang pulis na nasa bilanggo ang anak nila ngunit sa pagpunta nila ay sinabing umalis na ito. Pinakita rin nila ang pirma ni Jason bilang ebidensya. Nanatiling hinanap ng pamilya si Jason. Habang hinahanap din ni Em si Jules ay may matandang lalaki nagsabi na may nahanap silang batang lalaki sa isang bangkay. Ito ay nakita malapit sa Manila Zoo na patay na at puro saksak ang katawan. Kinuprima ni Em kung sino ang batang lalaki sa pagpunta sa isang morge. Ang pinatay na batang lalaki ay ang kanyang nawawalang kapatid na si Jason.

Umuwi ng lasing si Em at ito’y pinagalitan ni Amanda dahil siya’y nagaalala. Tinawag ni Em ang kanyang ama upang umakyat sa kanyang kwarto upang sabihin ang masamang balita. Nagdabog sa Julian nang malaman niya ang nangyari sa kanyang anak. Dahil sa lakas ng gulo ay umakyat din si Amanda kaya nalaman niya rin ang nangyari kay Jason. Ang ina ay hinimatay. Sa araw ng burol ni Jason ay dumalaw si Jules at Gani. Nagkita muli ang magkapatid pagkatapos ng ilang taon. Nagyakapan sila upang makiramay sa lungkot nararamdaman nila para sa kanilang namatay na kapatid. Sa bahay, habang nagliligpit si Amanda ng mga gamit ni Jason ay pumasok sa kwarto si Bingo. Umamin si Bingo na baka galit sa kanya si Jason dahil sinumbong niya sa kanilang ina na may date ito noong araw ng Pasko. Ipapakilala na sana si Jason sa pamilya ng babae ngunit hindi ito natuloy. Sabi ni Amanda na hindi ito galit at mahal na mahal siya ng kuya niya.

“Huwag kang umasa malulutas ang kasong ito dahil hindi naaasahan ang gobyerno na lutasin ang mga kasong ng mga walang pangalang mamamayan.”

Ito ay sinabi ni Julian nang sabihin ni Amanda na iulat ang kasong ito sa gobyerno upang mabigyan ng hustisya ang kanilang pinatay na anak. Ang sinabi ni Julian ay realistiko dahil mas sineseryoso ng mga pulis ang mga kaso ng mga mayayaman o ang mga may pangalan na pamilya sa bansa. Wala silang pake sa iba. Dapat pantay ang tingin ng mga pulis sa mga kaso dahil lahat tayo ay mamamayan ng Pilipinas.

“Sinasanay sa kaharasan ang lalaki ng sarili niyang kultura.”

“At ang babae? Sa ideyang wala siya magagawa?”

“Buong buhay ko, yan na lang ang sinasabi nila sa akin. ‘Wala kang magagawa,’ ‘ito ang gusto ng asawa mo,’ ‘wala kang magagawa ito kapalaran mo,’ ‘wala kang magagawa dahil — ’ Dapat hindi ganun!”

Dito na namumulat ang kaisipan ni Amanda sa pagkadi-pantay ng pagtitingin sa mga kababaihan. Ito ay teoryang femenismo na kung saan dito na magsisimulang ipaglaban ni Amanda ang mga karapatan ng mga kababaihan.

Isang araw, sinabi ni Amanda na gusto na niya makipaghiwalay kay Julian. Sa galit, ito ang sinabi ni Julain:

“What is it that you want?! Okay, malapit na birthday mo, ano gusto mo? Gusto magpaparty? Gusto mo ng alahas? Gusto mo ilabas kita, ihotel kita, ipasyal sa ibang bansa?

Ito ang pag-iisip ng mga lalaki na puro gamit lamang ang maibibigay nila sa kanilang asawa dahil ito lamang ang gusto ng kababaihan.

“Ang hirap sayo kala mo lahat na bibili ng pera. Nahindi mo nga ako maintindihan. Kasi buong buhay ko puro nanay lang ako. Nainhindi naman ako mahusay na ina!”

“Kasi buong buhay na magasawa tayo, ang isip mo na sa kung tama ba o mali ang ginagawa ko; kung nakakasunod ba ako sa panuntunan mo o hindi; kung sa sakto sa gusto mo kinikilos o sinasabi ko. Tapos na ako diyan Julain!”

“Gusto ko naman ngayon ako mismo, just for a change, maging proud sa sarili ko.”

Natuto na magalit si Amanda sa kanyang asawa at taasan ng boses. Marunong na siya sabihin ang kanyang mga ayaw. Nasasabi na niya ang kanyang nararamdaman at saloobin.

Isang araw ay nagliligpit na ng gamit si Amanda. Tumawag si Jules na sunduin na siya sa bilanggo.

Taong 1978, magkakaroon nanaman ng panibagong eleksyon. Kumain ang buong pamilya na kasama ang asawa at anak ni Jules, Gani, Evelyn, at ang anak nila. Binalita ni Jules sa lahat na babalik muli sila ng kanyang asawa sa kilusan. Binalita rin ni Gani na hindi na magbabalikan at dugtong ni Evelyn ay mananatili silang kaibigan. Tinanggap ng lahat ang mga desisyon nila. Ito ay moralistikong pananaw dahil kahit hindi sila sang-ayon sa ginawang desisyon ay tinanggap parin nila ang mga ito. Pagkatapos ng kainan ay ang nanatili na lamang sa bahay ang mag-asawa. Nagpasalamat si Julian kay Amanda sa lahat ng ginawa niya para sa kanya at para sa pamilya. Tanggap niya na rin na gusto makipaghiwalay ni Amanda.

“Hindi ko kita pipigilin Amanda pero gusto ko lang malaman mo na hindi rin madali ang maging lalaki. Maraming emosyon ang iniibig nila dito dahil hindi daw bagay sa lalaki maging emosyonal. Hindi rin daw bagay sa lalaki maging masyadong masalita, at lalong hindi bagay sa lalaki ang umiiyak.”

“Julain, ba’t ka tumatalikod? Umiiyak ka ba? Pwede naman tayong umiyak na magkasabay.”

Tinatanggap na ni Julian ang kanyang mga pagkakamaling ginawa niya sa kayang asawa. Unti-unti na siyang humiwalay sa estereotipong lalaki.

Dumalo ang buong pamilya sa isang dula sinulat ni Em. Kinanta ng lahat ang Lupang Hinirang na nakakamao ang isang kamay bilang pagpakita ng paggalang at pagmamahal sa bayan.

Taong 1983, sa Sto. Domingo Church, Quezon City. Dumalaw ang buong pamilya ng Bartolome sa burol ng dating senador Benigno Aquino Sr. Sa huli ay makikita sa Amanda nakikisama na sa mga protesta upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan mula sa dating Pangulong Ferdinand Marcos. Si Cory Aquino ang kandidatong ipapalit kay Marcos bilang pangulo. Dahil sa People Power Revolution sa EDSA ay natagumpay nilang tanggalin si Marcos bilang pangulo. Taong 1986 nagsimula ang pamamahala ni Cory Aquino sa Pilipinas.

Maraming nagiba kung ikukumpara ang simula ng Dekada ’70 sa itong wakas. Mula sa pagiging mahinag ina na tagasunod lang sa kanyang asawa ay naging matapang at marunong isabi ang kanyang saloobin ng walang takot. Natuto si Amanda ipaglaban ang kanyang karapatan bilang isang babae at Pilipino.

Naging matagumpay din ang mga mamamayan sa paggupo ng pamamahala ng dating Pangulong Marcos. Sa una ay tinatanggap lamang nila ang pang-aabuso ginagawa sa kanila ngunit sila ay namulat. Tama na, kailangan natin magbago. Nakipag isa ang lahat ng Pilipino at sa wakas ay nagtagumpay. Maraming bayani ang nagsakripisyo tulad ni Willy at Rene para sa Pilipinas. Naniniwala akong hindi nila pinagsisisi ang kanilang kamatayan para sa ganitong wakas ng libro at ang simula ng panibagong Pilipinas.

Inirerekomenda ko ito sa lahat. Bilang isang estudyante na mahilig magbasa, hindi ako mahilig sa mga ganitong kwento. Gayunpaman, nagustuhan ko ang kwento. Hindi ko pinagsisisi bigyan ng oras ko para makilala ang librong ito. Naging mas malalim ang kaisipan ko sa Pilipinas, kababaihan, at ang mga nangyari noong panahon ni Marcos. Naniniwala akong dapat itong matutunan at malaman ng lahat para sa kanilang moralidad, mga tao sa paligid, at para rin sa bayan.

Ito ay magandang inspirasyon sa mga babaeng nakakaranas ng api sa kanilang paligid. Sa mga babaeng sinasabihang “babae ka lang.” Maging katulad ni Amanda na natuto ipaglaban ang kanilang mga paniniwala sa buhay. Magandang inspirasyon din si Jules at Em sa kanilang katapangan sa paglaban para sa kalayaan ng kanilang kapwang Pilipino. Maaari sila maging halimbawa ng mga taong mahilig makipaglaban para sa karapatan ng lahat, kahit sa mga taong sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, ito ang mga taong gumagamit ng social media upang iparating ang kanilang mga saloobin sa isang partikular na problema o isyu.

Ang Dekada ’70 ay dapat maging dula o itanghal sa paaralan upang maranasan ng mga Pilipino ang pakiramdam na parang sila ay nasa loob ng kwento. Ito ay kinakailangan ng kabataan ngayon dahil napansin ko’y paunti-unti na natin nakakalimutan ang kasaysayan natin. Mahilig na lang gumamit ng mga cellphone at maglibang gamit ito. Nakakalimutan na magbasa ng mga libro tungkol sa paksang kahawig ng Dekada ’70. Sa dula, mas magiging pokus ang atensyon ng manonood at malalaman nila na kawili-wili rin ang istorya. Pagkatapos ay mas lalo nilang maiintindihin ang kanilang bayan at mamahalin ang kanilang kapwa. Sila rin ay magpapasalamat para sa kanilang kalayaan na meron silang ngayon.

https://www.degruyter.com/document/doi/10.1515/9780804795388-007/pdf

--

--