Tekstong Impormatibo

Cheane Brandon De Vera
2 min readNov 12, 2018

--

Kahirapan sa Pilipinas

Ito ang isa sa mga problema ng ating bansa na hanggang ngayon ay hindi parin masolusyonan, at lubos na dapat bigyan pansin ang ganitong problema at hanapin ang mga salik kung bakit ganito ang sitwasyon ng Pilipinas

Sanhi sa Kahirapan

Isa na sa mga kontribyutor ng kahirapan ay ang mismong gobyerno natin dahil kung hindi man corrupt ay walang planong resolbahan ang ganitong problema dahil halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas ay mahihirap at nasa 11 million na pamilya ang kabilang sa kahirapan. Malaking bagay ito dahil isa tayo sa mga third world countries dito sa mundo, at mahirap umasenso ang bansang katulad ng Pilipinas

Epekto ng kahirapan sa kabataan

Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng masamang epekto sa atin lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang iba sa kanila’y hindi na nakapag-aaral sapagkat wala na silang pera pangmatrikula. Ang iba naman ay nagtatrabaho na kahit bata pa lamang sila. Nagigig kawawa ang mga ito dahil imbis na sa eskwelahan at papel at ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila. Malaking epekto ang ibinibigay nito pag dating sa kabataan at maaaring tumagal sa pag asenso ang ating bansa kung ang nakakaranas ng gamitong problema ay halos mga kabataan. Napakaraming problema ang naidudulot nito lalong-lalo na sa mga kabataan pa man din na ang kabataan ang pag-asa ng bayan . Paano pa tayo aasa sa mga bata kung sila mismo ay hindi nakapag-aral.

Maaring Solusyon

Ang tanging solusyon nalang ng ating bansa para dito ay nagsisimula sa kabataan, dapat iimprove ang systema ng education ng ating bansa at karamihan sa mga mahihirap ay di nakapagtapos ng pag aaral. Napakalaking bagay ng education para umasenso ang bansa kaya dapat bigyan pansin ito ng ating gobyerno at hanggat sa maaari ay mabawasan ang poverty sa pilipinas.

--

--