it feels so scary getting old

hiraya ౨ৎ
2 min readJun 24, 2024

--

Inside Out 2 (2024)

Normal bang makaramdaman ng kaba at lungkot sa mismong kaarawan ko? Ayokong tumanda. Natatakot akong dagdagan ang edad ko.

As I watch the Inside Out 2, nakita ko kung paano tumanda si Riley at kung ano ang mga pinagbago sa kanyang pagkatao pisikal man, emosyonal at mental. I saw her struggling to control her new emotions, which are often seen during the puberty stage as the beginning of becoming an adult.

And as a girl who has anxiety, nakikita ko ang repleksyon ng aking sarili sa karakter ng nasabing palabas. Kung kaya’t natatakot muna akong tumanda sapagkat alam kong mas malaking pagbabago ang aking haharapin sa paglipas pa ng ilang mga taon.

Ako’y kinakabahan din sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang laki ng responsibilidad na kailangan kong gampanan sa oras na ako’y nasa wastong edad na.

The idea of every second, minute, hour and day that continues passing by is what gives me fear about my future. Paano kung hindi ko maabot ang mga pangarap ko sa buhay? Paano kung mabigo ko ang mga taong nakasalalay sa akin?

Mayroon bang paraan upang manatili lamang ako sa edad ko ngayon?

Sa tuwing nadaragdagdagan ng isang taon ang aking edad ay para bang nadaragdagan din ang bigat ng mga suliraning pasan-pasan ko magmula nang ako’y onse anyos pa lamang.

Natatakot akong tumanda sapagkat sa tingin ko, ang batang ako sa aking kalooban ay hindi pa handang magbago.

I am afraid of adding years to my age, not because I dislike the idea of aging, but because I am terrified that the number of my years will keep increasing, yet my inner child will never heal.

--

--

hiraya ౨ৎ

—🍓౨ৎ𖦹.✧˚ a glimpse of words that hadn't been expressed yet was written only on my notes app 💌⋆ ౨ৎ ˚