Sabit

Lumaki sa pamilyang nag-aabang

Nang katapusan ng skwela upang ika’y mapagyabang

Sa mga medalyang natatanggap na abot bewang

Na sayo’y walang halaga dahil napipilitan lang

Ilalim ng mata’y nangingitim

Gising sa kalagitnaan ng dilim

Nagsusulat at nagbabasa hindi alam ang uunahin

Para sa medalya ng pamilya, ito palagi ang sasabihin

Kaya’t hanggang pagtanda’y iyong daladala

Boses nila palagi ang iyong naaalala

Hirap at pagod ay iyong kinakaya

Tulo ng luha’y punasan, kapag pinahiya kanila.

Ngayo’y kolehiyo ka na

Higit na sabik sika sa iyong medalya

Wala silang pake sa hirap na iyong dala

Ang mahalaga ay ang masabitan ka

Kaya’t ikaw na ang gumawa ng inaasam na medalya

Na hindi nila makikita at natatangi sa iba

Tinulak ang upuan at ika’y nasakal na

Natagpuan ang mensahe mo na para sa kanila

Nay, Tay ako na po ang sumabit sa inyong pangarap na medalya.