Mara Clara (2010–2011)

Buod:
Nang isinilang sina Mara at Clara, sila ay pinagpalit, at ang detalye ng pangyayaring ito ay itinala ni Karlo, isang manggawa sa ospital. Namuhay si Mara bilang pobreng anak nina Susan at Gary David samantalang si Clara ay itinuring na tunay na anak at namuhay sa piling ng mayamang sina Amante at Almira del Valle. Nagpasyang kunin nina Amante at Almira bilang kasambahay si Mara at dahil sa taglay nilang kabaitan, pinag-aral pa nila si Mara nang hindi nalalamang siya ang tunay nilang anak. Sinang-ayunan naman ito ni Gary, na isang lider ng sindikato, pinagplanuhan niya na ang pagtira ni Mara sa mga del Valle ay isang daan para makapanikil siya ng salapi. Samantalang pinahirapan naman ni Clara ang buhay ni Mara dahil sakanyang palagay ay kinukuha ni Mara ang atensyon ng mga del Valle. Kinalaunan, malalaman din ang katotohanan at magbabayad din ang may sala.
Mahahalagang Tauhan:
Mara David/del Valle
Clara del Valle/David
Gary David
Almira at Amante del Valle
Kaugnayan na Isyung Panlipunan:
Ipinakita dito ang hindi pagiging makuntento ni Gary sa buhay na mayroon siya. Umabot sa punto na sumali siya sa isang sindikato upang makapanikil ng maraming salapi. Bagamat may trabaho naman si Susan, ang paglalaba, hindi ito sapat para may maibayad sa matrikula ni Mara. Dahil din dito, sa murang edad, namasukang katulong si Mara upang makatulong sa gastusin nila. Dito masasalamin ang kahirapan at kakulangan ng pagbibigay pansin sa mga sindikatong nagaganap sa bansa. Dagdag pa rito, dahil din sa kasilawan ng ibang tao sa pera, hindi nabibigyang hustisya ang may sala.
Mensahe:
Ang mensahe ng teleseryeng ito ay piliin pa din ang pagiging mabuti sa kabila ng lahat ng hinaharap mong problema. Matuto din tayong makunteto sa kung anong mayroon tayo. Pumili ng maayos at marangal na trabaho. Ang pagiging gahaman at sakim sap era ay walang magandang maidudulot.