Be Careful With My Heart (2012)

Buod:
Pangarap ni Maya dela Rosa maging isang flight stewardess habang ang kapatid nyang si Cristina Rose ay nais na magtrabaho sa barko. Isang maulang gabi, habang inaayos ni Cristina ang bubong, nagkaroon ng aksidente na naging dahilan ng pagkabali ng kanyang buto. Naging hadlang ito upang matapos ang kanyang kurso at tuluyan nang hindi nakapagtrabaho. Mula dito, malaki ang halagang kailangan nilang bayaran sa ospital kung kaya’t nagdesisyon si Maya na magtrabaho sa ibang bansa. Ngunit sa kasamaang palad, siya ay niloko ng recruiter niya. Sa pagbalik ni Maya sa Maynila, nakilala niya si Richard Lim. Inalok niya si Maya bilang isang kasambahay sa kanyang tahanan upang alagaan ang kanyang mga anak kapalit ang pagtulong na tuparin ang pangarap niyang maging isang flight stewardess.
Mahahalagang Tauhan:

- Jodi Sta. Maria bilang Maya Dela Rosa : Siya ay isang simpleng babae na nakatira sa probinsya kasama ang kanyang pamilya. Ipinakita niya ang hindi pagsuko sa mga problemang naranasan niya at ang pagiging determinado sa pagkamit sa pangarap.
- Richard Yap bilang Sir Chief: Si Sir Chief ay kilala bilang strikto. Ipinakita niya dito sa teleserye ang kanyang kabaitan kay Maya dahil tinulungan niya ito na maabot ang inaasam na pangarap.
Kaugnay na Isyung Panlipunan
Ipinakita dito ang kalagayan ng buhay ng pamilya ni Maya sa probinsya. Simple lamang ang pamumuhay nila at kontento na sila doon basta buo ang pamilya. Ngunit, hindi naiwasang sila ay magkalayo ng landas dahil sa aksidenteng natamo ng kanyang kapatid. Bagama’t isang tour guide si Maya sa kanilang lugar, hindi ito sapat upang mabayaran ang pagkakautang sa ospital kung kaya’t napagdesisyunan niyang lumuwas ng Maynila upang magtrabaho. Dito nasalamin ang kahirapan at kakulangan ng sweldong sasapat sa kanilang pangangailangan sa teleserye. Napipilitang umalis ang isang tao upang maghanap ng trabaho at matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay.
Mensahe
Mensahe ng teleseryeng ito na magkaroon ng positibong pananaw sa buhay at huwag hayaang makulong ang sarili sa problema. Tayo’y maging matapang na harapin ang mga pagsubok sa buhay katulad ni Maya. Dahil sa sipag at tiyaga niya sa pagiging kasambahay, nabayaran na niya ang pagkakautang sa ospital. Bukod dito, natupad din niya ang pangarap niyang maging isang flight stewardess sa tulong ni Sir Chief.
