Telos Safe Quickstart

cryptogeegee
5 min readOct 27, 2022

Ang Telos Safe ay ang pinakapinagkakatiwalaang platform para pamahalaan ang mga digital asset sa Telos network.

Pangkalahatang-ideya

Tatalakayin ng gabay na ito kung paano ka makakagawa ng sarili mong MultiSig wallet sa Telos EVM at gamitin ang Gnosis Safe Help center upang maunawaan ang lahat ng functionality na ibinibigay ng MultiSig interface na ito.

Ano nga ba ang Telos Safe?

  • Ang Telos Safe ay fork ng Gnosis Safe. Ang code ay eksaktong kapareho ng Gnosis Safe, ang kaunting pagkakaiba lamang ay mga link na maaari mong mapansin sa help center ng Gnosis Safe.

Ang Telos Safe ay nagbibigay-daan sa mga user na ligtas na mag-imbak ng mga Telos minted asset (ERC-20, ERC-721, ERC-1155) at TLOS sa EVM. Ang Safe ay isang Multisig account na kinokontrol ng mga signer key nito. Mangyaring sumangguni dito upang matuto nang higit pa tungkol sa Telos Safe Multisig application.

Mga kinakailangan

Sa gabay na ito, gagamitin natin ang mga sumusunod:

  • Telos Testnet
  • Ang Telos Safe UI sa https://safe.telos.net/, na may mga setting na pinili sa Telos Testnet
  • TLOS testnet tokens: kunin dito o kaya ay basahin ang guide na ito, para malaman kung paano makakuha ng TLOS testnet tokens.
  • MetaMask

Kung wala ka pang MetaMask i-install lamang ito.

Gumawa ng Safe (multisig wallet)

Gagawa tayo ng bagong Safe sa Telos EVM! Siguraduhin na ikaw ay nasa Telos testnet para sa pagkakaroon ng isang mahusay na pag-unawa.

  1. ) I-click lamang ang “Create New Safe” upang simulan ang proseso.

2.) Ikonekta ang isang signer wallet at pumili ng network. Gagamitin natin ang Telos testnet dito.

3.) Kapag may napili na tayong wallet, maaari na nating simulan ang proseso ng pag-set up ng ating Safe sa pamamagitan ng pag-click sa “Create New Safe”. Una, kakailanganin nating bigyan ng pangalan ang ating bagong Safe wallet. Ang pangalang ito ay lokal lamang na nakaimbak sa iyong computer at hindi kailanman ibinahagi sa anumang third party.

4.) Piliin ang “Signers”, i-set ang pangalan ng iyong “owner name”. Huwag kalimutang punan ng wallet address ang “Owner Address” na konektado sa iyong primary account ng Metamask.

Tandaan: Kung gusto mo, maaari kang magdagdag ng mga pahintulot sa mga karagdagang account sa iyong Metamask upang subukan ang functionality.

5.) Review Safe Owners: May opsyon kang magdagdag ng mga karagdagang owners upang kumpirmahin ang mga transaksyon at matukoy kung ilang owners ang maaaring kailanganin upang kumpirmahin ang isang transaksyon. Depende sa iyong layunin ng Multisig, kakailanganin mong magdagdag ng mga karagdagang owners. Para sa isang indibidwal na naghahanap upang protektahan ang mga NFT o ERC-20 sa network ng Telos. Ang pinupunto dito ay napaka flexible at mahalagang unawain ito para sa iyong multisig usecase. Aprubahan ang bagong “Safe” transaction.

6.) Kumpirmahin ang transaksyon sa Metamask.

Dapat makatanggap ng “Safe Created” na Notification!

Karagdagang Gabay sa Seguridad

Ang isa sa mga pinakamahusay na kagawian sa paggawa ng bagong Safe ay ang pag-unawa kung bakit kailangan mong magtakda ng threshold na mas mataas sa 0 at magdagdag ng mga karagdagang owners na pinagkakatiwalaan o ang magpapanatili nito katumbas mo.

7.) Magdagdag ng Mga Karagdagang owners sa Ligtas. Sa kaliwang bahagi ng browser, mag-scroll pababa sa pahina sa mga setting, at i-click ang drop-down na arrow. Magpatuloy sa Mga owners. I-click ang Magdagdag ng “new owners”.

Mag-navigate sa Mga Setting

Tingnan ang “Add owner” sa menu

Mag dagdag ng “Owner name” at “Owner address”

8.) I-set ang threshold para sa kung ilang may-ari ang magkukumpirma ng isang transaksyon. Tandaan na ang pagdaragdag ng may-ari ay mangangailangan lamang ng .06 TLOS sa transaksyong ito.

Upang magdagdag ng owners sa Safe, dapat ay gumagamit ka ng signer account (be an owner)

Ngayong nagdagdag ka na ng ilang owners at natukoy ang limitasyon para sa iyong Safe. Panahon na upang higit na mag explore sa mga features. Tingnan ang gabay sa feature sa ibaba para sa higit pang mga mapagkukunan ng kaalaman.

Wag din kalimutan ang Gnosis Safe help center

Mga FAQ para sa Telos Safe

Ano ang gagawin ko kung nawalan ako ng access sa aking Safe?

  • I-paste ang address na una mong ginawa ang Safe o nakipag-ugnayan ka sa Teloscan Block Explorer upang mahanap ang Safe. Tandaan: Ang Contract function na ginagamit para sa paggawa ng Safe ay createProxyWithNonce ang kontrata na nakikipag-ugnayan sa paggawa ng bagong Safe ay tinatawag na GnosisSafeProxyFactory.

--

--

cryptogeegee

HODLING a CRYPTO is like HOLDING on to a relationship, you’ll never know where will it take you. ✨