RUSH SALE: A Dream Life (Chapter V — of The Adventures of a Rookie Real Estate Broker (tg-ph)

“Ma, andami namang kotse ng kapitbahay natin, lima. Bukod pa ro’y may swimming pool din sila. Kailan kaya tayo yayaman katulad nila?”

Yan ang naiisip ko noong ako’y bata pa.

Ang tinutukoy kong bahay ay yung bahay ng aming kapitbahay na ang katumbas ay anim noong bahay namin. Mayaman sila sadya.

Kay dali nga namang malinlang nang murang kaisipan at kay dali nga namang maglaho ng mga bagay sa mundo. Sabi nga sa kanta, “Dust in the wind. All we are is dust in the wind.”

Bilang broker ng bahay at lupa, maaari akong makapagbili sa kahit anu mang lupalop ng Pilipinas. Siguro, ang tanging lugar na hindi ko nanaiising mapuntahan ay ang Spratlys. Pero sa kabilang dako ay kung minsan, napagbubulayan ko rin iyon. :)

Teka, nasaan ang Chapter IV?

Ang tawag ko diya’y “The Missing Chapter”. Bilang manunulat, natural sa akin ang isiwalat ang katotohanang taglay ng aking kabuuang pagkatao. Ngunit bilang propesyonal, may mga bagay na hindi ko maaaring isiwalat o ibahagi — sa ngayon. Siguro, kapag ako’y buhay pa matapos ang 30 taon, ay baka maisulat ko ang Missing Chapter na yan.

Sa ngayon, siya’y nakapaloob sa Draft ng aking isipan.

“Dream Homes Para sa Pilipino”

Ilan beses ka na bang nakakakita ng katagang iyan sa facebook o sa dyaryo?

“Wow! Ang ganda ng bahay.” Buklat ko sa dyaryo, “Balang araw mabibili ko rin yan!”

Dun sa litrato, nakangiti ang poging tatay, habang nasa likuran niya ang magandang maybahay kalong kalong ang batang nakangiti din. Pawang napakasimple ng buhay. Yun tipo bang, pogi ka na, maganda asawa mo, cute ang anak niyo, maganda ang bahay niyo at wala kayong kaproble-problema. Ika nga e, “They lived happily ever after. The End.”

Sa tingin mo mabibili ng pera ang ganyang buhay?

Madalas sa hindi, ang ganoong katotohanan ay bibihira lamang. Bandang huli, nasa Pilipinas pa rin tayo. Nakakalungkot mang tanggapin ay, iyon ang totoo. Na sa mahigit tatlompung taon na nabuhay ako dito, lumipas ang EDSA I, EDSA II, EDSA III at INC rally — tila mas lalong gumugulo ang pamumuhay dito. Lalo na at 100 million na tayo.

Hep! Hep!

Wag mong ikakaila, dahil kung hindi totoo yan ay hindi pipilitin ng madla ang mga tao tulad ni Rodrigo Duterte na kumandidato bilang pangulo ng Pilipinas. Aba baka pag kumandidato at nanalo nga yan ay, magkaroon ng mga branch ang Davao Death Squad. Tiyak ko, maraming gustong magpa-franchise niyan. Magkakaroon ng Las Pinas Death Squad, Makati Death Squad at kung ano-ano pa — legally sanctioned dahil “kaayusan daw ang gusto ng mga Pilipino” at kamay na bakal ang dapat sa mga matitigas na ulo… tsk tsk tsk…

Mahirap mamuhay ng maalwan sa Pilipinas. Period.

“So ano, Danny, hindi na lang ako bibili ng bahay? Yan ba ang sinasabi mo?”
Aba e, kailangan kong kumita. Sabi nga ni Warren Buffett, “Don’t ask a barber if you need a haircut.”

In Filipinese, “Huwag mong itanong sa barbero kung kailangan mo ng peluka, este, magpagupit.” Dahil sigurado ang sasabihin niyan ay “Oo! Kailangan mo!”

Pero balik tayo sa paksa ng chapter na to, “Pangarap na Magandang Buhay.

Kung iisipin mo, paano maibibigay ng isang hamak na real estate broker ang pangarap mong magandang buhay? Bahay lamang ang kaya naming ipagbili.

Iniisip ko rin yon, lalo na pag gumagawa ng mga advertisement. Kasi ano pa nga ba ang choice namin di ba?

Naalala ko tuloy yung isang kwento tungkol sa isang “ahente” at buyer ng condo.

Tanong nang buyer, “Ikaw, kapag naghirap ka ng limang taon sa abroad, malayo sa mahal sa buhay, nagtiis, nagipon, hanggang sa nagkaroon ka ng pambili, bibilhin mo ba itong binibenta mo?”

E kung hindi ba naman jeproks yung ahente, ang sabi ba naman ay,

“Naku hindi noh. Op kors not! Ako pa!”

Kwenk, kwenk, kwenkkkkkkkkkkkkkkk…

Gets niyo ba? Syempre foot your best put forward. Yun ang kalakaran e. Pero sa mga panahon ngayon, may Internet naman kaya pwedeng pwedeng magresearch ang mga tao.

Syempre, kung ako ang tatanungin mo tungkol sa isang property, ilalahad ko sa’yo ang katotohanan. Ganun ako e.

I will truth in your face.

Pero syempre, I will also truth nicely presented.

Pwera biro, bwisit na bwisit ako pag gumagawa ang mga developer at kapwa broker ng mga ilusyon na gustong gusto naman ng mga madla. Yun ang aking moral dilemma ngayon sapagkat na-realize ko ang isang matinding katotohanan:

“Maganda nga ang bahay mo, mayaman ka nga, nakatira sa first class subdivision pero kung ang mga nasa paligid mo ay parating nagkakagulo at halos maghikahos para mabuhay — anong klaseng Pangarap na Buhay yon?”

“Walang nabubuhay para sa sarili lamang.”

Mahirap mabuhay ng maganda kapag nakikita mong nagugutom at naghihirap ang maraming kapitbahay, kanayon at kababayan.

Kahit lumipat ka sa Ayala Alabang o Alabang Hills, pag labas na paglabas mo dun lang sa Alabang Zapote Road, makakasakay ka ng jeep at may mga Badjao na edad 6 to 10, kumakanta ng kahit ano, nagaabot ng sobre sa iyo, makakakain ka pa ba sa mamahaling restoran niyan? Makakatulog ka pa ba ng mahimbing sa water bed mo, sa loob ng malaki mong mansion, sa loob ng exclusive gated subdivision na may zonal value na 90,000 pesos per square meter?

“Hindi.”

“Ibabaon at ibabaon mo yan sa limot, bisyo at kung ano anong kahibangan at distraksyon.”

PAG-ASA

Philippine Atmospheric Geophysical, aba, nakalimutan ko na. Pinamemorize yan sa’min nung grade school e.

Anyway, ang una kong tinignang solusyon sa dilemma na ito ay ang pulitika.

“Pagbabago.”

Sa dinami-rami ng mga mararamdaming nating mga pulitiko, ang bagay na hindi nila binabanggit ay heto:

source

Alam naman natin na yan ang pinakapaboritong salita ng madla.

“Pagbabago.”

Anong babaguhin?

Prisidinti.

Bakit?

Para umunlad, maging first world country ang Pilipinas.

Paano niya gagawin yon?

Ra-ratratin lahat ng mga kurap, mandurukot at bibigyan ng isang milyon lahat ng Pinoy habang hihimasin at lalamasin ang mga Pilipino gamit ang kamay na bakal.

Toink.

Ok lang.

Lahat naman ay may adhikain at paniniwala tungkol sa kung ano ang kailangang gawin sa bayan natin para maging “first world” at first class..

Kaya parang naging Messiah tulay ang binoboto nating pangulo, “Tagapagligtas ng Sanlibutan, Grace Defensor-Binay for Messiah!”

Pati tuloy damdamin ko, natangay diyan sa kahibangang tinatawag nating eleksyon.

Pero, magkaroon tayo ng Mind-Bender. Medyo weird, pero pagbigyan niyo ako kahit sandali. Paano kaya, kung si Hesus ang iboboto nating Presidente ng Pilipinas sa 2016?

Oo na, oo na, oo na...

Alam ko na masyadong tagilid yung idea sa lahat ng dako, aspeto o panig ng kaisipan. Nilalaro ko lang yung idea kasi tila “Messiah” ata ang hinahanap nating mga Pinoy bilang Pangulo.

Naalala ko tuloy yung kausap kong broker sa Ayala Alabang. Sabi niya, kahit sinong ilagay natin sa Malacanang, ganun pa rin, kailangan pa ring makisama sa kahit anong himpilan o ahensya ng gobyerno.

“You need to dance to the music.”

Hay, pulitika. Siya nga naman.

Ang “Dream Life” sa Sirang Mundo na Ito

May sira ang mundo natin.

Ang sira nito’y wala lamang sa pisikal na manipestasyon ng ating realidad. Sapagkat, ang mga kamalian na nangyayari ngayon ay dulot ng gawa nating mga tao. Ang mga gawa natin ay mula sa ating kamalayan. At ang kamalayan natin ay nagmula sa espiritu.

Isipin niyong mabuti at matatanaw natin na ang perpektong realidad ng pisikal na mundo ay matatamo kung wala ang tao. Sino ba ang sumisira sa mundo ngayon? Tao.

Bakit?

Para sa sarili niyang kagustuhan.

Malamang sa hindi ay pagtatawanan niyo ako lalong lalo na kapag nagmistulang si Brod Pete ang tono ng aking pagsusulat. Hindi naman ako ganito dati. Pero isipin mo ng malalim, libo libong tao ngayon ang naglalakad, sumasakay ng tren, sumasakay sa barkong punong puno, para lamang malayasan ang kanilang buhay sa lupang tinubuan, sa Syria. Sa kabilang dako, ang mga refugee ng Syria ay kinatatakutan at kinamumuhian ng mga taga Europa dahil baka raw sila’y pawang Trojan Horse na ginagamit ng ISIS para maghasik ng lagim sa mga bansang Europeo.

Sa kabilang dako, milyong milyong mga Pilipino ay ganun din. Lumalayas ng bansa natin para makapaghanapbuhay sa ibang bansa o di kaya’y tuluyang talikuran ang ating pagiging Pilipino.

Sa Amerika naman na pawang langit sa lupa para sa marami ay nagkakaron ng moral breakdown. Pumapasok ang ilang mga bata para barilin ang kanilang mga kamag-aral at guro na malamang sa hindi ay hindi sila naunawaan.

Ide-decriminalize na daw ng UN ang samu’t saring mga droga, at ituturing health issue ang epidemyang ito.

Lahat na ng uri ng kabulastugang pwedeng maimbento ng tao ay nagagawa sa totoong buhay para mapanood sa buong Internet.

Kaya kung ako’y pagtatawanan at kukutyain, okay lang.

Magkakaroon lamang ng pagbabago, kung matutukoy natin ang puno’t dulo nito. Lahat naman yan, dun nanggaling — sa kasalanan ng tao. Corruption, greed, lust, envy, pride, theft, murder, etc.

SIN.

Romans 6:23 — Ang Resulta ng Kasalanan at Pagtalikod sa Diyos
23 Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Walang mababago, kung hindi nakikita ang kailangang baguhin, lalong lalo na sa sarili. Kailangang matigil ang pagkakasala lalo na kung ito’y nababahagi sa buhay ng iba.

Oo, mayroong Diyos kung ika’y nagtatanong. Bakit nangyayari ang mga bagay na hindi natin gusto? Bakit may mga masasamang loob? Bakit sangkatutak na masasamang bagay ang nangyayari ngayon?

Bunga ito ng kasalanan at pagsuway sa utos ng Diyos.

Ang sabi sa Bibliya ay si Eba ang unang nagkasala — sa aking sariling opinyon lamang, ang unang nagkasala ay walang iba kundi si Lucifer, ang pinakamagaling, pinakamaganda, pinakamatalinong anghel. (Paki sabi na lang kung ako’y nagkamali)

Isaiah 14:12–14
“12 Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14 Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan. “

Mas magaling daw siya sa Diyos. Kaya isinawalang bahala niya ang mga kautusan at ang batas.

Bukod pa ro’y HINIMOK ni Lucifer ang ibang mga anghel upang maghimagsik sa Diyos. Nang siya ay magapi, siya’y binansagang Satanas.

So gawain talaga ni Satanas ang udyukin ang iba na magkasala. Mmmmm…. Nandamay pa ano?

JOHN 3:16

16 Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
17Sapagka’t hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
18Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.
19At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa.
20Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa.

Okay…

Fine…

So…

Danny…

Asan yung sinasabi mong dream haus ba yon?

Dream Life?

Sa Ayala Alabang ba?

Parang sand castle pala ang mga “dream house” “dream haus” na yan.
Matthew 6:19
19"Do not store up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy, and where thieves break in and steal. 20"But store up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor rust destroys, and where thieves do not break in or steal;…
But store up for yourselves treasures in heaven, where moths and vermin do not destroy, and where thieves do not break in and steal.

Patay. Walang benta ang Danny niyan…

Bahala na si Lord diyan. Kita mo, wala pa namang benta pero kumakain at ayos pa rin.

Matthew 19:21
Jesus answered, “If you want to be perfect, go, sell your possessions and give to the poor, and you will have treasure in heaven. Then come, follow me.”

P.S. Anong nangyari dun sa kapitbahay namin na may limang kotse at 6 na lote ang katumbas ng bahay namin? Foreclosed. Php36 million. Buena Mano. Hindi mabenta dahil sa sobrang mahal at laki. Kasalukuyang nakatira dun ngayon ay security guard. Parang slum na sa loob noong mansion nila.

Read Chapter I of the Adventures of a Rookie Real Estate Broker