Pagsusuri ng Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag

Daphne M. de Castro
9 min readMar 7, 2022

--

Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag,

imdb.com (https://www.imdb.com/title/tt0073363/)

  • May — Akda

Si Edgardo M. Reyes ay ipinanganak noong September 20, 1936. Nakapag kolehiyo si Edgardo ngunit huminto sya pagkatapos ng dalawang buwan. Siya ay namatay noong May 15, 2012 sa Antipolo, Rizal.

Si Edgardo, kabilang sa pagiging manunulat ay isang screenwriter, Ang kanyang mga gawa ay ukol sa mga storya ng mga ordinaryong Pilipino. Isa sa kanyang mga gawa ay, Maynila Sa Kuko ng Liwanag, Uod at Rosas, at ito ay nagbibigay ng isang pahayag tungkol sa mga paniniwala ni Edgardo sa Karapatan ng mga manggagawa.

Edgardo Reyes

panitikan.ph (https://panitikan.ph/2014/06/07/edgardo-m-reyes/)

Ang kanyang mga akda ay maaaring may koneksyon sa kanyang buhay. Inilalahad niya na ang kanyang mga libro ay nagkukuwento ng nakaraang hirap nya sa buhay. Sinusubukan niyang turuan ang mangbabasa ng maaaring turo na magagamit nila. Ang mga libro na sinusulat ni Edgardo ay may posibleng kaugnay sa kanyang sariling buhay. Ipinakita ng libro at pelikula ang paghihirap ng karakter at ang kanyang paghihirap sa araw-araw. Paninindigan ni Edagrdo na ang kanyang buhay ay hindi madali at pinaghirapan niya lahat ng kanyang gawa

  • Pamagat

Sa kanyang libro na “Maynila Sa Kuko ng Liwanag”, ipinaliwanag ng libro ang mga problema ng lipunan. Isa sa mga karakter ay isang manggagawa na si Julio Madiaga na nahihirapan makapag hanap ng trabaho ng hindi siya dinadaya. Ito ay isa sa mga problema na pinapaliwanag ng libro, ang karapatan ng manggagawa at pang aabuso sa kanila.

Ang bawat salita sa pamagat ng nobela gawang pelikula na ito ay may kahulugan at simbolismo. Ang salitang Maynila sa pamagat ay maikukumpara sa gamu gamo na naakit sa liwanag. Ang mga gamu gamo ay ang mga tao na mataas ang pangarap at iniisip na sa Maynila nito makakamit. Pumupunta sila Maynila na walang baon na sapat na kaalaman, karunungan, at kayamanan na bumubunga sa isang buhay ng kahirapan. Ang liwanag naman ay tumutukoy sa mataas nila na pangarap kanilang hinahangaan pero hindi pinaghahandaan. Sinisimbolo naman ng salitang kuko ang mga paghihirap sa buhay na nakakapit sayo. Ito ay hindi mo matanggal dahil sa bigat na dinadala nito.

  • Tauhan

May limang tauhan sa Kuko ng Liwanag na nagbigay ng malaking epekto sa pelikula. Ito sila at maikling larawan kung ano ang naging papel nila sa pelikula:

  • Julio Madiaga ang pangunahing tauhan ng akda. Si Julio Madiaga ay isang tao na pwede ko ilarawan na masipag. Siya ay nagtatrabaho bawat araw upang mag ipon ng pera para sa kasal ng kanyang iniibig, si Ligaya Paraiso. Masasabi ko na si Julio Madiaga ngayon sa lipunan natin ay ang mga manggagawa na nagsisikap upang makapag ipon ng pera para sa kanilang mga pamilya.
  • Si Ligaya Paraiso, ang pakakasalan ni Julio. Siya ay isang babae na gagawin ang lahat para makamit ang kanyang mga layunin. Nung siya ay binigyan ng pagkakataon magtrabaho sa Maynila, kinuha niya. Kinuha niya ito dahil alam niya na malaki ang magiging sweldo niya doon. Masasabi ko na si Ligaya ngayon ay ang mga nanay na gusto makatulong sa mga kanilang anak at asawa sa paraan na sila ay nagtatrabaho upang makakuha ng pera.
  • Si Atong at Pol, ang mga kaibigan ni Julio. Si Atong ang kaibigan ni Julio at nagsisilbing gabay ni Julio sa kalagayan ng uring manggagawa katulad nila. Tinutulungan niya si Julio upang makamit ang pangarap ngunit siya din ay nag-aalala para kay Julio dahil mapanganib ang papasukan niyang trabaho sa Maynila ngunit si Atong ay naaresto at namatay sa kulungan. Si Pol naman ay isa rin sa mga kaibigan ni Julio na tumulong din sa kanya upang makahanap ng trabaho.
  • Mrs. Cruz, ang illegal recruiter na naghihikayat kay Ligaya upang pumunta sa Maynila para magtrabaho sa isang kainan bilang tagahugas ng pinggan. Ang sinisimbolo ni Mrs. Cruz ay nakabase sa pangalan niya na nangangahulugan na “krus” na kumakatawan na itinuturo ang mabigat na pasanin na ipinapatong niya sa mga balikat ng mga batang babae na kanyang hinihimok sa prostitusyon.
  • Tagpuan

Maynila, sa partikular ay ang lugar nina Perla na isang squatters area, ang napili na lugar ni Edgardo dahil sa mga isyung panlipunan na mahahanap dito. Ang mga isyung panlipunan na ito ay makakatulong sa progression ng mga tauhan sa kwento. Halimbawa, sa unang bahagi ng pelikula, makikita natin na ang sahod nila bawat oras ay 4 pesos. Ngayon isipin mo ito, diba maliit na nga lang yun? Hindi lang ito maliit na halaga, pero binebenta pa nila ang kanilang sweldo. Dahil dito, ang bida natin, si Julio, ay nahihirapan bumili ng pagkain at damit. Kung mapapansin mo sa buong pelikula, suot suot ni Julio ang parehas na polo parati. Isa pang isyung panlipunan na karaniwan dati ay ang kahirapan. Makikita natin ito nung pumunta sila Julio at Atong sa bahay niya para magpahinga dahil siya ay nasugatan. Makikita natin na maraming bata at tao na luma ang mga damit. Makikita din natin sa mga bahay na sira sira ang mga ito.

  • Buod at Pagtalakay

Si Julio Madiaga ay isang probinsyano mula sa Marinduque na pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran. Isang araw, siya ay nakahanap ng trabaho bilang construction worker kung saan niya nakilala si Atong at ang iba pang mangagagawa. Kaugnay nito ang pananaw realismo ay naniniwala na ang panitikan ay salamin ng kung ano ang mga pangyayari sa isang lipunan, tulad ng paghihrap ng tao sa panahon ng iyon. Kahirapan ang tema ng nobela. Pinakita ng manunulat ang lakas ng loob ng tao na abutin ang pangarap. Mayaman man o mahirap na miyembro ng lipunan ay nakakaranas ng paghihirap para lang makamit ito. Pero ang mga mahihirap at ang mga hindi nakapag-aral ay ang pinaka apektado dahil sila ay hindi makahanap ng magandang trabaho. Kapag kulang ang kaalaman ay sila ay lalamangan ng iba kaya dinadaan na lang nila sa marahas na paraan ang paglaban, kahit pa makipagsapalaran sa ibang lugar ay gagawian nila.

Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag

spot.ph (https://www.spot.ph/entertainment/54144/dark-city-maynila-sa-mga-kuko-ng-liwanag)

Isa sa mga nakasalamuha ni Julio ay si Benny na nangangarap na maging isang mang-aawit ay naging biktima sa isang aksidente na nagdulot sa kaniyang kamatayan. Nang makita ito ng amo nila, pinabayaan niya lang ito. Pinagusapan ng mga kapwa manggagawa kung saan dadalhin si Benny. Sabi ng isa na dalhin siya sa pinakamalapit na ospital, pero tumanggi bigla ang isa pang kasama, sinabi wag diyan dahil mahal ang bayad, at doon nalang sa ospital na walang bayad sa malayo. Kung itong sitwasyon ay titignan mo gamit ang pananaw realismo, na mayroong layunin na magsalaysay o magsaad ng mga totoong pangyayari sa buhay, makikita mo na ito ay salamin ng realidad. Hindi lamang kathang-isip ito, dahil maraming mamamayan ang nakakaranas at dumadaan ng ganitong sitwasyon sa totoong buhay. Dahil sa kakulangan ng programa na nagbibigay gabay sa mga mahihirap sa mga sitwasyong medikal, maraming tao ang pumapanaw. Nahihirapan sila maghanap ng ospital na hindi mababaon sa utang sa sobrang laki ng magiging bayarin.

Sa isang bahagi ng pelikula, si Julio at si Atong ay pumunta sa isang kainan. Habang sila ay kumakain, may isang babae na nagtatrabaho na nakahulog ng mga pinggan. Dahil dito, nakita ito ng kanyang amo at siya ay pinalo at minurahan nito. Kung tingnan mo ito gamit ang pananaw realismo, makikita mo na ito ay hindi lamang gawa gawa bg awtor, kundi ito ay totoo. Sa kasalukuyan natin ngayon, ang pang aabuso sa mga trabahador ng mga amo ay nangyayari pa rin ngayon. Nakakalungkot isipin na halos marami sa kanila ay natatakot magsumbong sa pulis dahil pwedeng bayarin ng mga amo ang pulis para hulugin ang kaso. Nakakalungkot din isipin na ang mga nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon ay halos lahat babae.

Habang naglalakad si Julio sa lungsod, may nakita siyang babae na inakala niyang si Ligaya. Nung sinundan niya ang babae, nalaman niya na si Ligaya nga ito, at ito ay kinausap niya. Nagulat si Ligaya dahil siya ay nahanap ng kanyang mahal. Sila ay pumunta sa isang hotel para sila ay makatulog ng magkasama sila. Sinabi ni Ligaya kay Julio na hindi maganda ang sitwasyon niya sa Maynila. Siya ay pinilit na ikasal ang isang tao, si Ah Tek. Mula noong sila ay kinasal, nagkaroon ng mga anak si Ligaya. Ang sapilitang kasal ay isang problema na nangyayari hanggang ngayon. Ang pagkasal ng dalawang tao kung saan hindi pumayag ang isang tao ay nakakadiri isipin. Pwede naman sila mag divorce, kaso pwede hindi pumayag ang asawa. Kung hindi pumayag ang asawa, pwede ito dalhin sa hukuman, pero ito ay mahal. Ang pwede mo lang gawin ay hindi umalis, o dalhin ito sa hukuman.

Ng malaman ni Julio ang nangyari kay Ligaya, sinabi niya sa kanya na sila ay tumakas nalang. Sinabi naman ni Ligaya na mahirap tumakas dahil una, sinubukan niya na tumakas, pero siya ay nahuli, pangalawa, may mga anak sila ni Ah Tek. Pinilit ni Julio na subukan parin ni Ligaya dahil alam niya na pag sila ay nakatakas, hindi na sila maabala kay Ah Tek. Sa huli, pumayag sa plano si Ligaya. Sila ay tatakas pagdating ng alas tres ng umaga. Habang sinusubukan ni Ligaya tumakas, siya ay nahuli ni Ah Tek, at dahil dito, pinatay niya si Ligaya. Sa kasalukuyan natin ngayon, maraming tao ang pinapatay ng walang nakakaalam kung sino ang gumawa. Mahirap din alamin kung sino dahil ang daming paraan na pwedeng itago ang ebidensya kung saan nagsasabi kung sino ang pumatay sa isang tao. Mahirap din alamin dahil maraming paraan kung saan pwede pataying ang tao at sabihing aksidente lang ito.

Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag,

tuhatleffaa.blogspot.com (http://tuhatleffaa.blogspot.com/2020/03/maynila-sa-mga-kuko-ng-liwanag-manila.html)

  • Konklusyon

Maganda ang pagkakagawa ng pelikulang “Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag” o “Manila in the Claws of Light” dahil mahusay ang representasyon nito ng Maynila kung saan naganap ang karahasan, korapsyon at pagsasamantala sa mga mahihirap na itinakda noong panahong diktaturyal. Dapat ito ay panoorin ng marami upang maging mulat sa isyung panlipunan at ano ang katotohanan. Tinatalakay din ng pelikula ang pagsubok at hirap ng mga naranasan ng mga miyembro ng LGBTQIA+. Kung iisipin ang mga karanasan ng mga bida rito ito ay mahirap at masakit, marami ang mga katulad ni Julio at Ligaya ngunit ganito talaga ang nangyayari sa totoong buhay noon hanggang ngayon. Sa usapang pelikulang Pilipino, nananaig nito ipakita ang mga isyung politikal, ekonomikal at iba pang isyu na magmumulat sa mata ng bawat Pilipino. Hindi nagdalawang isip ipabahagi at ilarawan ang ganitong klaseng pelikulang Pilipino na kontrobersyal na tema, kung ano gusto nila ipamahagi sa bawat Pilipino at yun ang gagawin nila upang iparating sa atin ang katotohanan. Sana bigyan ng pansin ang pelikulang Pilipino at suportahan ang lokal, ang pagkakalantad o pagsasanayin ang sarili sa mga pelikulang Pilipino ay nakakapagbigay ng kahulugan at pananaw.

Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag

imdb.com (https://www.imdb.com/title/tt0073363/mediaindex/?ref_=tt_mv_close)

  • Rekomendasyon

Ang maaaring irekomenda na benepisyo para sa mga manggagawa katulad ng mga tauhan sa pelikula ay saklaw ng medikal o kalusugan, mental at emosyonal na saklaw sa kalusugan. Sa pelikula, may isang pangyayari kung saan may isang manggagawa na nahulog sa mataas na lugar. Imbis na dalhin siya sa malapit na ospital, siya ay dinala sa malayo na ospital dahil walang bayad doon, kung saan ang mas malapit naman ay sobrang mahal. Makikita natin dito na hindi lahat ng tao ay pwedeng makabayad sa ospital. Maganda ang isang programa kung saan binibigyan ng ayuda ang mga manggagawa dahil sila ang merong mas malaki ang tsansa na makaranas nito. Makakatulong din ito sa mga manggagawa para sila ay hindi mabigatan sa pagbayad nito.

Sanggunian:

https://journals.upd.edu.ph/index.php/lik/article/viewFile/1909/1816

https://en-academic.com/dic.nsf/enwiki/1762934

https://philippinesgraphic.com.ph/2021/06/02/2-writers-manuel-e-arguilla-edgardo-m-reyes/

--

--