MY CHILDHOOD SNACK COMES BACK AT THE RIGHT TIME.
Nakakaloka. Parang kailan lang. Kasama ko yung pinsan ko, si Ate Daisy, tuwing gabi kumakain kami ng chichirya na binila ni tita sa supermarket pag weekend habang naunuod ng koreanovela o replay na pelikula sa t.v noon. Dati, madalas ako magpabili ng Nooda Crunch.
Simula nung una siyang lumabas sa merkado hindi pwedeng di ako makatikim ng isang balot tuwing weekends. Madalas cheese ang flavor na pinapabili ko. Para siyang hilaw na instant noodles, tapos may maliit na pakete sa loob, powdered flavor ang laman nun. Pagkatapos durugin, ihahalo at isheshake yun sa chichirya tapos voila! Maalat-alat, cheesy, malutong at malasang Nooda Crunch! Masarap yung.. bawat kain mo pana-panay mong dinidilaan yung daliri mo sa daming nadikit na flavoring. Akalain mong ang huling kain ko ng Nooda Crunch, elementary pa lang ako. Ngayon, nagkatagpo kami ng landas sa di inaasahang lugar at pagkakataon. Sa 7-eleven katapat ng academic library na pinag-o-OJT-han ko nakita yung childhood favorite snack ko. Sa isip isip ko nun nung makita ko siyang nakahilera sa mga mani at champoy, “EMEGED. NOODA CRUNCH. LONG TIME NO SEE. Plus, bumaba na pati presyo mo, P10.00 ka na lang. NICEEEEE!!!” Laking tuwi ko. Parang bata, kinuha ko siya sa mga chichirya at pumunta agad sa cashier na ngiting-ngiti. Oo na. Mukha na akong tanga that time. Wala akong pake kung mamukhaan ako ng mga estudyante sa pinapasukan ko na bumibili rin doon. Basta ako, kasama ko na si Nooda Crunch. Natikman ko ulit siya. Sumaya nang bahagya ang araw ko. :D