Diana Mae Azur Delacruz
2 min readFeb 28, 2018

KALAYAAN SA KAHIRAPAN; KAILAN MAKAKAMTAN?

Isang bansang malaya na raw?
Ngunit tila nakagapos naman
Sa hirap ng buhay na aming kinalalagyan
Maituturing nga bang kalayaan?

Sadlak sa hirap Pilipinas kong bayan
Kapos-palad ang mga mamamayan
Kaya’t edukasyon ay hindi mapahalagahan
Bunga nito ay manatili sa kamangmangan.

Kahirapaan parin ang siyang dahilan
Kaya’t krimen ang kanilang pinagkakaabalahan
Akala nila ang kalam ng tiyan ay kanilang mapupunan
Subalit ang katotohan pinagtataksilan sariling bayan.

Paano nga ba makalalaya sa kahirapan?
Para itong malaking kulungan
Na siyang silbing harang sa aming daraanan
Nang tagumpay ay tunay na makamtan.

Paano nga ba ito lalabanan?
Para bang walang kamatayan
Itong kahirapang mistulang piitan
Tayo ba ay wala ng kalayaan?

(ENGLISH TRANSLATION)

FREEDOM IN POVERTY; WHEN WILL IT BE?

A free country?
But seems it was chained
In this hard life that we belong
Can it be consider as freedom?

Been in poverty my beloved Philippines
Unfortunate citizens
That is why education is not valued
The caused is foolishness.

Poverty is also the reason
For them to pursue doing crimes
They thought it feed their hunger
But truth is they betrayed their own country.

How can we really free from poverty?
It is like a huge prison
Serves as an obstacle in our way
To really reach the success.

How can we defeat it?
It seems never ending
In this dungeon of poverty
Can we really be free?