Manong Wag Po!
.,coronation q na kinabukasan nun!!!minsang lang mangyayarg na aq ang magiging bida sa isang entablado - hindi naman aq kagandahan!!!kaya kahit papaano dapat paghandaan ang araw na aq ang reyna.. hindi sapat ang simpleng gown lang dapat mapansin ng lahat na aq ang karapat-dapat!!!
.,kaya hapon ng nobyembre 5 1996 ako at ang aking gurong si binibining roldan ay dalidaling naghanap ng gwantes na babagay sa aking kasuotan!!!hindi naman kami nabigo pagkat ginabi man ay magarang gwantes aming natagpuan...
.,hanggang sa panahon ng uwian, aking guroy kailangan ng lumisan at akoy umuwi ng mag-isa lamang..
.,wala naman sanang problema kung hindi wirdo ang manong driver na aking nakuha, panay tanong ng kung anu-ano ang aking napala, ayos sana kung ganon lng ngunit si manong ay umiba ng daan!!!likuang hindi naman tama ang napadparan, hininto nya sa tapat ng isang bahay sabay sabing baka pwedeng kami'y makapag-usap ng panandailan lamang!!!sa takot koy nahawakan q ang liyabe de tubong nasa aking harapan, naiwang nakabuyangyang ni manong sa lalagyanan ng baryahan..sabay sabi kong hindi pwede pagkat hinihintay na ako ni ma'am(oo ma'am nga ang nasabi q, sa sobrang takot siguro o dahil si ma'am ang huling kasama q)!mata ni manong sandaling nabaling sa aking kanang kamay, pagkat lyabe de tubo nyay mahigpit kong pinagkakahawakan
.,hindi q alam kung ano ang kakayanin kong gawin sa ganong pagkakataon...pagkat takot ang naghahari sa aking kabuuhan!!!tibok ng pulso koy di na mabibilang..sa kabay waring di q napansin ang kinaroroonan...
.,buti nalang si manong mukhang nagbago ang isipan!?dahil sa aking hawak ay biglang umabante patungo sa terminal..
.,nakauwi ako ng maayos, pero sa kadaldalan, kagad nagsumbong sa aking tatay, sabi koy may bumastos sa aking driver at dinala ako kung saan..tatay koy dalidaling kinuha ang kanyang baril sa lalagyanan, sabay hatak sa akin patungo sa terminal...balik sa dati ang kaba sa dibdib q sa takot na ang tatay koy makapatay ng dahil sa kagagawan..buti nalang si manong mukhang nagtago..kaya umuwi kami pabalik ng tatay q..
.,akala ko tapos na lahat noong gabing iyon ngunit hindi pala dahil ilang buwan lang ang nakalipas si manong ay bumisita sa eskwelahang aking pinapasukan, sabay upo sa pwestong tanaw ang aking silid aralan..hindi ko alam kung kani-kanino pero may iilang kamag-aral ang aking nasabihan, wari kong hati ang naniwala sa aking kwento..sa mga panahong iyon q naalala ang kung saan ako hininto si manong ewan, sa harap pala un ng gate ng dati qng kamag-aral na si florida..at kakasagot ng tanong ni manong nasabi q pala kung saan ako nagaaral, kaya ayan pagdusaan q ang aking kadaldalan...
.,parehong school year, nasakyan q ulit ang tricycle ni manong, papuntang ever para bumili ng pamproject, si manong ay pilit akong pinapasakay, at hindi q masabi sa mga tao sa terminal na siya ang driver na ngdala sa akin kung saan..kaya patay malisya, sakay ako sa upuaang pambata, malakas ang ulan, at likod ko ay nabasa ng tuluyan, hanggang sa naramdaman kong hinihimas nya ang aking likuran, oo habang ngdadrive sya ay nagagawa nyang himasin ang aking likuran..paulit ulit habang sinasabing kawawa ka naman..
.,nakalipas ang ilang buwan, hindi q na siya napagpapapansin sa aming lugar, hanggang sa isang araw, nakita q siyang kausap ang aking tatay, sabay ngiti sa aking kinatatayuan..hindi q alam kung ano ang aking nararamdaman, ngunit buong katawan koy nanlamig na parang yelo lamang..nagawa nya pang ngumiti, at makipagusap sa aking...na parang walang siyang nagawa na kung ano!!!
.,sa mga panahong iyong, wala akong maisip na maganda, kung magsusumbong ako sa tatay q alam kong makakapatay siya, kung sa pulis namay di q alam kung mapapaniwalaan ako..ang dose anyos na pagiisip ay gulong gulo kaya nanatiling tahimik ako..
