Got To Believe (Teleserye 2013)

Eunice Linesez
2 min readSep 10, 2018

--

Ang “Got to Believe” ay isang drama patungkol sa kuwento ng pag-ibig. Ipinalalabas ito noong Agosto 26, 2013 at nagtapos noong Marso 7, 2014. Kung saan ginanapan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Manilyn Reynes, Benjie Paras, Carmina Villaroel at madami pang iba.

Buod

Ang palabas na ito ay naglalaman ng kuwento ng pag-ibig kung saan ang magkababata na sina Chichay Tampipi at Joaquin Manansala ay naging magkasintahan. Si Chichay ay lumaki sa isang peryahan na naniniwala sa mahika at na papaligiran ng mapagmahal niyang pamilya. Si Joaquin ay isinilang na mayaman na nakatira sa isang mansyon pero nakakulong sya palagi sa kwarto at di makalabas para makihalubilo sa ibang tao. Sila ay naghiwalay ng matagal na panahon sa pamamagitan ng isang nakakatakot na aksidente na nag resulta ng pagkalimot nila sa isa’t isa sa maikling panahon. Ngunit ang kapalaran ay tila mapagbiro ito ang nagpanatili sa kanila upang magkalapit at magkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Ngunit ang pag-ibig na wakas ay hindi kailanman nabigo para tugunang muli ang tungkulin upang mamuhay ng magkasama at maligaya.

Mahalagang Tauhan

  • Chichay Tampipi- mahilig magpinta pero kahit na mahirap man ang buhay nila “Never say die.” ang motto niya.
  • Joaquin Manansala- matapobre ngunit may tinatagong angking galing at katalinuhan.
  • Betchay Tampipi- Ina ni Chichay at “Mama Bear” ang tawag ng lahat sakaniya, nag dadala ng kasiyahan na ka abang-abang.
  • Chito Tampipi- Ama ni Chichay at “Papa Bear” ang tawag sa kaniya tumayong poste upang iahon ang pamilya nila.
  • Isko Tampipi- Lolo ni Chichay at siya ang nag impluwesiya para maniwala ang pamilya nila sa mahika.

Kaugnayan na Isyung Panlipunan:

Naipakita sa palabas na ito ang pangunahing Isyu ng Panlipunan ang kahirapan, naipakita ito sa pamilya ni Chichay dahil sa kung paano sila mamuhay, kung paano itrato ng mayayaman ang mahihirap. Katulad ng eksena kung paano tratuhin ni Joaquin ang mga katulong na namamasukan sa kanila, dito palang ay makikita mo na ang paghihirap ng isang kasambahay at kung paano tratuhin ng ibang mayayaman ang mahihirap.

Mensahe:

Ang Got to Believe ay isang teleserye kung saan nagpapakita ng mensahe patungkol sa isang pamilya na kahit ano mang pagsubok ang harapin basta sama-sama ay kayang tugunan. Maipapakita rin dito na walang katumbas ang pagmamahal ng magulang sa isang anak kahit magsakripisyo sila para lang makamit ang pangarap.

--

--