
Ang lungkot sa mga mata’y nakikita
Ang tinig mo’y pilit na pinasasaya
Bakit ganito
Gusto mo pero gusto naman siya
Ayaw mo pero gusto na niya
Wala ka nanaman,
Talo ka nanaman
Hanggang kailan ka ba magiging ganto
Hanggang kailan ka ba babangungutin
Hanggang kailan ka ba malulungkot
Iiyak, iiyak,
Iiyak nanaman sa isang tabi
Iiyak sa walang kwentang rason
Iiyak sa sobrang kalungkutan
Natraydor ka nanaman
Nanaman, paulit-ulit
Kailan ka ba sasaya?
Kailan ba titila ang mga luha
Kailan ba mapipili
Kailan ba matatapos
Lahat ng ikasasaya’y may balakid
Lahat ng taong nakikilala’y
Naghahatid ng lungkot sa puso
Pati mga kaibigang di sadyang masaktan ka
Sabagay,
Ano bang magagawa ko?
Di hamak naman na mas maganda sila
Ano bang panlaban ko?
Hindi naman na gugustuhin makasama’t makita
Hindi naman kase nasusukat sa tagal ng pagkakakilanlan
Nauna ka nga, wala namang kahit na ano
Di ka naman pipiliin kahit kailan
Baka nga siguro’y magpapaalam na lang
Magpapaalam nanaman
Tulad rin ng nakaraan ko,
Paalam nanaman
Huwag sana na ika’y magtampo o magalit
Kailangan ko lang piliin yung sarili ko ngayon
Sana’y maintindihan mo
Kaibigan, paalam na
Sana’y maging masaya ka sa piling niya
Sana’y piliin ka rin niya tulad ng pagpili sakanya
Sana’y ipaglaban at mahalin ka rin niya
Salamat, pasensya, at paalam na
Aking kaibigan