Ang Buhay ni Kesz Valdez

Kresta Shilloh Abadiez
1 min readAug 20, 2018

Ang sertipiko ng parangal na ito ay para kay Kesz Valdez na nanalo ng 2012 International Children’s Peace Prize. Siya ay nagmula sa mahirap na pamilya galing sa Cavite. Noong sa edad ng apat, siya ay umalis sa kanyang tirahan dahil sa pangaabuso ng kanyang ama. Nagsimula siya ng isang organisasyon noong siya ay sa edad ng labing tatlo. Ang organisasyon niya ay tumutulong sa mga naabusong mga bata na nakatira sa mga lansangan ng Cavite. Sa kanyang kaarawan sinabi niya na ayaw niya ng kung anong regalo pero sa kabila nito ibinigyan niya na lang niya ng mga “Hope Gifts” ang mga bata na nakatira sa lansangan. Ang mga “Hope Gifts” ay naglalaman ng mga tsinelas, libro, laruan at iba pa. Siya ay naging modelo para sa akin dahil sa murang edad siya ay nakatulong sa mga batang nangangailangan. Modelo siya sa mga bata para sa akin dahil siya ay bata rin.

Ibinigay ngayong Agosto 22,2018 ni Kresta Abadiez

--

--