Pili Tree

Bakit mahalaga ang punong ito?

Joel Pantilgan
2 min readNov 26, 2017

Karamihan ang pili tre ay tumutubo sa katimugang bahagi ng luzon.

tumutubo din ito sa visayas at mindano. Pero bakit tila unti unting naglalaho na parang bula ang mga punong ito dito sa ating rehiyon sa mindanao? Kahit sa mga bulubundoking bahagi dito sa atin, ay halos wala na tayong mkikita na pili tree. Bakit kaya?

Ang Pili tree ay di gaanong kilala dito sa atin sa mindanao. Hindi nila alam ang mga kahalagahan nito, kaya hindi nila ito pinapahalagahan. Bagkos pinuputol nila ito at kina kaingin pa nga. Kaya yan ang dahilan kung baklit sa ngayon ay halos wala na tayong makikita na pili tree dito sa ating rehiyon sa mindanao.

Pili tree leaf and fruit

Ngunit saan nga ba tayo makakakita ng maraming pili tree? Syempre, sa Bicol.

Dahil ang punong ito, is become a symbol of bicolandia. Ito ang kanilang ipinag mamalaki. Kung dito sa ating rehiyon sa mindanao, sa Davao, ang ipinagmalaki ay durian, sa bicol naman ay ang pili tree

Ano ang makukuha natin sa Pili tree?

Mayroong tatlong mahahalagang bagay na makukuha natin sa pili tree.

Una, dahil sa ang punong ito ay malalaki, maari itong mapag kukunan ng tabla.

Pangalawa, ang kilalang kilala sa bicol at kahit sa iba’t ibang bahagi ng lugar ang pili nuts. Ito ang bunga or fruits ng pili tree. ang masasarap na bungang ito ay ginagawa nilang candy, Pili nuts. Ginagawa rin nila itong pang halo sa ice cream at iba pa. Bukod sa masasarap ang pili nuts, ito ay sagana sa bitamina na nakakatulong pampalakas ng immune system ng ating katawan.

Pangatlo, higit sa lahat ang makukuha natin na benefits from pili tree ay ang kanya dagta or sap of pili tree.

Ang dagta ng pili tree ay karaniwang ginagamit ng mga sinaunang tao na panggamot or traditional folk medicine. Ginagamit nila ito para sa sakit ng ulo, sa rayuma, arthrytis, sakit ng ngipin at kahit sa mga kati kati ng balat, pag sumasakit ang ulo tina tapal lang ito sa magkabilang sintido ng ulo. kung saang parte ng katawan ang sumasakit, doon ito tinatapal o nilalagay. kaya ito ang kahalagahan ng pili tree.

--

--