Hindi pala talaga ganun kadali.

Pasensiya ka na kung paulit-ulit na ako. Pasensiya ka na kung nagagambala kita sa mga nadarama ko, sa mga iniisip, sa mga sinisigaw ng puso, sa mga frustrations ko, sa mga bagay na alam mo na pero pinaulit-ulit ko pa.

Alam ko, ikaw rin. You probably feel the exact same way, and share the exact same sentiments. We both know that by now. Ikaw lang rin naman ang nakakausap ko tungkol sa mga pangarap ko sa buhay. Ikaw lang rin naman ang makakintindi ng buo kung saan ako nanggagaling. Grabe, imbes na ginagawa ko ang trabaho ko, heto ako, sumusulat sayo. Hahaha. Hindi na nakakatuwa. Isa to sa mga paraan ko para takasan yung totoo: na kailangan ko magtrabaho.

Ang hirap pala talaga no? Ang hirap hirap sa real world. Hindi naman peke yung mundo noong nag-aaral pa tayo, pero mas naging totoo lang siya ngayon. Tayo na kasi yung gumagawa ng desisyon natin ngayon. Tayo na yung may hawak ng buhay natin. Oo nandiyan yung magulang, pamilya, kaibigan para gumabay at akayin tayo ‘pag may problema, pero sa pagtatapos ng araw, nasa sa atin kung anong dapat gawin.

Siguro hindi pa ako sanay. Masyado pa akong immature. Iniisip ko pa na may pag-asa pa kasi bata pa tayo. Iniisip ko na darating yung araw na magiging okey na talaga ko. Na mahahanap ko na yung tamang daan, doon sa sigurado. Pero paano kung hindi? Oh, ayan: doubts. Doubts.

Siguro yung mga nauna satin ng mga ilang taon, nahanap na yung lugar nila dito sa mundo, puwede rin namang hindi pa, naghahanap parin, nawawala parin. Kaya siguro yung iba, o yung karamihan, napapanatili nilang mag-trabaho kahit hindi nila yun gusto. Alam ko pareho nating naiisip na “selfish” yung mga gusto natin: ang masunod ang puso at ang “passion”.Sana maging matapang tayo na harapin yung consequences kapag pinagpatuloy natin na ipaglaban yung gusto natin marating sa buhay. Alam mo naman na iyon ang takot ko. Natatakot akong mapagod at tuluyang sumuko.

Sa lahat ng nagsasabing, “Follow your heart, go after your dreams”…tangina niyo po! Hindi pala ganun kadali. Hindi.

Hindi pala talaga ganun kadali.

Good vibes lang,

GV