“Hanggang dito nalang Siguro”

Naririnig ko na sa iba. Nabihira daw ang magmahal ng kakaiba. 
Siguro nga bihira. 
Siguro nga hindi normal para sa iba.

Mahirap maging kakaiba.
Literal na kakaiba.

Dahil Bukod sa mahal kita
Minamahal kita ng iba sa kanila.

Minamahal kita

Oo minamahal kita.

Minamahal kita ng patago
Minamahal kita ng pasikreto
Minamahal kita ng hindi malalaman ng ibang tao

Na ikaw mismo
Ayokong malaman mo

AYOKO.

A-Y-O-K-O.

Pero ano ba tong ginagawa ko?
Bakit sinasabi ko?

Sabe sayo kakaiba ako.

Kase ako kuntento nako dito 
Kontento na ako sa ganito

Kontento nako sa pagtingin sayo sa malayo
Kontento nako sa isang kamusta lang mula sayo

Kuntento na akong mahalin ka sa paraang alam ko

Kontento nako sa pagiisip ko

Kung kumain kanaba?
Kung nakauwi kana? 
kamusta kana?
Okkay kalang ba?

At kung okkay lang ba kayong dalawa?

Okkay lang ba kayong dalawa?
Okkay nga ba?

E ako? 
Okkay nga ba talaga?

Na habang ako iniisip kita
Iniisip ko rin kayong dalawa

Iniisip ko kung gaano nyo kamahal ang isa't isa

iniisip kong bawal ba akong maging masaya?

Masaya pero ikaw ang kasama ?

Hndi naman masama maging martir dba?
Hindi naman diba ?

Pero sabi ko nga sayo kuntento nako dito

Kuntento nakong maging masaya basta masaya ka.

Okkay na sa aking hindi kita kasama basta Kasama mo sya.

Okkay na akong kausap mo sya kahit ako tinitignan lang kita

Okkay na ako
Okkay lang ako

Kaya Wag kang mag alala,
mahal kita.

Mahal kita
At kuntento nako sa salitang "Mahal kita"

Dahil mamahalin kita ng kakaiba.

Mamahalin kita ng iba sa kanila.

Kase mahal kita 
kahit may mahal kang iba

Mahal kita 
At alam kong 
"Hanggang mahal lang kita".

Like what you read? Give Hannah O. a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.