depresyon

Sana hindi, sana isa lang ito sa mga produkto ng aking pagiging negatibo. Pero hindi, alam ko din sa sarili ko kung gaano na ako nahihirapan. Nahihirapan makisama, nahihirapan maging masaya, yung totoong masaya, nahihirapan makita ang pakinabang ng sariling buhay, nahihirapan pigilan ang hininga para lahat ng gumagambala sa isip mag laho na.

Sobrang hirap pala, lalo na kung walang nakaka-alam, walang ma sasabihan. Yung pakiramdam mo na, kaonti na lang, konting konti na lang..mababaliw ka na, mamatay ka na, malalamon ka na ng ka demonyohan ng buhay.

Kung ano anong sinubukan, uminom ng sandamakmak na gamot, hiwain ang sariling balat, pigilan huminga, lahat na lang ngunit lahat din ay hindi gumana. Sa sobrang hirap na hirap sa buhay na mismong pag putol nito hindi makayanan, ganito na ba ako ka hopeless, ganito na ba ako kalala na kailangan ko na ng tulong? Pero hindi, gusto ko to, gusto ko na mag laho at alam ko kapag nalaman nila, subok nilang pipigilan, subok nilang pakeke-aalaman kahit na ito ay mga pakitang tao lamang.

Sana, sana balang araw makita ko ang solusyon, mahanap ko ang mga sagot sa tanong, makita ko ang liwanag ng buhay na tila ngayon ay pundi na para sa akin. Sana lahat ng ito manyare bago tuluyan mag laho at mag dilim ang aking mundo.

Like what you read? Give hann a round of applause.

From a quick cheer to a standing ovation, clap to show how much you enjoyed this story.