
Pwede bang mag-practice ng ugali?
Normally pag naririrnig natin ang salitang practice ang nasa-isipan natin ay pag-hahanda sa isang competition o kaya pag-ready sa isang matinding pag-subok.
Examples:
“Kailangan ko lang mag practice sa test ko bukas”
“Kailangan natin mag practice para sa championship ng basketball”
“Kailangan natin mag practice sa singing contest”
Pero ang hindi alam ng karamihan na ang ugali at katangian ng isang tao ay pwede rin i-practice.
Nakarinig ka na ba sa isang tao na sinabi nya ay:
“kailangan ko mag practice ng pagpapa-kumbaba”
“kailangan ko mag practice ng paggiging-honest”
“kailangan ko mag practice na maging disiplinado”
“kailangan ko mag practice ng pagiging simple at practical”
Diba parang weird pakingan? Parang hindi naman natin naririnig yung mga tao na ganyan sabihin at gamitin yung mga katangian na yan.
Normally nga mas bagay pakinggan pag-iduduktong sa new year’s resolution,
“Ang new year’s resolution ko ay maging simple at practical”
At dahil sa ganitong pananaw kaya ang karamihan sa atin hindi na nadevelop ang mga bagong katangian na gusto natin sa buhay.
Gusto ko lang i-share na naging very effective sa buhay ko na baguhin ang pananaw ko na wag dapat tawagin na katangian ang….
Honesty
Simplicity
Discipline
Humility
Positivity
… dapat tawagin itong mga ito na isang SKILL.
Na walang pinag-kaiba sa basketball skill, drawing skill, math skill or cooking skill. At dahil skill lang ang tingin ko dito alam ko na ang katumbas ng pag-develop ng isang skill ay PRACTICE.
Kunwari, ang katangian na “practical at maging-simple”. Kung titignan ko lamang sya na isang katangian, malamang gagawin ko syang new year’s resolution at ma-aalala ko lang gawin sa pag talon ng bagong taon.
Pero dahil sinabi ko sa sarili ko na skill itong mga ito, kailangan ko mag-practice araw araw sa pagiging “simple at practical” para ma-develop itong katangian na ito.
Example:
Friend: “Pare tara Starbucks tayo!”
Me:
(nag-iisip…. hmmm ito na ata yung pag-kakataon na makapag-practice ako ng maging practical at simple)…
“ah sige pare next time nalang masyadong mahal at nagtitipid ako” …
(Yes! na-practice ko na ng isang beses, konti nalang at ma-dedevelop ko na ang skill na ito 😄)
At dahil practice at skill ang tingin mo sa pag-develop ng katangian na ito, gagawin mo sya ng madalas kung disidido ka. Walang pinag-kaiba ulit sa lahat ng skills dinevelop mo buong buhay mo.
Diba nga may kasabihan na “Practice makes perfect!” 😓
Na-realize mo ba?
na ang ugali mo ngayon, mabuti man or masama, ay mga skills din na nadevelop na sa tagal mo silang palaging pina-practice.
So kung negative ka pala mag-isip palagi, ibig sabihin na-master mo na ang skill na pagiging negative sa tagal at dalas mo syang pina-practice sa bawat pagkakataon.
Finally my last advice is,
wag natin tignan na ang pag-develop ng katangian ay nasa lahi at mina-mana lang kasi parang tinuldukan mo na ang iyong ugali at kapalaran.
Wag din tignan na mano-nood ka lang ng isang inspirational na video or mag-babasa ka lang ng isang inspirational na libro tungkol sa pag-save at pag-lago na pera ay yun lamang ang solusyon para sa pag-babago.
Kailangan lang talaga na baguhin ang pananaw na ang tunay na solusyon sa pang-matagalan at permanenteng pag-babago ay itrato ang katangian na gusto nating gawin na parang isang “Skill” na gusto nating ma-develop sa buhay.
So sa ganitong pananaw, pwede na palang i-practice ang:
- skill na marunong makinig muna bago mag-salita
- skill na pagiging disiplinado sa pera
- skill na palaging nakikita ang opportunity at hindi problema
- skill na umako ng mga pagkakamali at hindi manisi
- skill na maging positive at masiyahin at hindi negative at bugnutin
- skill na mag-pakumbaba at hindi mag-yabang
- skill na mag-isip ng mabuti sa kapwa at hindi mang-husga
- at pwede rin na skill na pagiging tapat at tuwid na asawa
Bonus tips:
1) Madali ma-develop ang skill (katangian) na gusto mo i-practice kung lalayo ko sa mga tao na baliktad at masama ang impluwensya and of course ang pinaka-importante ay didikit ka sa mga tao na ganito ang skill for guidance and inspiration.
2) Meron ding tinatawag na 21x habit (isang mahabang usapan ito sa ibang article), pero ibig sabihin lang ay gawin ng sunod-sunod ng 21x para maging permanent ang isang skill. Pag hindi mo sya nagawa ng sunod-sunod ang bilang ay babalik ulit sa simula hangang maka 21x ka.
Let me leave you with this quote:
“Yung ugali na meron ka ngayon, masama man or mabuti, ay mga skills na matagal mo ng pina-practice”
Good luck sa bagong skill na pipiliin mo ngayon.
Kung nakatulong at nagustuhan nyo itong simpleng article na ito, please click the heart below.
Kung sa tingin nyo matutulungan nito ang ibang tao, please share through facebook
at kung may katanungan kayo at gusto linawin, wag mahiya at mag-sulat lang ng tanong sa comment box.