Sep 3, 2018 · 1 min read

wala na ang liwanag
liwanag na nanggagaling sa bintana,
sikat ng araw di alintana.
panahon ay dumaan at lumipas,
larawan mo sa isipan ay hindi pa rin kumukupas. ikaw pa rin hanggang ngayon,
nararamdaman ay hindi mabaon.
napapaisip kung kelan ba magsasawa,
kelan ba ako sa’yo magiging malaya.
bakit nga ba ako naghihintay,
sa isang taong iba naman ang hinihintay.
bakit nga ba ako umaasang may pag-asa,
kung ako’y tinalikuran mo na.
bakit patuloy pa rin akong humihiling,
hindi naman ako dinidinig.
kelan ba ako susuko,
kahit wasak na ang puso.
