“Pasenya na ngunit kaibigan lang ang turing ko sa’yo”
Mga salitang di na bago sa pandinig
Halos narinig na ng buong daigdig
Masakit pero kailangan tanggapin
na hanggang dun na lang talaga kahit anong gawin
Habang naririnig ang mga kataga
na para bang sa puso’y tumataga,
Sa katawan ay nakakapanghina
At pinipigilan ang pag tulo ng mga luha.
Mga tanong na bumubulong sa isipan
Na kahit ikaw mismo walang kasagutan,
“Paano yung…? Akala ko…? Wala ba talaga…?”
Sa ngayon ay di alam ang gagawin
Kung mananatili o mag-iiba ang turing
Dahil kahit kailan hindi kita maituturing na kaibigan
Mahal kita at yan ang katotohanan
Nakakatawa lang isipin
Walang tayo pero kailangan gamutin,
ang sugat na malalim.
Siguro ay nadala lang sa pagkakataon
Noong nanalangin akala ikaw ang tugon
Sadyang sugal lang siguro ang magmahal
Di mo alam kung sino, kailan at hanggan saan magtatagal
Masaktan man pilitin parin bumangon,
Dahil lahat ng sugat ay hinihilom panahon.
