Lenggwahe ng Pagkakaisa

Ms. Joana
2 min readFeb 26, 2018

--

photo retrieved from https://www.newsportal.ph/local-news/blogger-urges-ph-to-prepare-for-war-martial-law-ngayon-ay-tawag-ng-pagkakaisa-ng-mga-pilipino/

Espada, baril, mga tangke ang panulat,

Katawan ng tao ang nagsilbing blankong aklat,

Sama sama silang sumulat,

Gamit ang lengguwaheng kakaiba sa lahat.

Nagsimula ang kuwento nang si ina ay malaya pa,

Masayang namumuhay mga kaming mga anak niya,

Nang biglang lahat nag iba sa isang kisap-mata,

Sino itong di kilalang tao,tila kaguluhan ang kaniyang badya.

Unti-unting napahirapan si ina,

Kanyang mga anak gustong tulungan siya,

Sa isang istorya sabi nga laging may kontra-bida,

sa kuwentong ito mga dayuhan sila.

Para lang maligtas si ina, maraming buhay ang kinailangan,

Mga anak ni ina, kuwento na ay sinimulan,

Gamit ang lengguaheng iba sa karamihan,

Ito ay ang katatagan ng loob at katapangan.

Si Inang bayan maraming napagdaanan,

Na makapagbibigay leksiyon sa karamihan,

Masaya ako na siya ang ina ko,

“Pilipino ako!” kaya kong ipagsigawan sa buong mundo.

Naangkin man ng iba noon,

Ang mahalagan nakabangon na ngayon.

Naghirap man noon,

Ang magahalaga sinusubukang makaahon.

Espada, baril, mga tangke ang panulat,

Katawan ng tao ang nagsilbing blankong aklat,

Sama sama silang sumulat,

ng kuwentong hanggang ngayon ay alam ng lahat.

English Translation:

Language of Unity

Sword, guns, tanks seems to be the pen,

The paper was the body of men,

Together they write a story,

using a language that was different from many.

The story started when she is still free,

People was living and surviving happily,

Plot twist had happened, antagonist appear,

They started to ruin everything when their aim was revealed.

Her life changed gradually,

People tried to save her from the goons that was killing her softly,

Because Antagonist at first seems to win,

The first attempt was filled with failing.

Just to save her, lives were given, they’re indeed many.

That was the time when her people started to write their own story,

Using a language that was different from many,

That language was braveness and courage that was possed by many.

She, my mother Philippines gone through several pain,

That pain can be an inspiration to others, somewhat their gain,

I’m happy she is my mother,

“I’m a Filipino” I can proudly shout without any bother.

Conquered but now is free.

Pained but now is healing.

That is what I like about her,

Her strength that no one have except my mother.

Swords, guns, tanks seems to be the pen

The paper was the body of men,

Together they write a story

that untill now is known by many.

--

--