Day 07: “The Infinite Playlist of my Life”

Actually hindi siya infinite. Bilang lang sa daliri e.

Sa ilang taong pamamalagi natin dito sa daigdig. “Wow anlalim!”. Napakarami nating mga karanasang di malilimutan na marahil ay bumago din sa ating pananaw sa buhay. Maaaring itong maging masaya na tipong abot tainga ang ngiti mo, maaari rin namang malungkot kung saan ay tumutulo pa ang uhog mo sa pag-iyak, maaari ding nakakahiya kung saan ay gugustuhin mo nang manghiram ng mukha sa aso, o kaya’y maaari ring nagpakilig sa’yo na parang tumungga ka ng isang boteng suka.

Tulad ng iba, meron ding malalaking pangyayari sa akin buhay (Hindi literal na malaki!) na siyang nagbigay kulay sa aking mundo at gumimbal sa aking katahimikan. Mga pangyayaring di ko malilimutan. At tulad ng isang musika, may iba’t-ibang emosyon din akong naramdaman dito.

Tara na’t ating alamin ang mga kantang makakapaglarawan ng mahahalagang yugto ng aking buhay.

1. ‘7 Years’ — Lukas Graham

‘Once I was seven years old, my mama told me, to make yourself some friends or you’ll be lonely!

Noong bata pa lang ako, naaalala ko pa nung pinapalabas ako lagi ni nanay. Di ko alam kung gusto niya ba ko palayasin o hindi. Lagi ba naman ako pinapalabas. At ayun, sa paglabas-labas ko ay nakakilala ako ng mga kaibigan ko. Mga kaibigang nakakalaro ko at nakakasama sa tuwa at maging sa kalokohan.

‘Pag Three, pataas! Mag-Bonakid Pre-school 3 plus! Batang may laban!’. When I was three years old, it was the first time I entered school as a nursery student. Naaalala ko pa nung ayokong paalisin si mama sa school dahil natatakot ako. Grabe, natatawa na lang ako ‘pag naaalala ko ‘yon.

2. ‘Tropa’ — Siakol

Sa’n man magkita, tiyak ay kwela, ‘yan ang aking mga tropa.

Sa dinami-dami ng aking naging mga kabarkada o dabarkads, ngayong college ang The Best!

Oo, the best pa kaysa sa Pampanga’s Best Tocino!

Nagkaroon ako ng mga kaklase / kaibigan / ka-LoLmate / kakantahan / kakopyahan (Joke lang!) / ka-Joy Ride / kaasaran / kakwentuhan at napakarami pang pwede itawag. Nakakapagod na kasing mag slash slash pa!

Ewan ko ba, pero pag magkakasama kami, puro kalokohan yung nagagawa namin. Minsan nga yung study group namin nagiging Movie Marathon pero infairness, nakakapasa pa kami sa mga exams.

Yung tawag pa nga samin F4 e. Paano ba naman laging kami yung magkakasama. Kulang na lang makitulog na rin kami sa bahay nina Jimar dahil sa sarap ng luto ni Tita. Hahaha!

3. ‘Thinking Out Loud’ — Ed Sheeran

When your legs don’t work, like they used to before.

Isa ‘to sa mga kantang di ko malilimutan. Di dahil naging pambansang kanta ito ng mga Jejemon, kundi dahil ito ang naging bangungot ko ng highschool. Yun pa yung mga panahong wala pa kong pakialam sa mundo at puro aral lang. As in aral lang talaga na halos maubos na ang kilay ko sa pagsusunog.

JS Prom kasi namin nun at iyon ang napiling theme song. Dahil halos lahat yun lang ang alam na kanta noon.

Habang pinapatugtog yun ay makakasaksi ka ng mga babaeng sumasayaw na parang sinasapian na hindi mo maintindihan. Isipin mo ba naman, naka Gown pero nagbe-breakdance? eh di wow di’ba?

Nakakakita ka rin ng mga lalaking sa sobrang pagpapa-cool ay dinaig pa si Yolanda sa lakas ng hangin.

Pero di talaga yun ang naging bangungot ko noon.

Mga 1:00 na yon ng madaling araw. Nakaupo lang ako sa sulok ng bigla akong patayuin ng aking adviser para makipagsayaw sa babaeng pinakakinaiilagan ko noon. Sa sobrang tindi ng pag-ilag ko ay iisipin mong may ketong siya.

At ayun nga nga, dumating na sa puntong na-blackmail pa ko. Babawasan daw ni Maam yung grade ko sa project kapag hindi ako nakipagsayaw dun sa girl. Nahirapan talaga kong mamili non. Grade conscious ako nun e, kaya mukhang alam na kung anong naging desisyon ko. Ang makipagsayaw. T.T

Ganun na nga ang nangyari, napilit akong isayaw ang babae sa gitna ng dancefloor na kami lang dahil kinontsaba nila yung DJ at yung Master of the ceremony. Inis na inis ako nun habang pinapatugtog yang Thinking Out Loud na yan na feeling ko ay naka-slowmo nang mga panahong iyon. Grabe hiyang-hiya talaga ako noon.

4. ‘2012' — Jay Sean

We gonna party like, like it’s the end of the world.

Alam kong alam niyo na inalam niyo rin kung totoo ba na noong 2012 daw ay magugunaw na ang mundo. So creepy, pero marami binulabog nyan ang buong mundo dahil naka-based daw yan sa Myan Calendar.

Pati isipan ko nun nabalot ng takot. Yung pakiramdam na gusto mo nang mag-evacuate sa Mars pero di mo alam kung paano. Grabe, halos patayin ako nito sa pag-ooeverthink. Pero buti nalang, hindi totoo.

5. ‘Today My Life Begins’ — Bruno Mars

I will break these chains that bind me, happiness will find me.

Ito ang naging graduation song namin.

Nakakatuwang isipin na sa loob nang napakahabang panahon (kahit 11–12 pa lang) ay naka-Graduate na rin kami nang high school. Isang malaking achievement to dahil para maipagpatuloy ang pangarap! sa wakas ay nasuklian na rin ang ilang taong paghihirap sa mga projects, assignments na minsan kinokopya, quizzes na naghahanap ng kakontsaba at, exams na unti-unting sumisira ng ating katinuan. It is all worth it!

Naniniwala ako na ang edukasyon kasi ang siyang magdadala sa atin tungo sa tagumpay.

Panibagong yugto ng buhay naman ang aking kinakaharap ngayon kolehiyo. Ibang level na to. Future na nakasalalay dito at tiwala naman ako na kakayanin. Kaya nga naging scholar e.

Ngayon pa lang ay dapat ko nang hasain ang kakayahan ko sa paggawa ng desisyon dahil talaga namang makaaapekto ito sa aking buhay.

6. ‘Superman’ — Joe Brooks

If I could be your Superman, I’ll fly you to the stars and back again. ‘cause every time you touch my hand, you feel my powers runnin’ through your veins.

Ito yung naging favorite song ko nung humanga ko sa isang babae. Yieee. Di ko alam ang pakiramdam, na-Love at first sight ata ako. Pero best feeling evah! Feeling ko motivated ako araw-araw at puro Good Vibes lang ang nararamdaman ko. I felt that this world is such a wonderful place.

There are no words to paint a picture of you, girl.

Naaalala ko pa nga nung natutulala na lang ako katititig e. Yung parang ayaw mo nang alisin ang paningin mo. Yung mapapanganga ka na lang habang dumadaan siya sa harap mo at feeling kotumitigil yung oras pag lumilingon siya.

But I’m no Superman, I hope you like me as I am.

Same as the lyrics of the song. Hindi ako si Superman, Maybe I’m not the typical guy pero sana matanggap niya kung sino ako. Lakas magdrama! I want to be true to myself at sana siya rin. Hahaha!


Marami pang kanta na maaaring i-relate sa buhay ko pero yang anim na yan ang pinaka-memorable (pero yung totoo, yan lang ang naalala.) na nagbigay kulay sa buhay kong black and white.

At dahil do’n, naniniwala akong…

Music gives color to your world.

At sabi nga ng creamstix…

Imagination mo ang limit!

NOTES:

Photos are not mine. Source: Google Images.